Chapter 57

125 27 0
                                    


"Anong ginagawa mo dito?" napatayo ako kasabay ng pag-angat ng kamay ko para tutukan siya ng dagger ko. Laking gulat ko nang bigla na lang pumatak ang mga luha nito sa mukha niya. Eh? Bakit bigla naman tong umiyak?

Iniangat niya ang kanyang mukha para tingnan ako ng mariin, "S-sorry. But I can't tell you the reason why," tinitigan ko lang ang mata niya na panay pa rin sa pag-iyak, "At para malaman mo, kung hindi dahil sa akin ay pinaglalamayan ka na ngayon," naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi nga ako nagkakamali. Siya nga ang dumukot sa akin.

Parang naririnig ko pa rin ang boses niya noong dinukot niya ako dito sa bahay kasama ang mga tauhan niya. Malamang di ba? Alangan namang siya lang mag-isa?

"Pero kung hindi rin dahil sayo ay hindi mangyayari sa akin yun," bahagya siyang ngumiti sa sinabi ko. Pinaglololoko ba ako nito? May saltik ata to e.

Hindi ko pa rin inaalis ang dagger ko sa kanya. Subukan niya lang ulitin sa akin yun at hindi ako magdadalawang isip na patayin siya gamit ang dagger ko.

Humalukipkip ito bago magsalita, "Sisihin mo ang kakambal mo, wag ako," sagot naman niya.

Huh? Paanong si Dayle ang sisisihin ko? Ano ba talaga ang nangyayari?

"Hindi mo ba talaga pwedeng ikwento sa akin kung ano ang mga nangyayari? Naguguluhan na ako," nakakaramdam na ako ng pangangalay sa braso. Tsk.

"Ang kulit mo rin ano? O, iinject mo na yan kay Myche at---" tumigil siya sandali sa pagsasalita at saka yumuko, "At sa boyfriend ko para magising na sila," sabi naman niya. What the heck? Boyfriend niya tong Kent na to? Kaya ba siya nandito para bisitahin ito?

"Ikaw rin ba ang may gawa niyan kina Dayle at sa boyfriend mo?" umiling siya bilang sagot. Kung hindi siya, e di sino?

"May kapalit ang gamot na yan, baka akala mo. Hahaha," natatawang sabi niya. Bipolar ata tong babaeng to eh. Kanina umiiyak pa lang tapos ngayon tumatawa na. May saltik nga ito!

"Ano naman yun?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"K-kasi ano eh. I don't know how to say this. Pero kasi, baka matulungan mo ako," ngayon naman may halong lungkot ang boses niya. Dapat na ba akong matakot sa kanya? Ibinaba ko ang dagger ko.

"How can I help you?" umupo ako sa working chair ko at isinuot ang goggles ko. Ipinatong ko ang test tube na may lamang limestone na dinidissolve ko kanina sa hydrogen chloride.

"Can you check me up?" mas lalong kumunot ang noo ko.

"Check you what?" tinaasan ko siya ng kilay pero hindi ibig sabihin nun ay bakla ako. Do I make myself clear?

"Psh. Magpapatingin sana ako sayo kung anong klase tong sakit ko."

"Anong akala mo sa akin? Tanga? Syempre naintindihan ko ang sinabi mo. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ka magpapatingin sa akin e hindi naman ako Doctor. I'm just an amateur Chemist for Pete's sake. Kaya bawat experiment ko ay may kaakibat na takot dahil baka mapahamak ang taong paggagamitan ko ng nagawa ko," katulad na lang nung gamot na ginamit ko kay Dayle noon.

"I know," she simply smiled at me.

Tiningnan ko kung seryoso ba siya sa sinasabi niya pero mukhang seryoso nga siya sa sinabi niya, "I don't think I can do that."

She looked at me in the eyes, pleading, "Please. Help me. I want to end this feeling."

"Are you serious of what you were asking for?" she nodded.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon