Third Day - LOVE you^ love me?

739 16 0
                                    

                                 (SUNDAY)

                       Kanina pang paggising yung lungkot na nararamdaman ko. Lumapit na ko kay Mame at yumakap bago nagpaalam. Tss. Konti na lang maiiyak na naman ako eh! San ba punta ko?

   <<<<<<<<<<<<<<  FLASHBACK   <<<<<<<<<<<<<<<<<<<

(kamusta naman yung puro flashback ano? Flashback na lang kaya title? Haha! Oh well ituloy mo na yan, flashback. Ikaw kaya bida. XD)

                        <<<<<<<<<<<<<<<<<<<

                    Pupungas pungas na tinignan ko yung cellphone ko. Sino ba yung tumatawag? Ang aga aga pa ah? 5am pa lang.

[B.boy Calling..]

                    “Hello? Hoy b.boy! Ano na namang trip to? Ang aga-aga naman. Lagot ka sakin pag nagkita tayo.” Naku ang aga aga talaga makukutusan ko to sa twenty seventh blood vessel niya.

                      “Haha! Namiss lang kita ayaw mo ba nun? Arte nito! Haha! Pero anyway baka di ka muna makabawi ng trip sakin.” Biglang bumaba yung boses niya. Anong ibig niyang sabihin? Dahil ba di ko siya matatalo?

                       “Hoy gagawin ko lahat makabawi lang sa maaga mong paggising para mangtrip.”

                      “Nope. Haha! Oh well ireserve mo muna yang pagbawi mo. I called you because I’m going to States.”  Huwaaattt???

                     “Nag-aayos na kami papunta sa airport ni Dad. Mom needed us there. I don’t know how long I will be there pero babalik ako agad. Kung pwede sana magkita tayo sa airport before I go. Please.”  Tsss.. aalis na siya kung kelan naman kami naging magkaibigan. Syempre pupunta ako, kahit nalulungkot ako.

                      “Okay. Mag-aayos na ko. Mamaya na lang.”

                      “Ah salam----------” naputol yung sasabihin niya kasi pinutol ko na yung linya. Yung feeling na excited akong makita siya pero magkikita nga aalis naman siya. Mabigat akong gumising at nag-ayos. At nung paalis na ko ng bahay,

                      “Ingat ka anak. I love you. Pa-hug nga jan!”  Si mame. Ayoko mahiwalay sa kanya kasi mahal ko siya.

End of Flashback

                       Binabaybay na ng taxi yung daan papuntang airport. Yep! Mag-isa lang ako. Di ko na sinabi kay Angelo kasi masyado pang maaga baka tulog pa siya. Magpapaalam lang din naman ako kay Davis tapos.. tapos ano na nga bang gagawin ko? Hindi ako dapat magsayang ng oras. Kung pwede nga lang di na ko matulog mahanap lang yung para sakin eh pero baka mga fifth day pa lang madeplok na ko. Haysss isang buntung hinigang kasing lalim ng Pacific Ocean ang nagawa ko. Buti na lang di nalunod si Manong driver. Huminto na siya at..

                     “Nandito na po tayo.”  Talaga? Este..

                     “Ah. Salamat po.” Nagbayad na ko at naglakad papasok ng airport. Andami daming tao. Ayoko pa naman sa madaming tao. Maya-maya nagtext siya.

[B.Boy..

Nandito ako sa left stairs. Nagpaalam ako kay Dad saglit.]

Pumunta na ko sa left stairs. Nakita ko na siya. Todo ngiti pa tong mokong na to eh aalis na nga siya. Naka simangot naman akong lumapit.

                       “Haha! Ba’t ka ba nakasimangot dyan?”  aba nagtanong pa? Ano bang gusto nito mag pa banda’t mosiko pa ko?

                       “Huy! Aalis na nga ako gaganyan ka pa? Pano ko pa mapapaghandaan yung trip mo pagbalik ko eh ganyan ka? Haha!”

       Wala pa din akong imik. May kinuha siya sa bag niya.

                “JARAN!!!” kwintas. Kwintas yung niladlad niya.

                      “Eh.. Davis! Gagamba naman yang pendant.” Juice ko po (red ice tea), e gagamba yung pendant! Lumungkot yung itsura niya.

                      “Di mo ba gusto? Hayss Pinabukas ko pa naman kay Dad yung mall ng ganto kaaga makuha ko lang tong necklace pero..”

         E di syempre hinablot ko agad. Mang hahablot lang?

             “Gusto ko noh? Sayang to pang mayaman.” Tumawa na siya.

                     “Akin na muna.” Sabi niya tapos kinuha yung necklace at pumunta sa likod ko. O di syempre alam nyo na yung gagawin nya. Ang cliché na nito pero kinikilig pa rin ang lola niyo. Pagkasuot sakin..

                    “Gusto ko kasing mawala yung fear mo sa spiders.And I want to be the reason you’ll gonna overcome that fear. Pag-aaralan ko yan sa States. At pagbalik ko, maghanda ka na. Haha!”

                   Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o matatakot pagbalik nya. Baka may gagamba siyang iuwi. Uwaaahh!!! Sa pagkakaalam ko pa naman may mga Tarantula dun at iba iba pang poisonous spiders.

                     “Basta bumalik ka, Davis. Subukan mong mag-uwi ng gagamba, lagot ka talaga sa kin.”

                   “Haha!” natawa lang siya at medyo nakirot yung puso ko. Eh kasi may kumikinang sa mata niya. Naiiyak ba siya? Tss.. Nakakahawa ey! Bigla niya ko niyakap. Tss.. Uwaahh Maiiyak ba ko?

Ang lungkot naman netong scene na to!!!           TT^TT

                    Kumalas na siya at..

                    “I need to go now, ems. Ayoko nang patagalin pa to. Wait for me. We’ll meet again.” At tumalikod na siya at naglakad paalis. Bumulong na lang ako sa sarili ko habang medyo lumalabo ng konti yung paningin ko dahil sa papalapit na pagbagsak na luha.

                     “We’ll meet again, if I’ll still be here.” Yung misyon ko. Kung matatapos ko yun. Pero pag hindi…

                    Pinunasan ko na mata ko. Dun na tuluyang umiyak ako. Umupo ako sa hagdan at yumuko lang para walang makakitang umiiyak ako. Buti na lang walang masyadong umaakyat o bumababa.

                    Ang lungkot naman kasi…..

                    Pano kung di ko na magawa yung misyon????

                May narinig akong yabag papalapit pero hindi ko pinansin dahil baka dadaan lang naman. Nakita kong may sapatos sa harap ko. Tinungo ko na ulo ko at..

                     “Ah.. Hehe. Tingin ko kelangan mo to.” Sabay abot ng panyo.

..

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon