Chapter 9

1K 139 27
                                    

(Harley Clarence Kliesen on the side)




Dayle POV

           What the hell! Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Ang malala pa eh in-end niya yung call! Problema niya? Iniwan na nga niya ako tapos hindi pa siya nagparamdam sa loob ng isang buwan. Tapos ano? Hindi man lang niya sinabi na uuwi na pala siya, plus may kasama pa siyang babae!

Nakakainis... Nakakainis... Nakakainis... Grrrrr!

Nanggigigil talaga ako promise! Bwiset siya! Magsama silang dalawa ng babae niya! May gana pa siya! Bwiset!

I dialled his number again.

Oo na! Ako na ang tanga! Umaasa kahit wala namang mapapala.

*Toot* *Toot* *Toot*

Fudge. Wala talaga. Kfine! Kung ayaw mong sagutin e di wag! Wag na wag ka lang magkakamaling tumawag sa akin kung hindi...


*Ring* *Ring* *Ring*

ASDFGHJKL. Ano ba! Kakasabi ko pa lang eh. Psh. Sasagutin ko ba o hindi? Hmmm.. Sige na nga!


"......."

"Hmm. Dayle?" yung boses niya, parang siyang lasing. May problema ba?

Bakit ganun? Naiiyak ako nung marinig ko ang boses niya.

"Bakit hindi mo sinabing andito ka na ha?" shoot! Bigla na lang tumulo ang mga luha ko, "K-kelan ka pa dumating? Bakit di mo s-sinasagot ang tawag ko? Sino yung.... babaeng kasama mo sa supermarket? Iniiwasan mo ba ako? Nakalimutan mo na ba ako? Niloloko mo ba ako?" I burst out into tears. It hurts.

"Teka lang. Isa-isa lang please? *hik* Nung isang araw lang ako dumating. Sorry kung hindi ako nakakapagtext sayo kasi *hik* masyadong busy sa Canada eh. Ahm... About dun sa babaeng tinatanong mo, papaano mo pala nalaman yun?" I wiped my tears off.

"Hindi ako bulag at lalong hindi ako tanga!" I exclaimed.

"Dayle, Let me explain... Pero hindi ko alam kung papaano. Hindi ko alam kung... Maiintindihan mo ako pero sana---" biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam mo yung pakiramdam na... Hindi pa naririnig ng tenga mo, pero nararamdaman na ng puso mo, "Hey! Andyan ka pa ba?" he asked me. I held strong though. I have to be strong for myself. I have to.

"Oo. Sorry."

"Let's talk. Meet me at the park tomorrow evening," for what? Para sabihing totoo ang nakita ko? Na niloloko niya ako?

"Ah. Okay."





Charles POV

          Halos maubos ko na ang pitong bote ng beer na binili ko magkaroon lang ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang lahat. Ayoko nang patagalin pa ito. Kailangang tapusin na habang maaga pa. Para hindi na masyadong masakit. Para wala nang may masasaktan pang iba.

Tama naman ang desisyon ko di ba? So tinawagan ko siya.


*Ring* *Ring* *Ring*

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon