Chapter 15

942 120 14
                                    

            Hindi kami okay ng girlfriend ko ngayon eh. Hindi kami okay ni Myche. At masakit din naman sa akin yun. Hindi ko siya kayang tiisin eh. Pero bakit kaya natitiis niya ako?

Siguro nga mahal niya pa rin ang ex niya. Siguro kaya lang niya ako sinagot dahil gusto niyang makalimutan ang ex niya. Panakip butas lang ba niya ako?

Kung kayo ba, malaman niyo na naging boyfriend ng girlfriend mo yung mismong kapatid niya, hindi ba kayo magseselos? Oo, inaamin ko, nagseselos nga ako sa tuwing naaalala ko yun. Kapag naririnig ko ang pangalan nun, naiinis ako! Sino bang hindi? Tao rin naman ako. Nasasaktan din.

Posible rin na tumira sila sa iisang bubong di ba? Magkapatid nga eh? Alangan naman! Ilang araw ko na rin siyang hindi pinapansin. Ewan ko ba! Naiinis ako eh. Madrama na kung madrama. Eh sa nasasaktan ako. Wala kayong pakialam.

Pumunta ako sa music room para tumugtog ng piano. Sa una, kung anu-ano lang ang pinipindot ko hanggang sa makagawa ako ng kanta. Siya ang inspirasyon ko para makagawa nito.

I want to surprise her tomorrow. Makabawi man lang sa mga panahong wala ako.



**Kinabukasan**

Hello! Magandang umaga mga friends! Ang lapad ng ngiti ko ngayon. Alam niyo ba kung bakit? Kasi susunduin ko sa airport ang Bestfriend ko na nakilala ko sa China. Remember nung umalis ako dahil sa pagkabroken hearted ko?

Ayun, nakilala ko siya dun. Actually, filipino siya. Pure ah. Okay. Siya si Shyra Marylene Asis or Shylene for short. May pagkatopak rin yang babaeng yan eh kaya kami nagkasundo.

Marunong siyang maggitara at sa kanya ako nagpaturo kaya marunong na ako ngayon. Marunong din siyang kumanta at sumayaw. At dahil andito na siya sa Philippines, kukulitin na naman ako niyan na turuan ko siyang magpiano. Hay naku! Masisira na naman ang piano ko. Ang mahal mahal pa naman nun.

Andito na ako sa airport at hinihintay ang Bestfriend kong lokaret. Ang tagal! Kanina pa bumaba ang eroplano ah? Ba't ang tagal nun? Psh. Masyadong pa VIP.


"Hi Rabboo!" andito na pala siya eh. Nanggugulat na naman siya.

"Ayan ka na naman sa Rabboo Rabboo na yan ah! Kakarating mo lang, nang-aasar ka na agad," Tsss. Ano ba kasi yang rabboo na yan? Di ko gets eh.

"Sorry naman, namiss lang talaga kitang tawagin ng ganyan. Hahahaha. Di ka kaya nag-eemail or tumawag man lang sa akin! Di ko tuloy alam kung buhay ka pa ba o inambush ka na," bakit ang dadrama ng mga babae?

"Inambush ka dyan. Baka ikaw, ininvade ka na ng mga Aliens dun," naalala ko na naman tuloy si Myche pagkasabi ko ng Alien. Yun ang tawag niya sa akin eh. Tss. Sa gwapo kong to? Alien ang tawag sa akin? Langya!

"Tss. Halika na nga nang makapagpahinga ka na," pinapasok ko na siya sa loob ng kotse ko. Sa back seat ko siya pinaupo dahil si Myche lang ang pinapaupo ko sa tabi ko.

"Duon muna ako sa Condo mo ah?" she demanded. Well, wala naman akong magagawa. Ang layo ng bahay nila dito.

"Saan pa nga ba?"

"Ambait mo talaga Rabboo! hahaha. Kung mag-aapartment naman kasi ako, masyadong mahal. Para na rin yun sa pagkain ko," tss. Ang kuripot pa rin niya. Kahit kelan talaga oh.

"Ang ipambabayad mo sana sa apartment ay iaambag mo sa pambili ng pagkain no. Wala nang libre ngayon!" bwahahaha. Buti na lang naisip ko yun. Ang talino ko talaga.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon