Seventh Day--- The Song

560 17 3
                                    

         “Ngapala Ems. Nakapag-usap na kami ni Zhaira.”

                  Tumingin lang ako sa kanya.

                 “I’ve cleared everything to her. I told her that I don’t have any feelings for her. Tama ka Ems. I shouldn’t lose hope in that first heartbreak. If not for you, I’ll wont realize it. It all thanks to you. Now I know what my decision is. I’ll continue my life. At tutulungan kitang makita yung para sayo.”

               Nginitian ko siya ng matamis. Totong masaya ako. Pero may aftertaste ba yun? Bakit kasi ganun? Masaya ako kasi gusto na niyang mabuhay dahil natulungan ko rin siya. Pero yung makita yung para sakin? Tutulungan niya ko? Bakit parang ayoko? Dahil ba gusto ko siya? Dahil ba siya yung gusto kong para sakin?

                 No! I should really get rid of this feelings! Pero naiiyak ako. Naalala ko yung napanaginipan ko. Kung hindi ko pipigilan yung nararamdaman ko para sa kanya, mahihirapan akong hanapin yung para sakin at maglalaho akong katulad ng nasa panaginip ko. Gustong gusto kong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko ngayon pero hindi. Hindi pwede.

               “Ems? Are… you okay?”   tanong niya.

                “Ah.. Oo… Excuse me Angelo, May kukunin lang a..ako sa k..kwarto.”  nautal ko ng sabi dahil ang hirap hirap pigilang maiyak!

                 Tumakbo ako papuntang kwarto. Nilock ko yung pinto. Hindi ko na nagawang pumunta sa higaan at sa may pinto na ko umiyak.

(play the link at the right side)

                             Far away by Gracenote

Why I can’t fight this feeling

Is there any way to endure this loneliness

that consumes me inside, inside

I always whisper all the things I feel for you

But deep down I knew I wanted to be heard

                Narinig ko siyang kumakatok.

                 “Ems? Are you okay? Ems!”

                  Di ako sumasagot. Maririnig niyang umiiyak ako.

I have you but yet

I don't, you were close but yet so far away

Oh I’m just too weak to face the truth

That I love you, I Love you

                    Tumigil na rin siya sa pagtawag.

Why can’t I say it

That deep down I want to give you

One perfect slow dance

The way you hold me too

I won’t say a word

Nor tell you sweet words

I will justhold you as if it's my last,

my last

I have you but yet

I told you were close but yet so far away

Or I’m just too weak to face the truth

That I love you, I Love you

Cause I’m afraid we can never be...

              Nag ring yung phone ko. Nagpunas ako ng luha at hinanap yung phone ko. Nasa bag ko. Binuksan ko yung bag ko at hinanap sa loob yung phone. Sa pagkakalkal ko eh may lumipad na maliit na piraso ng papel.

                “A… ano yun?”  kinuha ko at binasa yung nakasulat.

Message:

Be careful. Keep the things close and spill the good ones.

                 A..anong ibig sabihin nun? Eto siguro yung sa school fest na Bowl of Destiny. Hindi ko kailangang isipin to. Hindi ito totoo.

Nakita ko na yung phone ko at nagtext si Terence.

1 msg received.

>Open—

[Ems! Okay ka lang ba? Hinimatay ka kagabi kaya hinatid kita sa inyo. Napagod ka siguro kahapon sa kakahintay sakin. I’m sorry. By the way, sayo ba yung kwintas na may spider pendant? Nandito kasi ako sa school ngayon, busy pa rin sa fest. Hapon pa matatapos yung ginagawa ko. –Terence]

>Options>Reply

[Okay lang ako. Salamat sayo, Terence. Sakin nga yan. Sige, pupunta na lang ako diyan mamayang hapon. Salamat ulit.]

 ..

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon