Kanina pa ko nakahiga sa kwarto ko. Nagbihis na ko ng mga 5pm. Hapon. Siguradong tapos na si Terence.
“O anak, aano ka?”
“Pupunta po ako ng school. May kukuhanin lang ako sa kaklase ko.”
“O sige. Wag ka magpapakapagod ha?”
“Opo.” At kumiss na ko sa pisngi ni Mame.
Pagbukas ko ng gate, lumingon ako sa apartment.
Angelo.. Im sorry.
Naglakad ako mag-isa papuntang school. Namimiss ko siyang makasabay. Lahat ng mga bagay na ginawa ko mula nung bumalik ako sa mundo, bahagi na siya nun.
Pumasok na ko sa school. Last day ng school fest. Medyo kaunti na lang yung mga nagpupunta. Walang buhay na nilakad ko yung corridor. May mga kau-kaunti akong nakakasalubong. Ganito ba yung malungkot? Grayscale ang mga nakikita ko sa paligid.
Yumuko ako at nagpatuloy pa rin sa paglalakad ng mapahinto ako dahil nadumog ako.
“Tss…” sabi nung nagsalita.
Tumingin ako at nakita ko siya. Siya yung nagtapon ng nakakadiring liquid sakin sa canteen. Yung lalaking mayabang at nakakainis.
“Sorry. Excuse me.” Walang buhay kong sabi at yumuko ulit na naglakad.
Hinablot niya yung bag ko at..
“Hindi mo ba ko nakikilala? Simula ngayon, ako na yung siga dito sa school. Tandaan mo tong pangalang to!”
Nakita ko yung ID niya.
Jhan Miguel Rivero
“Okay.” At tumalikod na ulit ako.
“Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin sa canteen? Bumalik ka dito, hoy, stupid!”
Ano? Stupid? At ako pa yung may ginawa sa kanya samantalang ako yung tinapunan niya ng nakakadiring liquid na yun?!!!!
“Unang-una, ikaw ang nagtapon ng dumi sakin. Isa pa, hindi ako stupid. Ikaw ang stupid dahil ginagawa mo yung mga bagay na yun. Stupid!!!”
Hinarap ko siya kasi nakakainis na yung ugali ng nilalang na ito. Lumapit siya at..
“Wala kang pakialam sa gusto kong gawin. You’re stupid because you’re stupid! Walang magkakagusto sayo! Nakakadiri ka!”
Parang umalingawngaw yung mga sinabi niya sakin. Walang magkakagusto sakin. Nakakadiri ako.
“Wala kang masabi kasi totoo di ba? Shut your face, stupid!”
Ang sakit ng mga sinsabi niya. Still, nagawa kong tumalikod at naglakad.
“Hey, I’m still talking, stupid! Sumagot ka!!!”
Lumiko na ko at hindi na siya sumunod.
Totoo yung sinabi niya. Wala namang magkakagusto sakin. Dapat pa ba kong umasa?
Nagtext si Terence.
1 msg received.
>Open—
[Ems! Nandito pa ko sa office. Magkita na lang tayo sa harap ng school pond. –Terence]
Hindi na ko nagreply. Naglakad ulit ko na parang zombie.
Narating ko na yung pond. Walang tao dito at tahimik na nakaharap sa pond. Kitang kita rin dito yung sunset. Nagrereflect sa tubig yung nagbabagang orange na kulay ng langit. Hapon na. Isang araw na lumipas at wala pa ring nakita. Araw na napakalungkot.
Kaya ko bang wala si Angelo hanggang sa huling araw? Hindi. Pero dapat.
“Ems!” lumingon ako at nakita si Terence.
“Sorry,ang tagal ko. Busy kasi eh.” Hinihingal na sabi ni Terence. Halatang tumakbo siya papunta dito.
“Okay lang yun. Sorry ha? Dinala mo pa ko kahapon samin.” Nakangiti kong sabi sa kanya.
“Wala yun. Eto na ngapala yung kwintas.”
Inilabas niya na yung kwintas. Inabot ko.
“Salamat,Terence, mahalaga sakin to.”
“Mabuti nga nakita ko eh.”
Naramdaman ko na naman yung panghihina.
“Gumagabi na. I’ll walk you home. Let’s go.” Aya ni Terence.
Pinilit kong humakbang pero tuluyan na kong nawalan ng malay.
Madilim.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata.
“Ems!” alalang-alala yung mga mata ni Terence.
Napansin kong nandito pa rin kami sa school. Nasa isang vacant room kami.
“Okay na ko. Tara na.” sabi ko sa kanya.
“Sandali. Ano bang nagyayari sayo? May sakit ka ba? Bakit palagi kang hinihimatay? At bakit tuwing hapon? Tuwing magtatakipsilim?”
“Wala. Wag mo kong alalahanin, Okay lang ako.” At humakbang na ko papuntang pinto pero..
Pinigil niya yung braso ko at..
“Ems, magkaibigan tayo di ba? Pinangako mo sakin yan. At gusto kong malaman yung problema mo. Nandito ako para sayo. Pwede kang magtago ng sikreto sakin.”
Sa totoo lang, gustong gusto kong may mapagsabihan ng problema ko. Lalo na at napaniginipan ko yung bagay na yun. Natatakot ako. Gustong-gusto kong sabihin kay Terence.
“Please. Ems. Please..” nagmamakaawang tingin niya sakin.
Hindi ko na rin mapigil yung kanina ko pa nararamdaman. Yung lungkot. Napakabait ni Terence at kaibigan ko siya. Sasabihin ko sa kanya lahat. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya.
“Terence. Patay na ko.” At sinabi ko sa kanya yung misyon ko at yung pagkakahimatay ko tuwing sunset.
Natapos akong magkwento.
“Ems…” sabi niya.
Nagulat din ako dahil nagliliwanag ako. Hindi ko alam kung bakit. Naramdaman ko yung mabigat na pakiramdam. Nag flash ang isang scene. Nakita ko yung mga ulap. Umikot ang mga yun at naging maiitim na ulap.
“Ems!” sigaw ni Terence. At isang nakakasilaw na liwanag yung nagflash sa buong katawan ko na kumalat sa buong room.
..
BINABASA MO ANG
19 Days To Find You (Completed)
Romance"May mga bagay na hindi natin inaasahan. Na sa isang iglap pwedeng magbago yung takbo ng buhay natin. Malungkot man o masaya yung pagbabagong yun, tiyak may aral na matutunan ka. Totoo man o hindi, may mensaheng ipinapadama. Sana lang, hindi pa huli...