First Wing: Ako lang to

2.7K 47 4
                                    

Ang init!!!

Grabe yung oras na to. Mag aalas kwatro na ng hapon. Marami na ring mga students yung pauwi. Mga nag aabang ng sasakyan. Ewan ba pero peg na peg  yata ni Haring Araw na iexpress ang kanyang kabunyian bilang Hari at kung sumikat eh para kaming nasa oven with the temperature of 360.99 degree Celsius. Anong feeling? Isipin niyo na lang yung pandesal na overcook. May bitak pa. Haha!

Eh umaano ba kasi kami? Galing kami ng Alma Mater ng kaibigan kong itago na lang natin sa pangalang Mei. Tatlo kami na nagpunta dun kasama yung isa pa naming kaibigang itago naman natin sa pangalang Lee. Lakas maka-Anime ng mga name nila noh? Filipino po mga yan. Haha! May kinuha lang si Mei na documents kaya sumama na kami.

Sumakay na kami ng tricycle papunta sa terminal. Sa likod ang pwesto ko since ako naman yung lalake in physical aspects. Oh, alam niyo na. Oo. Sa unang tingin, wala kang pagdududang mararamdaman. Pero pag nakita mo na kong may kasama o kausap, baka makahalata ka na ng konti. At pag kasama ko tong mga kaibigan ko, alam na. Haha! Alam niyo na. Yap. I belong DAW to what they call the ‘third’ sex. Ewan. Eh, yun yung pagkakadescribe nila eh. Ewan ko ba san nakuha yang mga bansag na beki etc etc. Kung anu anu pang pagtatalo yung nagaganap tungkol sa mga katulad ko. At eto nga yung umatake sa kin ng mga oras na yun. Mga tanong na talaga namang nakakapagpasuko sa kin.

Bakit ba ko ganito?

Bakit ako iba sa kanila?

Bakit ako nasasaktan dahil ako ay ako?

Bakit parang ang sama-sama ko sa paningin ng iba?

Bakit ako madalas nadidiscriminate?

Nakakahiya ba talaga ako dahil ako ay ako?

        Umandar na yung tricycle na para bang yung mga iniisip ko eh nadadagdagan sa init ng panahon. At yung kaisa isang bagay na talaga namang nagpaparealize saking wala akong lugar sa mundo eh yung kanina pang nagpupumilit pumasok sa isip ko na…

 “At dahil ganyan ka, hindi ka makakahanap ng taong magmamahal sa’yo. Dahil dito sa mundo, walang para sa’yo.”

        Ramdam ko yung sakit na tagos na tagos. Parang may bumubulong sakin nun. Alam ko na masaya ako dahil kaya ako nabubuhay para sa friends ko, sa family at syempre dahil love ako ni God. Lagi ko pinagpe-pray yung mahihirap, yung mga nasasaktan at mga naliligaw. At syempre yung taong para sakin. Pero parang wala eh. Hindi sa nagmamadali ako pero parang wala talaga eh. Parang imposible. Kung sila ngang mga babae at lalake eh hirap makita yung true love, pano pa ko?

        Nakatingin ako sa kawalan habang tinatahak ni Manong yung daan. Bumalik ako sa huwisyo at tumingin sa mga bagay na nadaraanan. At hindi ko inaasahang sa simpleng pagtingin ko sa kanya eh magpapabago sa buhay ko.

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon