Milk- A white drink made from fresh cows and commonly added with sugar and different flavors.
Imagination ko lang ba o totoo pero yung daan papunta sa room eh parang may konting dilim? Maya-maya pa, nakaramdam ako ng kaba nang nakita ko yung nasa harap ng room namin habang papalapit na ko. Kinabahan ako!!!! Eto na ba yung kinukutuban ko kanina pa? Waaaahhhhh!!!! Nasa likod ni president yung mahiwagang panlinis ng kubeta!!!!!!
“What time is it, Emsy?” seryosong tingin sakin ni President. Uwaaahhh!!! Lagot na! Dahan-dahan niyang inilabas sa likod yung epic na epic na armas ng kubeta!!!
“Alam mo na ang dapat mong gawin.” Maawa kayo sakin president. TT^TT Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan. Nato-trauma ata ako. Ambulance!!!
“Terence!!!” pareho naming lingon ni President sa tumawag sa kanya.
“Oh, Meekie! Buti at dumating ka na. Salamat at tutulong ka samin ha? Let’s go inside.” Ow ang bait ni president. E sino ba tong girl na ito? Ngayon lang ako nakakita ng kaclose ni President Terence. Ngumingiti naman pala siya. Pero teka, ako pa din ang maglilinis ng cr!!!
Papasok na kami ng..
“Wait, Terence. Narinig ko yung usapan niyo kanina ni..” sabay tingin sakin na parang tinatanong ang name ko. Ngumiti ako.
“Emsy. Ems for short na lang.” at nagkamay kami.
“Meekie. Meekie for short. Meekie for long. Meekie everyday. Meekie forever.” At nagtatawa kaming dalawa. Si president e ayun, walang ekspresyon sa mukha.
“Ah. Hehe, di naman halatang mahilig ka sa mickey mouse, Meekie.” E yung print ng tshirt niya kasi Mickey mouse, ganun din yung design ng relo niya pati yung nail polish. At yung rubber shoes, mickey mouse inspired. O di ba? Dagang-daga! ^_^
“Haha! I really love Mickey mouse. Super Cute niya kasi. Actually nagpapagawa na nga ako ng Mickey mouse costume eh. ” Nakakatuwa talaga siya. Mukhang magkakasundo kami nito!
BINABASA MO ANG
19 Days To Find You (Completed)
Romance"May mga bagay na hindi natin inaasahan. Na sa isang iglap pwedeng magbago yung takbo ng buhay natin. Malungkot man o masaya yung pagbabagong yun, tiyak may aral na matutunan ka. Totoo man o hindi, may mensaheng ipinapadama. Sana lang, hindi pa huli...