Chapter 19

836 110 7
                                    

(Bryce Kenneth Sy on the picture)



                To love is to sacrifice.

The last thing I knew, naglalakad ako pauwi ng bahay galing sa airport.

Tatlong kilometro ang layo nun sa bahay namin pero wala akong inindang sakit. I don't know why pero ganun talaga kapag may problema ako na hindi ko na magawan ng solusyon. Naglalakad lang ako kahit saan ako dalhin ng mga paa ko. Bakit? Ganito lang naman kasi ang nangyari...


**Flashback**

Papasok na ako nun sa room tapos sinalubong ako ni Shannie na magang maga na ang mga mata sa kaiiyak.

"Dharille Myche Kliesen! Why are you here? I thought--" bungad agad sa akin ni Shannie. Anong bakit ako nandito eh may pasok na di ba? Baliw ba siya?

"Hala! Why are you both crying? What's wrong?"

Sinulyapan ko naman si Maurice na nakaupo sa sahig at nakatingin lang sa kalangitan. Magang maga na rin ang mga mata niya. Ano ba kasing nangyari?

"S-si Bryce... He's moving to China. A-at dun na siya magpapatuloy ng pag-aaral niya," natigilan ako sa sinabi niya. Ano? Totoo ba tong naririnig ko? Sabihin niyong hindi! Please... Hindi ko kaya.

"Mamimiss namin siya," umiiyak pa rin silang dalawa. Samantalang ako ay walang lumalabas na luha sa mga mata ko. Pero alam kong konti na lang, iiyak na ako.

"What? A-akala ko ba... T-teka... Bakit ang bilis yata? Di ba kakauwi lang niya? Di ba... Bakit?"

Potcha naman oh! Ni hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos after ng breakup tapos ganito? Iiwan na niya kami ng ganun ganun lang? Para saan? Ano bang problema? Iniiwasan niya ba ako? What the hell!

"Hindi namin alam basta lang siya pumunta dito kaninang umaga tapos inasar pa nga namin kasi hindi siya nakauniform eh. Tapos ayun... Sabi niya magtatransfer na raw siya sa China," paliwanag naman sa akin ni Kent. Seryosong seryoso siya sa oras na to.

"At alam mo ba, Myche? Parang pumutok ang labi niya kanina. Napaaway siguro yun," sabi ni Clyde.

"Tahan na Myche. Okay lang yan. Makakamove on ka rin," singit naman ni Patricia sa usapan.

Okay lang? Sino ba ang nagpauso ng okay lang sa tuwing nasasaktan ka at papatayin ko?

"Kelan ang alis niya?" hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ano ba naman yang drama mo, Bryce! Kahit friends na lang tayo, ang kaibigan hindi iniiwan!

"10 am," sagot sa akin ni Kent.

"Ha? Anong oras na ba?" hindi ko pala suot ang relo ko. Shit! Aabot pa ba ako kung pipigilan ko siya?

"8:48 am na sa watch ko eh," sabi naman sa akin ni Clyde.

Nagsilapitan na ang barkada sa akin. Niyakap nila akong lahat para pagaanin ang loob ko. Hindi ko napansing umiiyak na pala ako.

"Alam ko ang iniisip mo, Myche. Kung may binabalak kang habulin siya, wag na. Hindi mo na siya maaabutan at lalo ka lang masasaktan. Ayaw namin nun. Nasasaktan din kami," sabi sa akin ni Maurice.

Hindi maaari! Kailangan ko siyang pigilan! Kailangan ko siya.

"Hindi! Hindi niyo ko naiintindihan! Kailangan ko siyang makausap."

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon