Chapter 62

112 20 8
                                    


"Why would I? Ikaw na lang. Tutal ikaw naman ang nakaisip eh," sabi ko. Hinubad niya ang kanyang salamin at masama akong tinitigan.

"You're so boring. Sige na! Try lang natin. Malay mo may mahanap tayong impormasyon," pangungumbinse niya. Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung bakit pumasok yun sa isip niya.

"Are you... suspecting her?" seryoso ko siyang tiningnan.

"Hindi naman sa ganun pero--"

"Ano ka ba! Nadala lang ako kanina kaya ako sumang-ayon sayo. Malay mo, nagpalit lang ulit sila ng bagong phone kaya hindi natin sila macontact. Sige na. Itulog mo na lang yan," mas naging masama pa lalo ang titig niya sa akin. Napailing na lang ako.

"What if hindi? Nakakainis ka. Alam mo ba yun? Sa tingin mo hindi ko pa naisip yun? Isipin mo nga! Baka nakakalimutan mong kabibili lang nila ng bagong labas na Samsung Galaxy S10 edge plus last month?" dagdag niya. Natawa ako bigla sa pagseryoso ng mukha niya. Pero damn! Sana pala hindi na lang ako natawa. Sinipa niya ng napakalakas ang pinto ng kotse ko dahil sa reaksyon ko!

"Uy! Ano ba. Wag mong pagdiskitahan ang kotse ko, pwede?" sabi ko habang pinapagpagan ang pinto ng kotse ko. She pouted her lips. Argh! Nakakatempt. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Tumayo ako ng tuwid at muli siyang hinarap.

"Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo!"

"Oo, ako na nga ang bahala sayo dahil ikaw naman ang buhay ko, di ba Baby--- Aray!" tinulak niya ako kaya napaatras ako at tumama ang likod ko sa kotse ko.

"Wag kang magkakamaling pumunta pa dito sa bahay ah!" tumalikod na siya at saka nagsimulang maglakad papasok ng bahay niya. Naiwan akong nakatunganga.

Paano ba to? Hindi ko alam kung tama ba tong papasukan ko. Bahala na nga.



"Hey!" tawag ko sa kanya. Aba't hindi ako nilingon! "Baby!" tawag ko ulit pero diri-diretso lang siya sa paglakad, "Hoy! Zedler, ano ba? Bumalik ka dito!" tapos naiirita siyang lumingon sa akin. Nakabusangot ang mukha niyang naglalakad pabalik sa kinatatayuan ko. Tiningnan niya ulit ako ng napakasama.

"What? Ibubuka mo lang yang bibig mo kung may maganda ka nang sasabihin!" pagbabanta niya. Kelan pa to naging amazona? Tss. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Oo na! Pumapayag na ako," sabi ko. Kitang kita sa mga mata niya ang pagkagalak, "Kung di lang kita mahal e," bulong ko.

"What did you say?"

"Wala. Sabi ko matulog ka na. Goodnight baby!"

"Ewan ko sayo!" sabi niya sabay pasok ulit ng bahay niya. Hay naku!





Shannie POV

"Oy teka lang! Bagalan mo naman ang pagpapatakbo mo nang mahabol naman kita!" sigaw ko pero mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo. Hay naku. Nakaramdam na naman ako ng pananakit ng katawan. Mukhang mapapadpad na naman ako nito sa Spa.

Nasa kalagitnaan kami ng paghahabulan nang tumunog ang phone ko. Sino naman kaya ang tatawag sa akin ng ganitong oras? Bakit hindi ko ba to nai-silent? Ang ingay pa naman ng ringtone ko.

Dinukot ko ang bulsa ko gamit ang kaliwang kamay habang nagmamaneho gamit ang kanang kamay. I checked the name of the person and I found out that it was Kaii, my best friend. Speaking of the angel.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon