“Wooooooooowww!!! Good morning, mame!”
Yeppy Yepp!!! Ang sarap ng breakfast na nakita ko sa lamesa pagbaba ko! Sunny side up egg! Ham and Bacon. Hotdog. Orange juice at may Fruit Salad! Waaahhh!!!! Tumakbo ako papunta sa lamesa at uupo na ng…
“Ops ops ops! Aano ka anak? Hindi pa pwede.”
Tsss.. si Mame naman eh. Ihhh!!! Point zero zero zero five na kaya yung lapit ng kamay ko sa kutsara eh!
“Bakit hindi pa, mame? Ano to display? Auction?”
“May hinihintay ako. Ay! Ayan may kumatok na. Buksan mo na anak. Dali!!!”
“E sino ba yon, mame?” atat na atat naman si Mame. Lalo tuloy akong naiintriga.
“Basta bilisan mo na dali!” ay eto na nga oh? papunta na kaya ako sa pinto. Binuksan ko na nang naghihikab pa ng ..
Juice ko po! (Watermelon!!!!) waahhh!!
“Hahaha! Hi, Emsy. Mukhang kakagising mo lang ah? Inimbitahan ako ni Mame mo mag almusal. Okay lang ba sa’yo? Hahahaha. Good Morning nga pala.”
“Ay pumasok ka na Angelo. Nang makakain na tayo. Pagpasensyahan mo na itong bahay namin. Ay anak ipag------------------ hoy aano ka???”
Uwaahhhhh!!! Tumakbo ako papuntang CR! Syemays naman oh! May muta pa yata ako tapos naharap ako kay Angelo. Tsss!!!! UUwaaahh!!! TTT^TTT
After I think mga 10 minutes…
Nakaupo ako katabi ni Mame tapos kaharap namin si Angelo sa kabilang upuan. Kumakain na kami. Kwento ng kwento si Mame. Tahimik lang akong kumakain. Paminsan minsan tumitingin ako sa kanya. Mukhang di naman siya nabobored. Nakangiti at nakatingin kay Mame. Eto namang si Mame lahat na ata ng napanuod na teleserye kinuwento, pati yung paborito nyang pagkain, kulay, kanta. In short, Diary. Wahaha! Oh well, ngayon ko lang napagmasdan si Angelo ng matagal.
Mga napansin ko.
-Super cute at gwapo nya! Kyaah!!! (Duh! Obvious ba?)
-Ang amo talaga ng mga mata niya.
-Ganda niya manamit.
(sabagay, anghel nga siya di ba? eh teka wala akong masyadong alam tungkol sa kanya. Anghel ba talaga siya o baka nautusan lang akong bantayan? Di kasi kami nakapagkukwentuhan. Isa pa nahihiya ako.)
-palage siyang naka smile. Plus points sa kagwapuhan! ;)
-Eto yung katangi tanging napansin ko. Di ko alam kung namamali lang ba ako. Pero may something sa mata niya eh. (Hoy hoy hoy hindi muta o butlig o kung ano man.) kundi
Lungkot.
Ewan. Pero ngayon ko lang napansin to. Parang pag tumingin ka sa mata niya, ayos lang. Pero pag tumitig ka, parang may kakaibang lungkot na mararamdaman. Masakit.
Natauhan ako ng mag-alarm yung cellphone ko.
< Library: 10am to 3pm – Book keeping with B.Boy >
Oo ngapala. Kahit Sabado ngayon, kailangan kong pumunta ng library ngayon. Dahil kasi to dun sa B.Boy na yun eh.
Kainis talaga!!!
Ngapala yung B.Boy is Bwisit Boy!!! Yung Davis na yun.
<<<<<<<<<<<<<< Flashback <<<<<<<<<<<<<<<<
Sa library..
Librarian: “Kayong dalawa, Emsy, Davis. Mag-aayos kayo dito bukas dahil sa ginawa niyong eskandalo.”
Davis: “What??? But Maam?”
Librarian: “Anong what?!!! Pag di kayo pumunta, I’ll call the principal. Clear. Okay.”
O diba kamusta naman yung mga nangyari? Wala naman akong kasalanan at biktima lang naman ako nung B.Boy na yun and then madadamay ako sa pag-aayos ng book? Anu kunek? Naingayan ba yung mga book sa sigaw ko? Kaloka si Ma’am. Wala kaya ako kasalanan. Natural sisigaw ako dahil nagulat ako. Try ko kaya lagyan ng palaka yung bag ni ma’am ng malaman niya yung feeling ko. Binabalak ko na nga eh. HueHueHueHue! Choz lang!
Isa pa, ang kapal din ng B.Boy na yun ha? Nagawa niya pang magtanong ng what e siya nga tong may kasalanan. E kung pinepektusan ko kaya siya sa left vertebrae niya at isang kutos sa upper right ng cerebrum niya! Kakastress. Mawawalan ako ng time para sa misyon ko. Waaahhh!!!
>>>>>>>>>>>>>>>
End of Flashback
>>>>>>>>>>>>>>>>
“Hoy anak!!! Ano tititigan mo na lang yang nagriring mong cellphone?”
“Ay, mame, Angelo, kailangan ko na palang pumunta ng school. Mag-aayos ako ng library.” Sabay takbo ko sa CR para maligo na.
BINABASA MO ANG
19 Days To Find You (Completed)
Romance"May mga bagay na hindi natin inaasahan. Na sa isang iglap pwedeng magbago yung takbo ng buhay natin. Malungkot man o masaya yung pagbabagong yun, tiyak may aral na matutunan ka. Totoo man o hindi, may mensaheng ipinapadama. Sana lang, hindi pa huli...