Chapter 63

69 15 4
                                    

"What the hell are you doing!?" sigaw ko sa pagkabigla.

Teka naman. Kakagaling ko lang sa tama ng baril. Ayoko nang madoblehan pa! May phobia na ata ako sa ganitong eksena.

"Are you scared, you little rat? Magsimula ka nang magdasal, Myche. Dahil dyan kita mismo papatayin sa kinatatayuan mo," she gave me a strange smile. What was that?

Oh Lord, mukhang kailangan ko nga talagang humingi ng tulong sayo. Sana po iligtas niyo ako kung sakaling may masamang mangyari sa akin ngayon.

"Why would I be scared of you? Anong rason mo at gusto mo akong patayin? Dahil ba kay Bryce?" napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan kapag nababanggit ko ang pangalan niya, "Hindi ko na siya mahal. Sayong sayo na siya kung gusto mo."

"[...O ayan, Bryce. Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Myche sayo. She's not lying. Hindi ka na nga niya mahal...]" sabi niya sabay putol ng tawag sa kabilang linya. What the heck? At talagang pinarinig pa niya kay Bryce ang sinabi ko?

"Hahaha! Hindi ko alam na madali ka palang kausap. Poor Bryce. Para siyang pagkain na ipinamimigay na lang kapag ayaw nang kainin. But sad to say, hindi yun ang rason ko kung bakit kita gustong patayin," sabay tingin sa akin. Nawala na ang ngiti niya kanina.

"Kung hindi yun, eh ano?" naguguluhan ako. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Natatakot ako. Natatakot akong mamatay.

"It's for you to find out. Bitch!" mabilis niya akong pinaputukan sa braso ko. Shit! Bakit sa braso ko na naman?


Tumakbo ako patungong kusina. Asan na ang mga katulong dito? Don't tell me, pinatay na naman sila?

Mabilis kong inilabas ang mga shurikens mula sa skirt ko at ibinato iyon sa kanya. Buti na lang at may nakahanda akong weapons na may nakalagay na lason sa bawat blades nito.

But damn! Nailagan niya ito at kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang pagkasa niya ng baril tapos pinaputukan ako.

Mabuti na lang at nakatakbo agad ako palabas ng garden. Shit! Bakit ba kasi may silencer ang baril niya? Where the heck are you people? Help me!

Hinagisan ko siya ng tatlong shurikens. Nakita kong tumama ang isa nito sa may binti niya. Hindi siya makatakbo ng maayos. Pumasok ulit ako sa loob ng bahay kasunod siya.

Nadapa ako at tumama ang ulo ko sa couch bunga ng pagbaril niya sa binti ko. Nakaramdam ako ng kirot sa braso at sa binti ko. Parang nanghihina na ako pero kailangan kong lumaban.

Sobrang magulo na ang ayos ng bahay. She started to fire again pero taplis lang sa bewang ko. Gumanti naman ako sa kanya. Pinasadahan ko siya ng shurikens pero dahil sa nanghihina na ako ay nailagan niya ang lahat ng iyon.

Damn! Where the hell is Hillary and Dharon? Am I going to die?

Ngunit nabuhayan ako ng dugo nang bigla siyang bumagsak. Is the poison working now? Medyo matagal na kasi ang lason sa shurikens ko kaya matagal ang epekto nito. Thank you Lord!

Nauubusan na pala ako ng shurikens. I have no choice kun di kumuha sa room ko. I tried to run fast paakyat sa kwarto but it's too late. Nabaril niya ako sa may paa ko kaya napasubsob ako sa hagdan. Ang sakit!

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang nakatutok pa rin ang baril na hawak niya. Ganito ba kalaki ang galit niya sa akin at kahit na nakakaramdam na siya ng sakit ay nilalabanan niya pa rin para lang mapatay ako? Ito na ba ang katapusan ko?

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon