Nag-aayos na ko sa harap ng salamin. Malapit na mag sunset. Iniisip ko pa rin si Angelo. Ano bang nangyari dun? Puntahan ko na kaya sa apartment niya. Katabi lang naman namin eh.
Lumabas na ko at nagpaalam. Kumatok ako sa pinto ng apartment. Wala yata si Angelo dito. Mga 5 minutes na kong nakatayo.
1 msg received.
>Open.
[Papunta n ko. Hintay kta, loves.-Macky]
Bakit ba patuloy niya kong tinatawag na loves. Wala naman akong feelings sa kanya. Hays, aalis na ko. Baka ito na yung para sakin. Matutuwa naman si Angelo pag nalaman niyang nagtagumpay na ko kung sakali. Pero ako ba? Matutuwa ba ko?
Sa may park pa rin kami magkikita. Yun nga lang sa may dulo ng park kami pupunta kung san bihira lang yung tumatambay. Tamang tama para sa sunset. Eto, bumaba na ko at naglalakad na papunta sa dulo ng park.
Maganda yung park. May fountain sa gitna at maraming benches. Pero eto ko at naglalakad sa paligid ng mga puno na magkabila. Maganda dahil gusto ko yung nature. Ang tahimik. Napag isip isip ko, kung siya na nga okay naman sakin kasi mabait at nakakatuwa naman siya. Bigla kong naramdaman na may sumusunod sakin. Lumingon ako pero wala naman. Baka dala lang ng excitement.
May kasamang hiling na sana Siya Na nang nakita ko na siya sa di kalayuan. Nakangiti siya ng todo nang magkaharap na kami. Kitang kita namin yung pag kalat ng orange na kulay ng napakagandang araw na naghahanda na sa paglubog niya.
“L..loves.. Ahh.. Ehh.. I… I ..love you..” natataranta niyang sabi. Grabe naman, agad agad naman siya.
“Do you love me too? P..pwede bang maging tayo?”
Sasagot na ba ko? Uwahh!!! Di ko naman siya ganun kagusto pero sasabihin ko na lang..
“Ah.. Macky, o… oo. Oo ang sagot ko.” Sobrang nahihiyang sagot ko. Uwaaahhh!!! Magkakaboyfriend na nga ba ko? UW EM Ji! Tinignan ko siya. Tumawa siya.
“Hahahahahahahaahaha!!!” o di ba nga sabi ko sa inyo tumawa siya. Yun lang. hinihintay ko yung sagot niya nang makarinig ako ng palakpakan. Lumingon ako at naguluhan ako kasi may pumapalakpak habang tumatawa na mga kaedad ko lang na lumalabas sa likod ng puno. Kinakabahan ako.
“Anong ibig sabihin nito, Macky?” tumingin ako sa kanya at lumayo siya ng konti at nakangiting lumapit sa mga kasama. Umapir siya dun sa isang lalake kasama ng dalawa pang babae at dalawang lalake. Mukhang magkakabarkada sila.
“Ano pare? Sabi ko sa inyo eh ako ang panalo sa pustahan.” Narinig kong sabi niya. Parang nabibingi ako sa tawanan at kantyawan nila.
“Ang astig mo pare! Nakatawa siya oh!” sabi nung isang lalake.
“Oo nga, Macky! Panalo ka na! Libre ka na namin mamaya.”
Pustahan? Ako yung pustahan? Lokohan lang pala lahat ng to? Namumula at nanginginig ako ngayon. Halo-halong emosyon. Pagkapahiya, gulat, galit at lungkot. Nakatingin silang lahat at pinagtatawanan ako. Napapaluha na ko. Lumapit si Macky..
“Yuck! Haha! Ang dali mo namang mauto ems. Ang dali mong makuha. Sabagay, e wala naman atang magkakagusto sayo eh. Papatol ka kahit sa tsonggo. Hahahahaha!”
Napaiyak ako sa sinabi niya. Tama siya, na walang magkakagusto sakin. Bakit ba kasi ako naniwala agad na may pag-asa pa ko? Nakakahiya ako. Unti-unti nang tumulo yung luha ko.
Di ko napansing may ibang tao nang dumating ng mga oras na yun. Narinig ko lang ang..
“You’re all stupid! Sa lahat ng ayaw ko, yung mga katulad niyong walang puso.”
Kilala ko yung boses na yun. Nag-angat ako ng tingin kahit umiiyak pa rin ako. Tama nga ako, si Angelo. Nagulat ako kasi lumapit siya kay Macky at sinutok niya. Unti unti namang dumidilim na sa paligid. Nanghihina na naman ako. Katulad kahapon.
“Ang angas mo ha?! Sino ka ba?” sigaw ng isa sa kasama ng Macky.
“Di na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga, maipaintindi ko sa inyo how stupid you all are! You’re playing love. At hindi niyo alam yung ibig sabihin nun at isa pa, you don’t have the right to insult and make fun of anyone dahil sa trip nyo lang or dahil sa physical aspect niya. You don’t know how important para sa kanya to.” Sabay turo sa kin ni Angelo.
Ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya. Pakiramdam ko, siya yung knight in shining armor ko. Lage siyang nandyan para sagipin ako sa kalungkutan at ngayon, sa kahihiyan. Pero naisip ko, it’s just his job to guide me and lead me. Pwede ko ding isiping ginagawa niya lang to dahil kailangan niya or worse.. naaawa siya sakin.
Nagsi alis na yung mga nantrip sa kin. Lumapit si Angelo.
“Ems, I’m sorry I’m late. Dapat kanina pa kita tinangay paalis dito.”
Inalalayan niya ko patayo at..
“Salamat, Angelo.”
Yun lang at ang dilim na ng paligid, kasabay ng pagkawala ko ng malay.
BINABASA MO ANG
19 Days To Find You (Completed)
Romance"May mga bagay na hindi natin inaasahan. Na sa isang iglap pwedeng magbago yung takbo ng buhay natin. Malungkot man o masaya yung pagbabagong yun, tiyak may aral na matutunan ka. Totoo man o hindi, may mensaheng ipinapadama. Sana lang, hindi pa huli...