Chapter 65

146 8 0
                                    

(Kent Dalton Cadwell on the picture)



Venice POV

"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" tanong ko sa kakambal kong si Vince.

"Bakit? Bawal bang kumain dito? Kelan mo nabili tong restaurant na to? Gusto mo bang bilhin ko para sayo?"

"Oo. Bawal ka dito. At pwede ba? Mind your own business, Vince. Wag mo na ulit akong susundan, okay? At bahala ka kung gusto mong bilhin to. Wala akong pakialam dahil last ko na to dito," sabi ko pero tinawanan lang ako ni Vince. Marunong pala tong tumawa?

"Talaga? Too bad. Nakapangalan na sayo tong restaurant na to kaya wala ka nang magagawa kun di ang imanage ito," biglang tumayo si Sean at kinuwelyohan si Vince. Patay! Hindi pa nga pala niya alam na kapatid ko to!

"Nakakabastos ka na ah! Hindi ka lang pala bastos, stalker ka pa!" biglang dumapo ang kamao ni Sean kay Vince. Oh my gosh! Nakipagpalitan naman ng suntok si Vince kay Sean, "Layuan mo ang girlfriend ko! Wag mo akong subukan kung ayaw mong pabagsakin ko ang kumpanya ninyo," pagbabanta ni Sean. Anong ibig niyang sabihin?

"Sean! Vince! Ano ba! Tama na yan!" pinilit kong awatin sila pero hindi ko sila kaya. Masyado silang malakas at ayaw magpaawat.


Nagsitakbuhan na palabas ang mga tao sa loob ng restaurant. Patay! Ang dami nang sira dito sa loob! Ang daming lamesang nakatumba, mga kutsara't tinidor na nagkalat kung saan dahil sa batuhan nila, pati mga glasswares ay binabato nila.

"Ano!? Ha!? Lumapit ka dito! Hindi pa tayo tapos!" hinawakan ko ng mabuti si Sean para hindi na makalapit pa kay Vince. Pinunasan ni Vince ang dugo sa kanyang pumutok na labi.

Inalalayan kong tumayo si Sean. Hindi pa nga humihilom ang mga bagong sugat at dating pasa niya sa katawan ay nadagdagan na naman dahil kay Vince. Bakit ba ayaw niya kay Sean? Hindi ko talaga maintindihan eh.

"Hoy! Binabalaan kita ah. Lubayan mo si Venice kung ayaw mong masaktan ka lalo," pagbabanta ni Vince kay Sean na siyang nagpainit lalo ng dugo nito at pinasadahan ng suntok si Vince.

"Sean, ano ba! Tama na please. Vince! Tama na. Umalis ka na dito," pagmamakaawa ko. Ayokong nasasaktan si Sean. Lalo pa't sa kapatid ko pa siya nakikipagsuntukan. Kahit na ngayon ko lang nakilala si Vince, kapatid ko pa rin siya. At napatunayan yun ng DNA Test Result kahapon.

"Venice, tandaan mo ang sinabi ko sayo. Lubayan mo na siya," lumapit kay Vince yung babaeng kasama niya kanina. Ah. Baka kadate na naman niya, "Nga pala Venice, siya ang Executive Chef dito. At ikaw na ngayon ang mamamahala sa restaurant na ito," napaawang ang bibig ko.

"Seryoso ka? Hindi ka nagbibiro?"

"Kelan ba ako nagbiro sayo?" sabi niya.

"At sino ka naman para bigyan ng restaurant ang Girlfriend ko?" pinagdiinan niya talaga ang salitang girlfriend. Kung di lang talaga ganito ang sitwasyon, malamang natawa na ako. Mukha siyang nagseselos sa lagay na to eh.

"Sigurado ka bang siya lang ang girlfriend mo? Eh sino yung nakita kong babaeng itinakas mo sa Xiaoyu (Althea's Club) sa China?" naikuyom ni Sean ang kanyang kamao. Nanggigigil ito sa galit.

Anong sinasabi ni Vince? Sino yung babaeng kasama ni Sean sa China? Ito ba yung time na pumunta kaming apat nila Vince sa China para iligtas si Kelvin? Na nahuli kong nasa China rin si Sean at kasama si Kathy? Siya ba?

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon