Masaya kaming tatlo ni Mei at Lee sa paglalaro namin ng Yu-Gi-Oh Cards.
“Activate Trap Card!” sigaw ni Mei.
“Oh my Gosh? Trap Hole ba yan Mei?” tanong ko sa kanya.
“Oo! Haha! Talo ka na, Ems!” sigaw ni Mei at tuwang-tuwa dahil natalo niya ko. Nilagyan niya ko ng pulbos sa mukha.
“Ako naman, Ems. Kakalabanin ko yang si Mei!” sabat ni Lee.
Kanina pa kami nasa terrace nila Mei at naglalaro nitong paborito naming card game. Tawa kami ng tawa. Masaya dahil isa itong ala-alang hindi nila makakalimutan. Baka ito na yung huli kong masasayang araw kasama sila.
“Oy, Ems! Okay ka lang ba?” sabi ni Lee.
“Ha? A.. Oo naman! Haha! Iniisip ko lang kung pano ko matatalo si Mei. Hehe.”
At nanood naman kami ng mga movies pagkatapos maglaro. Napagpasyahan naming manood ng horror kaya etong si Mei ay todo hatak sa damit ko matakpan lang ang mukha niya kapag horror scenes na.
“Aray ko, Mei. So ano, hubad na ko pagkatapos ng movie? Kakasimula pa lang banat na yung damit ko.”
“Eh nakakagulat nga!”
Sunod naman naming pinanuod eh isang Korean Romance Movie. Nasa kalagitnaan kami ng panunuod ng…
“Lee?” tapik ko sa kanya. Syemay, umiiyak nga!
“Sabi ko na nga ba eh, umiiyak ka na naman sa palabas.”
Sumabat naman si Mei,
“Oo nga. Emo kasi. Haha!”
“Bakit ba? Nakakaiyak kaya. Iniwan niya yung mahal niya dahil alam niyang mas makakabuti yun.”
Tinamaan ako sa sinabi niya. Tungkol nga doon ang kwento. Pinipigil ko na nga lang ding umiyak eh. Pero may namumuo ng luha sa mata ko kanina pa. Nagsalita ang bida sa movie.
[Kailangan kong lumayo. Aalis ako. Malayong malayo sayo. Mas mabuti nang hindi mo malaman ang nararamdaman ko. Paalam. (Enter sad music…)]
Nagkatinginan kaming tatlo. Sabay-sabay kaming humagulgol. Sobrang lungkot ng movie na yun. At kailangan talagang may kaugnayan sakin ha?
Natapos ng hapon ang panonood namin ng movie. Nakita kong malapit nang mag sunset.
“Ah. Lee, Mei. Salamat sa napakasayang araw. Gusto ko ding magpasalamat na tinanggap niyo ko bilang kaibigan at napakahalaga sakin nun. Hindi ko to malilimutan. Mag gagabi na. Kailangan ko ng umuwi eh.”
“Wow. Sinong Emo sating tatlo???” singit ni Lee.
“Haha! Oo na, tayong tatlo.” At nagtawanan na kami.
Nagyakapan na kaming tatlo at umalis na ko.
Because I believe in the saying that, “A true friend can change your life without considering your social or physical attributes.” I, thank you. Choz! ^_^
..
BINABASA MO ANG
19 Days To Find You (Completed)
Romance"May mga bagay na hindi natin inaasahan. Na sa isang iglap pwedeng magbago yung takbo ng buhay natin. Malungkot man o masaya yung pagbabagong yun, tiyak may aral na matutunan ka. Totoo man o hindi, may mensaheng ipinapadama. Sana lang, hindi pa huli...