Seventeenth Day--- Bad Guys Fight

481 10 0
                                    

                 Nasa isang room kami ni JM sa ospital. Nakahiga siya sa kama at ako naman eh nakaupo sa upuang malapit dun. Tinreat lang nila yung sugat ko dahil nasuntok lang naman ako hindi tulad ni JM na may tama sa braso at ulo ng baseball bat. Kanina pa siya nagpapahinga at hindi pa nagmumulat.

               Bumukas yung pinto at…

               “Kayo ba ang kasama ng biktima?” sabi nung pulis sakin.

             Tumango ako at..

            “Maari po ba namin kayong kuhanan ng statement?”

             Lumabas kami ng kwarto at ikinuwento ko sa kanila ang mga pangyayari mula pagpunta namin dun hanggang pagdala samin ng ambulansya dito sa ospital.

           “Maraming salamat po. Kokontakin na lang po namin kayo sa mga susunod na araw. Alis na po kami.”

          “T..teka lang po..” gustong gusto kong itanong kung pano nila  nalaman na nandun kami ni JM.

         “P..papano niyo po nalaman na nandun kami? H..hindi naman po ako tumawag sa inyo.”

         “Ah. Nais niya pong itago yung katauhan niya kaya pasensya na po.” Ay ganon? S..sino ba siya? Kundi dahil sa kanya baka namatay na kami.

       “Sige po, salamat at pakisabi sa kanya, maraming salamat.”

      Umalis na ang mga pulis at pumasok na ulit ako sa kwarto.

 Dumating si Manang Lucia.

          “Emsy? S..si JM?” nag-aalalang madali ni Manang Lucia at dali-daling lumapit sa nakahigang si JM.

          “JM! Jusko ano ba namang nangyari sayong bata ka? Tignan mo nga. Hay naku, JM.” Naluluhang sabi ni Manang habang nakatayo sa gilid ng higaan.

         Lumapit ako kay Manang at..

           “Okay na ho siya, Manang. Magpapahinga lang ho siya dito ng mga limang araw sabi ng doktor. Mabuti naman nga ho at walang naging fracture sa ulo niya at nagkaron lang daw po ng open wound. Wala din pong bali sa braso niya. Malalim na pasa lang po.”

        Niyakap ako ni Manang.

         “Jusko po, mabuti na lang at sumama ka sa kanya. Kung hindi baka napano pa siya lalo. Ikaw anak, ayos ka lang ba?” at tinignan ni Manang yung sugat kong may benda sa mukha.

            “Ayos lang po ako, Manang.”

           “Mabuti talaga at maayos kayong dalawa ni JM.” Umupo kami ni Manang sa bench.

         “A.ano bang nangyari sa inyo?” tanong ni Manang.

          Ikinuwento ko kay Manang yung nangyari.

          Alalang alala yung mukha ni Manang. Mahal na mahal niya talaga si JM. Pero iniisip ko pa rin yung bestfriend niyang si Angelo.

        “Manang, pwede ko ho bang malaman yung pangalan ng bestfriend ni JM na namatay?”

        “Ah. Si Angelo. Si Angelo del Valle. Napakabait na bata at laging magkasama sila ni JM.”  Napahinto ako. Del Valle? S..Si Angelo nga!!!

       “Migz pa nga ang tawag sa kanya ni Angelo. Sobrang nalungkot ako nung mawala si Angelo. At nagbago si JM pagkatapos nun.”

 ..

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon