Chapter 10

1K 139 28
                                    


(Bryce Kenneth Sy on the pic)


           Lunes na lunes, napakamalas ko. Naagawan na ako ng mesa, napahiya pa ako. Tapos ngayon, magiging kaklase ko pa siya? Anong kaparusahan to? Darn it!

May biglang pumasok na lalaking maputi, matangkad, at... at... Gwapo?

"Mr. Sy, you may come in. You can sit beside Ms. Kliesen tutal bakante naman diyan sa kanan niya. And by the way, please introduce yourself," sabi ni Teacher Whatever. Dapat siya rin magpakilala eh. Di ko pa siya kilala. Haha. Lumilipad na naman ang utak ko. Nakatingin lang ako sa malayo. Wala akong balak makinig sa teacher. At lalong lalo na sa lalaking yan.

"Hi! I'm Bryce Kenneth Sy. Nice to meet you," napatingin ako sa kanya. Aba't nakatingin din pala siya sa akin.

What the fuck! Ano ba! Sinasadya na ata to eh. Sa lahat naman ng magiging seatmate ko eh tong Alien pa?

"Teacher, pwede po bang magpalipat ng upuan?" I exclaimed, surprised beyond belief upon seeing this alien creature sitting next to me. Nagmake face pa siya sa akin. Walanjo.

"Why?" nakataas kilay niyang tanong sa akin.

"Eh kasi hindi po ako comfortable na makatabi ko siya," sabi ko, sabay turo sa Alien na katabi ko. Nakangiti pa ng nakakaloko ang loko. Iniinis ata ako nito eh.

"I'm sorry pero hindi maaari ang gusto mo, Ms. Kliesen," damn! Damn! Damn! At bakit hindi pwede?

"But... Teacher," pagmamaktol ko.

"No buts. Okay class, get 1/4 sheet of paper. We will have a short quiz today," shit naman oh! Kapag minamalas ka nga naman. Badtrip na naman tuloy ako.


Kumuha na ako ng ¼ sa bag ko. Quiz na naman. Anong isasagot ko eh hindi naman nga ako nakikinig. Ang bad bad ko. Huhuhu.

"Hi!" aba! Kinausap ako ng Gago!

I simply looked at him. He smiled at me. Sucks! May pa ngiti-ngiti pa siyang nalalaman.

Tse! Close tayo?

"Uy!" ginalaw niya ang upuan ko just to caught my attention. Papansin na hanep.

"Ano ba? Wag mo nga akong kausapin. Bwiset ka," I whispered in return. Bakit ba niya ako kinakausap eh kita mo nang nagku-quiz kami eh.

"Taray natin ah? Siguro meron ka ngayon kaya ang sungit mo," tapos bumungisngis siya. Anong nakakatawa dun? Tsk. Sana mahuli siya ng teacher namin. Kainis naman eh.

Kyaaaaaa! Tumingin ang teacher sa amin. Lagot ako nito!

Naglakad siya palapit sa kinaroroonan namin. Akala ko pagagalitan kami pero hindi yun ang nangyari. Tiningnan niya lang kami ng masama at pinatahimik. Pagtalikod niya ay kinausap ko naman tong katabi ko na kanina pa nangungulit sa kagandahan ko.

"Ano bang problema mo? Ha? Shut up! Will you? I don't talk to strangers!" I whispered again after a long while.

"Talaga lang ha? E alam mo nga ang pangalan ko eh," he smirked. Eh napaka naman pala nito eh.

"Wow naman pare! Pinaglihi ka ba sa libro? Ang kapal mo eh," at ngumiti siya ng napakalawak abot tenga kaya nagmukha tuloy siyang tanga.

"Hindi kaya. I'm just telling the truth. Eh ikaw? Pinaglihi ka ba sa libro?" bahala ka dyan. Tatapusin ko na muna tong sasagutan.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon