(MONDAY)
“Okay, Navarro, Emsy, please continue reading the article in page 58.”
“Hoy ems! Page 58!” tapik ni Lee sakin. Napatingin ako kay ma’am.
“Ha? Ah opo.” Tumayo ako at nagbasa. Pinaupo na rin ako ni ma’am.
“Hoy, ano bang nangyayari sayo? Wala ka sa sarili mo. Iniisip mo si Angelo noh?” bulong ni Lee sakin. Oo. Tama sya.
“Ha? Hindi ah. Makinig ka na lang.” Sabi ko na lang kay Lee.
Sa totoo lang nagtataka ako bakit hindi sumabay sakin si Angelo ngayon. Nauna na kaya siyang pumasok? Nahihiya naman akong sunduin siya nung umaga. Nasaan na kaya siya ngayon?
Ding………….Dong………….Ding………….Dong………….
“Okay class dismiss. This is the last time we will meet this week since magstastart na yung schoolfest. So wala na kayong balik this afternoon. Yung president nyo na ang magsasabi tungkol sa fest. Goodbye!” waaahhhhh!!! Yehey! Buti wala ng balik. Napakahalaga ng oras sakin. At schoolfest na pala! Umaayon sakin ang tadhana. Choz!
“Listen, class! Please, sit down at bumalik kayo sa upuan niyo.” Ay antaray ni Mr.President.
Ehem ehem ehem! Siya nga pala si Terence, ang aming class president. Tahimik at seryoso palage kaya naman lahat sumusunod sa kanya. Tipikal na nakasalamin at mahabang bangs at mukhang hindi alam ang salitang joke. Hindi pa ata namin narinig tumawa yan sa klase. Ngumiti pwede pa, nung nanalo siya sa Math competition last year. Actually magkalapit lang kami ng bahay, sa kabilang street lang sila. May kapatid siyang-----Ai teka nga, ikwento ko ba naman ang buhay nya???
“Bago tayo umuwi, I have an announcement. Ang section natin ang in-charge sa decoration ng stage at auditorium kaya I expect you all to come here tomorrow. Tatapusin natin yun bukas dahil Wednesday ang start ng School Fest natin. That’s all.” At kanya-kanya ng labas ang lahat.
“Hoy, ems! Nasan si Angelo?” lapit sakin ni Mei. Lumapit din si Lee para magsabay na kaming tatlo umuwi.
“Di ko nga alam eh. Tsaka eh ano naman?”
“Wala lang. Lage ka kasi nya hinahatid di ba?” tsika ni Mei sakin sabay agree ni Lee sa kanya. Naglalakad na kami palabas ng gate.
“Di naman. Oi Lee at Mei, minsan lang ako magdrama. Pwede ba ngayon? Haha!” yung reaksyon nila.. ??__??
“Oy, Lee at Mei. Sobrang masaya ako kasi nakilala ko kayo. Naging malapit na magkakaibigan tayo sa isang iglap lang. Ewan ko. Iyon siguro yung tinatawag na magic of friendship. Naniniwala rin akong destined na magkakilala tayong tatlo. Kaya kung marereborn ako, I’m sure we’ll meet again and will always be friends forever. Kaya kung mawala man ako, di ko kayo makakalimutan, at alam ko kayo din. Maraming maraming salamat sa inyo. Mahal ko kayo.”
Naluluha na ako pero syempre pinipigil ko nasa daan kaya kami at iniiwasan ko tumingin sa kanila dahil pag ginawa ko yun, baka humagulgol pa ko kaya diretso yung tingin ko sa daan. Hehe.
Naghihintay naman ako ng sagot pero walang nagsasalita. Nakatulog ba mga to sa daan? Nilingon ko sila. Sus! Umiiyak! Haha! Ampupula ng mata.
“Ano ka ba?! Nakakainis ka naman, Ems! Mahal na mahal ka rin namin syempre at di ka namin kakalimutan.” At nagtawanan kami at nagyakapan sa daan. Di na namin mapigil umiyak habang nagtatawanan.
“O sige na, babay na. Kita kits bukas.” Paliko na kasi ako sa kanto namin. Nag wave na lang din sila ng kamay.
“At least nakapagsabi na ko sa kanila kung sakaling di ko magagawa yung misyon ko. Ang hindi ko lang alam kung kaya ko sabihin kay Mame.” Wala sa sariling naglalakad ako. Nang nasa tapat na ko ng gate namin, napahinto ako. Lumingon ako sa pinto ng apartment.
“Magbibihis lang ako tapos pupuntahan ko siya.” Magbibihis? Ai teka di naman ako nakahubad ah? Tss. Magpapalit pala. Pumasok na ko at nagbihis. Naamoy ko yung niluluto ni Mame sa kusina. Pagbaba ko, nakahain sa lamesa yung paborito ko. Spaghetti! ^_^
“O, anak, nadyan ka na pala. Naghanda ako ng paborito mo! Bumili ako sa palengke kanina.” Lumapit ako kay Mame at niyakap siya. Sana hindi ako maiyak. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihing mawawala ako.
“Ano bang ineemote mo dyang bata ka. Heto’t dalin mo tong nakabalot kay Angelo. Alam mo naman mag-isa lang yun sa apartment niya. Dalin mo na rin tong sa’yo para dun ka na rin kumain.” Ai, nakakahiya yun! Hays.. pero naalala ko na hindi pala siya talagang masaya. Siguro naman ayos lang kung sabay kaming kakain. Uwahhhhh!!! Naiisip ko pa lang namumula na ko.
“Ems, nganga. Susubuan na kita.” Sabi ni Angelo.
“Ah. Oo sige, Angelo.” Ngumanga ako at ang sarap ng spaghetti!
“Sandali, ems.” Kinuha nya ang tissue at pinunasan ang namumula kong labi. Ai!!!! Kilig much na talaga itu!!!!!
“Hoy, anak. Kelan ka gagalaw dyan sa may pinto? Sana within this week?” ai gumaganun si Mame. Lumabas na ko at pumunta sa tapat ng apartment.
..
BINABASA MO ANG
19 Days To Find You (Completed)
Romance"May mga bagay na hindi natin inaasahan. Na sa isang iglap pwedeng magbago yung takbo ng buhay natin. Malungkot man o masaya yung pagbabagong yun, tiyak may aral na matutunan ka. Totoo man o hindi, may mensaheng ipinapadama. Sana lang, hindi pa huli...