Interval Chapter: Feathers of the Past

910 23 1
                                    

 

(Ang Interval Chapter po ay ang chapter kung saan kadalasang POV ni Angelo ang fini-feature at sumisingit minsan sa mga chapter.)   ;)

Angelo’s POV

 

               Nakakatawa mang isipin, but I’m a guardian angel now. But I have no choice. I can’t go against the law of heaven.

              Yep, I’m walking at the school’s garden. Napakaganda. But why am I even walking here? Dito pa din ba ko dadalhin ng mga paa ko?

<<<<<<<<<<< Flashback <<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

             

                   “Hello, life ko. Haha. I’ll wait for you here. Nasan ka na ba? I’m just here at the bench. Sa school garden, usual place.” Sobrang excited na ko. May surprise ako sa kanya. Antagal na naming di nagkita. Last week lang siya umuwi galing States.

                     “Ahm.. I’m sorry. I think I can’t go with you now. Ehmm.. Cause.. Cause my cousin is here from Ireland. Alam mo na, I need to tour her. I’m sorry, lifeko.”

                    “It’s okay, lifeko. I understand. Kelan tayo pwede magkita? I really really miss you simula nung nag vacation kayo sa States.” Haiss.. Akala ko makakasama ko na siya. Sobrang miss ko na talaga siya. 3 months kaming hindi nagkita. Puro text at tawag lang. Madalang pa.

                   “I.. I don’t know. I’ll just call you. Wait, my cousin is here. Bye.”

              “Wait, lifeko, I love..” pero pinutol na niya yung line. Sobrang lungkot yung nararamdaman ko.

               “I love.. you.”

                     Maya-maya may tumapik sakin. Si Migz, bestfriend ko simula pa nung elementary. Sanggang dikit kami nyan. Mag business partner kasi Daddy naming kaya lage kaming magkasama.

               “Tss. Pards, wala na naman si Zhairah noh? Kaya nga kita pinuntahan dito eh. Palage na lang ganyan yang girlfriend mo.”

               “Pardz, sabi niya nandyan yung cousin nya. Sasamahan niya lang.”

                 “Tss.. E di ba hindi pa kayo nagkikita simula nang dumating sila dito? Tapos inuna pa niya yung pinsan niya. Ni hindi nga niya sinasagot lage yung tawag mo nung nakaisang buwan na sila dun eh. Pardz, di mo ba napapansing parang umiiwas siya sa’yo?”

                “Umiiwas? Eh wala akong natatandaang nagawa ko para gawin niya yon.”

                “Iyon na nga. Kung wala ka namang ginawang bagay para umiwas siya, siya ang may problema.”

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon