Chapter 14

892 127 11
                                    

(Steve Laurence Kliesen on the side)



               Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Bryce dahil sa pagseselos niya sa kapatid ko. Tell me Guys, kailangan pa ba talagang magselos kung alam mo namang sayong sayo lang ang mahal mo? Ewan ko ba sa lalaking to kung bakit nagkakaganyan pa.

Hay naku! Bahala siya. Kung ayaw niya akong kausapin e di wag. Kabago bago pa lang namin, eto na naman kami't nag-aaway.

Dati ang sweet sweet niya tapos bigla na lang siyang ewan. Umiiba na siya. Parang hindi na siya ang dating Bryce na nakilala ko. Lagi na lang kaming nag-aaway na parang aso't pusa. Oo nga't ganyan kami dati pero iba ngayon eh. Iba na siya.

Ano bang nangyari sa kanya? Mahal pa rin kaya niya ako?

Eto ako ngayon. Bangag na naghihintay ng tawag mula sa kanya kahit alam kong wala akong mapapala. Galit nga di ba? Pano tatawag yun? Tsss.

Pero kung mahal niya ako, hindi niya ako matitiis di ba?

There you go... Umiiyak na naman ako. Nasasaktan na naman ako. Hanggang kelan ba ako magkakaganito? Hanggang kelan ako magpapakatanga sa isang lalaki?

Ano ba, Myche! Bumabalik ka na naman sa pagka-Dayle mo! Pwede ba? Lalaki lang yan! Wag mong hayaang masayang ang mga luha mo dahil lang sa kanya.

Hayyyy. Mas mabuti pa nung hindi pa kami.



Lumabas ako ng bahay para magsaya. Pinaharurot ko ng mabilis ang kotse ko para hindi ako mahuli ng parents ko. Kung sabagay, di naman nagsusumbong ang mga guards eh. We're friends.

Dinala ako ng kotse ko sa park kung saan kami madalas tumambay ni Charles. Ay Dharon Kyle pala.

Bumaba ako ng kotse ko dala lahat ng sakit sa puso ko. Bakit kailangan pang mangyari to? Tanaw ko mula dito sa kinauupuan ko ang bahay nila Dharon. Saan kaya siya titira pag-uwi niya rito? Sa bahay nila o sa amin?

Wag naman sana sa amin. Masyado nang masakit ang nararamdaman ko. Wag na sanang madagdagan pa.

Oo, aaminin ko. May nararamdaman pa rin ako sa kanya.

No! Siguro, namimiss ko lang ang meron kami noon. Tama. First Love ko lang naman siya di ba? First Boyfriend ko pa.

Sige nga, sabihin mo sa akin, may tao bang mabilis na nakalimutan ang unang taong minahal niya?

Kinalikot ko na naman ang phone ko baka sakaling may maligaw na text si Bryce sa akin kaso wala talaga eh. Patagalan pala ng walang pansinan ah? Game!

Napunta ako sa Gallery. Tiningnan ko ang mga laman ng videos at napansin ko ang isang file na nakalagay dito. Teka? Ba't ngayon ko lang to nakita? At saan naman kaya to galing?


"Hi Miss! I mean, misis ko. Hahaha."

"Sarap ng tulog natin ah? Hahahahahaha."

"Hoy. Gising na dyan. Miss ko na ang napakaganda mong boses."


Kinakausap niya ang litrato ko na hawak hawak ng kaliwang kamay niya. Kinukuyog niya pa ito. Parang tanga. Haha.


"Uy. Tulog mantika ka talaga. Ang hirap mong gisingin."


Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon