Sixth Day--- BOOM! 5x

553 17 0
                                    

                             Hindi ko alam kung nasaan ako. Nakahiga ako sa kama. Anong nangyari? Nasaan ako? Anong pangalan ko? Sino ako? Choz! Drama lang ang peg? Nagka amnesia?

                            Kwarto ko to ah? Violet wall paint at green decors. Nandito nga ako sa kwarto ko. Narinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas. Mabilis akong pumunta sa bintana. Isang van ang mabilis na umalis. Kilala ko ang van na iyon. Siya si -----ha??? Kilala ko talaga yung mismong van? Baka yung may-ari. Si Terence.

                        Naupo ako sa kama ko ulit. Yumuko..

                     “Hays… Hindi pa rin pala Siya. Maliwanag na fireworks yung huli kong nakita.”

                              Pero nasaan si Angelo? Wala siya.

                              Wala pa siya..

                              O baka wala na siya..

                Nagsilipad yata yung mga gamit sa loob ng kwarto sa ginawa kong buntung hiningang kasinglalim ng Indian Ocean. Nakakalunod yung lungkot. Siguro nga umaasa akong lage siyang nandito kapag nawawalan ako ng malay. Kapag nararamdaman ko yung pagsuko. Pero wala siya.

                 Tinungo ko yung ulo ko at nakaharap ako ngayon sa salamin ng kwarto ko. Sinipat kong mabuti yung itsura ko. Yung mukha ko, yung buhok ko, lahat-lahat.

                  Eto nga ako. Isang pusong babae na naghahangad na maramdaman ang pagmamahal na matagal ng hinahanap ng bawat isa sa atin. Isa lang din naman akong tao na nais magmahal at mahalin. At ngayon, naging misyon ko ito, na hanapin SIYA para mabuhay ako. At nakilala ko si Angelo. Kung tutuusin, para na rin akong namatay bago pa maibigay ang misyon na to. Dahil akala ko, walang magmamahal sakin. Pero nakilala ko sila. Si Davis, si Terence at higit sa lahat si Angelo.

                      Si Angelo yung nagpalakas ng loob ko. Siya yung parang snow na hinihintay ko sa fall. Imposible. Pero nangyari. Na sa isang iglap magbabago yung mga pangyayari sa buhay ko. Na nakilala ko siya. Na mababago nya yung pananaw ko sa buhay. Yung lungkot na dinadala ko. Pinaramdam niya saking hindi ako nag-iisa. Na kaya kong lumaban dahil nandyan siya para sakin. Hindi ko na mapigilan tong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ito ang misyon ko, pero ito ang nararamdaman ko.

                        Gusto kong lage siyang kasama. Every second is a surprise. A beautiful surprise. At natatakot ako ngayong hindi ko magawa ng maayos yung misyon ko because of what I feel for him now. I’m scared.

                        Totoo. I can’t survive this mission kung wala siya. Baka sa unang araw pa lang sumuko na ko. Ayoko siyang mawala sa tabi ko. Pero napaka selfish nun. At isa pa, he has his life too. He needs to decide kung mabubuhay siya o hindi. Hindi lang sakin umiikot yung buhay nya. Dahil mas kailangan niyang mag focus sa sarili nyang buhay.

                     I don’t know what will come tomorrow. I just know I need to see him. I want to be with him.

..

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon