Chapter 7

1.1K 160 79
                                    

(Venice Kaye Frilles on the side)




Venice POV

           Yes! Sa wakas, binigyan rin ako ng pagkakataon na magsalita sa story na to. Siguro naipakilala naman ako ni Myche sa inyo di ba? Sapat na siguro yun para makilala niyo ako.

Nagising na lang ako na wala na si Myche sa tabi ko. Lokang babae yun ah? Saan kaya nagpunta? Tch. Napakapasaway ko pa naman dun kanina.

Hala! Baka magsawa na siya sa akin. Baka iniwan niya rin ako. Huhuhuhu.

Naiiyak pa rin ako sa ginawa sa akin ng mahal kong boyfriend. I mean, ex-boyfriend. Darating talaga ang oras na kailangan nang magkahiwalay ng magkarelasyon kahit ayaw pa ng isa. Hayyy. Wala akong magawa. Iniiisip ko na lang kung... Kailan kami ulit magkikita. Pero sa totoo, nasasaktan lang ako na aminin ang totoong nasa isip ko. Makikita ko pa kaya siya? Mahal niya pa rin kaya ako? Minahal niya ba talaga ako o rebound lang?

"O kay bilis naman

Magsawa ng puso mo

Ganyan ka ba talaga

Bigla na lang naglalaho"


Napapakanta na lang ako. Hayyy buhay.

Ganyan talaga ang pag-ibig eh. Darating talaga yung time na iiwan ka na lang ng taong mahal na mahal mo. Kung kayo talaga ang sinasabing meant to be, magtatagpo talaga kayo. Pero kung ayaw na ng isa, Wag nang pilitin. Mahirap kasi eh. Mas lalo ka lang masasaktan. Mas mabuti pang pakawalan mo na lang siya di ba?


"Para bang walang nangyari

Di mo man lang sinabi"


Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung ano ba talaga ang rason ng biglaang pagbalik mo sa kanya. May mali ba sa akin? May nagawa ba akong kasalanan sayo? Bakit mo ako pinagpalit?


"Sana'y hindi na lang pinilit pa

Wala ring patutunguhan

Kahit sabihin ko pang

Mahal kita"

"Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok

Hindi ko pa yata kaya pang

Labanan ang damdamin ko"


Mahal na Mahal kita kahit sobra sobra mo akong sinaktan.

I'm holding on to our promises na kahit anong mangyari, walang bibitaw. Alam kong may dahilan. Pero sana naman pinaintindi mo sa akin. Hindi yung basta basta mo na lang akong iiwan.


"Nakakainis talaga

Nagmukha tuloy akong tanga

Pinaasa mo kasi

Puso ko ngayon tuloy lumuluha"


Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon