Chapter 41

679 88 11
                                    


Venice POV

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Vince. Yes. Yung kadate ko. Anong ginagawa niya dito sa hotel? Sinusundan niya ba ako?

"Bakit? Bawal ba akong pumunta dito?" oops. Oo nga no? Assuming kasi ako eh.

"Sorry. Akala ko kasi---" hindi niya pinatapos ang sasabihin ko at nagsalita siyang muli.

"May kailangan lang akong makausap. Kilala mo ba ang may-ari ng hotel na to?" tanong niya sa akin habang papasok kami ng elevator. Si Kuya Steve? Anong kailangan niya kay Kuya?

"Yeah. I know him. Why? Anong kailangan mo sa kanya?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Umiling lang siya.

"Hindi na importante yun. Alam mo ba kung asan siya? Andito ba siya?" hindi ko pwedeng sabihin kung asan si Kuya. Baka magalit pa sa akin yun kapag sinabi ko sa hindi ko naman gaanong kakilala.

"H-hindi ko alam eh. Pasensya na," pagsisinungaling ko. Ang alam ko kasi, andito lang naman si Kuya Steve sa hotel na to. Ewan ko lang kung saang parte ng hotel na to.

"You sure?" tanong niya na halatang alam na nagsisinungaling ako.

"Alright. See you then," pinal na sabi niya nang bumukas ang pinto sa 5th floor. Tiningnan ko lang siya habang naglalakad at hinintay ang pagsasara ng pinto.

Kung tawagan ko kaya si Kuya Steve para malaman niyang may naghahanap sa kanya? Tama! Yun ang dapat kong gawin. So I dialled his number at sinagot naman niya ito.





Steve POV

"Okay. I trust you. So, ano na ang sasabihin mo?" I asked Hillary. I'm just waiting of her answer.

Tss. Subukan niya lang akong traydurin, makakatikim siya sa akin. Wew. Leader pa naman yun ng kalaban namin grupo. Sa gangster world lang naman kami magkalaban pero sa labas, hindi na. Nakilala ko din siya dahil kay Hillary.

But it's okay. May tiwala naman ako sa kanya eh. Sa katunayan nga, siya ang pinadala ko para magbantay sa kanilang dalawa ng kapatid ko habang wala si Dharon. Siya lang ang alam kong mapapagkatiwalaan dahil nga sa pinsan naman siya ni Hillary. Siguro naman wala siyang gagawing masama di ba? Tsaka takot lang nun sa akin. Hahahaha. Yabang lang eh no?

"Hinagis lang naman ni Dharille ang tinidor kay Drake at tumama iyon sa braso niya. Napalakas siguro ang impact ng pagkakabato kaya tumusok iyon sa braso niya, sanhi ng pagtulo ng dugo nang bunutin niya iyon," wow. Pwede palang mangyari yun. Amazing. Bilib na talaga ako sa kakayahan ng prinsesa namin.

Hayaan mo Shobe, babalik ulit ang galing mo, si Bloody Death na ang bahala sayo. Si Drake o Bloody Death dahil sa code name niya sa gangster world.

"Hays. Ano na ba ang nangyayari sa kanya? Paano? Tsaka bakit bumabalik na naman siya sa ganyan? Sa anong dahilan? May alam ka ba?" malumanay kong tanong sa kanya.

"Tsss. Si Drake naman kasi eh. Inagawan si Dharille ng pagkain. Napikon siguro. Psh. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya Steve ah. Kailangan kita dito. Huhuhu. Pero alam mo, nitong nakaraang araw ay may bumabagabag sa isipan niya. Lagi na lang siyang tulala. Minsan naman, nagsasalita mag-isa. Parang nababaliw na eh. Dapat ba akong matakot Steve?" hay naku! May pagka-PG talaga yung kumag na yun. Di pa rin nagbabago. Psh.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon