Chapter 31

700 103 10
                                    

Hello Ms. @Tilia4oD! ^____________^ Thank youuuu soooOOoo muuuuuch sa pagbabasa ng story ko. Thank you din sa Votes and Comments.. Super thanks!! ^__________^

Hi din kay Ate @ShyraAna ..Hahahaha!. ^_^

_____________________________________________________________


(Kelvin Keith Sartre on the side)



Kelvin POV

Ako si Kelvin Keith Sartre. 19 years old. Namuhay sa Pilipinas ng mahabang panahon kasama ang aking mahal na nanny. Ugh. What kind of intro is this? This is so gay! Tsk.

I don't have that so-called parents. They're already dead.

Yung mama ko, patay na. Literally. Yung papa ko naman, wala naman yung pakialam sa akin. Lagi naman yun wala sa bahay eh. Puro business, business, business ang inaatupag. Nakakasawa na! Kaya lumaki akong may galit sa kanya. Anong magagawa ko? Hindi na yun maaalis sa puso ko. Kaya para sa akin, patay na rin siya. Sumalangit nawa ang walang kwentang kaluluwa.

Walang kwenta ang childhood ko. Kaya ayoko nang magkwento. Tsk. Pero nasimulan ko na din lang naman kaya sige. Magkukwento ako kahit konti lang.

Simula nung napasali ako sa Saber Crime, nagbago ang buhay ko. Lagi akong napapaaway, nasasabak sa gulo, laging nasa ospital dahil sa mga sugat na natatamo ko.

Ganyan ang buhay ko hanggang sa matauhan ako't naisipan kong umalis sa Saber Crime.

Pero hindi naging madali ang desisyon ko.

Maraming rules ang kailangang gawin at kailangang sundin. Mahirap. Oo. Sobrang hirap ang dinanas ko pero nagtagumpay ako. Akala ko nga katapusan ko na nun eh. Ilang araw ko ring pinag-isipan kung itutuloy ko ba yun o hindi. Kung magiging maganda ba ang resulta, kung mababago na ba ang buhay ko. Kung magiging maayos na ba ang mundo ko.

Simula kasi nun, masamang tao na ang tingin sa akin ng karamihan. Wala akong naging barkada sa klase dahil nilalayuan nila ako. Natatakot sila sa akin. Di ko naman sila sasaktan ah? Hindi naman ako ganung klaseng tao. Pero ganun ang tingin nila sa akin. Kesyo, wala raw akong kwenta, salot sa lipunan, bastardo, tarantado at gago.

Maraming nanghuhusga. Maraming masasakit na salita ang natatanggap ko at ng aking grupo sa tuwing napapaaway kami. Kahit na nasa tama naman kami para gawin iyon. Tsss.

Pero sabi nga sa Land Of Bondage, Land Of The Free ni Raul Manglapus, "The Tao does not come here to be judge, but to judge". Kaya kahit anong gawin namin, wala kaming magawa kun di tanggapin. Bakit kasi may freedom of speech pa eh!

Nabuwag ang grupong iyon dahil sa pag-alis ko. Isa kasi yun sa rules na dapat sundin ng bawat grupo. Pero ewan ko kung sinusunod iyon ng iba. Nabuwag yung grupong yun nang dahil sa akin. Pero nakasaad din sa rules na mabubuo ulit yun pagkalipas ng limang taon.

At ngayong taon na ang ika-limang taon. Mabubuo nang muli ang Saber Crime. At iyon ang ikinababahala ko.

Ganyan ang kinalakihan kong pagkatao. Ganyan ako dati. Pero nung umalis na ako sa Saber Crime, hindi ko na alam pero okay na rin naman ang resulta. Inaasikaso ko na lang ang business ko na iniwan sa akin ng namayapa kong ina.

Wala naman akong galit sa kanya kahit na katulad siya ng aking ama na walang pakialam sa akin. Although hindi ko rin siya masyadong nakikita sa bahay, kahit papaano ay pumupunta pa rin siya sa tuwing birthday ko. Okay na yun kesa naman sa papa ko na hindi ko na nga alam ang itsura eh.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon