6th Wing: Love to Live

1.1K 25 0
  • Dedicated kay Joanna Javier Lopez
                                    

 

           Tumingin ako sa mga mata ni Angelo. Naghahanap ng sagot sa mga nakita ko. Pero kailangan ko pa bang magtanong? Nakita ko na. Naiintindihan ko na siya. Pero hindi pa pala.

            Lumapit siya. Wala pa rin ako sa sarili ko. Panay pa din yung luha ko sa pagbagsak. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ko. Parang ang gaan gaan na naman ng pakiramdam ko. Sabagay dedo na kaya ako, ano pa bang ibibigat ko? Di ko napansing nagliwanag pala kami at pagdilat ko, nasa restaurant ulit kami. Yung Wings restaurant. Sabi ko na magkakapakpak na ko eh. Ano kaya pipiliin ko, Butterfly wings na lang kaya. Choz! Basta wag lang chicken wings!

          “Hey, Emsy. I have something more important to tell you.”sabi niyang masaya pa rin. Kahit papano, naiibsan yung lungkot ko. Ang bigat eh.

             “Nakita mo ko kanina di ba? I’ve saved you. Hindi mo pa oras. Kaya nandon ako para i-save ka sa sitwasyon na yun. I’m your guardian angel, Angelo. Hope you’ll believe me now.”

             Mga sinabi niyang absorb lang ako ng absorb. He’s the only one that knows me so much, at kasama ko ngayon. Kanino pa ba ko maniniwala and besides, Guardian Angel ko siya.

….

Sinave niya ko??? Sa wakas nakapagsalita na ko ulit.

          “Sinave? Ehh.. Uhmm.. Ah.. Ano na bang mangyayari sakin ngayon?” sabi ko sakanya.

“Remember your prayers? The last one you’ve always wish.”

Inisip ko yung prayers ko every night.

-Life

(gusto ko pa kasi mabuhay. ;) Madami pa ko pangarap noh!)

-Good Health

(syempre always naman kapartner yan ng life. Aanhin mo naman yung life, wala ka namang lakas. ^_^)

-Family

(Life and good health din saka yung closeness laging nandon.)

-World Peace

(Okay, ako na beauty queen. Haha! Eh sobrang serious na kaya ng nangyayari sa Earth. Innocent lives suffer.)

-Beggars

(Naawa kasi talaga ako sa kanila. ;(  )

Teka ang haba haba pa kaya nun, yung dulo na nga.

-LOVE (PAG-IBIG)

Ah. Oo nga. Oh e teka, anong meron dun?

“Yes, you’re right, Emsy. Love. Di ba gusto mo na makita yung magmamahal sa’yo. That reason is enough para mabuhay ka pa. Dapat mong maramdaman yun. True Love. Or I may say, True Love in 19 days.”

 ..

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon