Sixteenth Day--- He's the last

523 17 4
                                    

( SATURDAY )

                 Hay juice ko po (Lemonade)! Ano bang ginagawa ko dito? Ang init init pa naman!

                Yes! Nasa harap po ako ng napakalaking gate ng mansyong bahay na ito. Kala ko nga nilipat na yung Malakanyang dito eh.   XD               Tinignan ko ulit yung ID.

                Hayy.. Kung tutuusin pwede namang hindi ko na ibalik sa lalakeng yun tong ID nya eh. Sa mga ginawa niya sakin! Hmp! Pero syempre, mabait ako. Haha! Hays…

                 Tingnan ko yung picture niya sa ID.

            “Siya ba to?  P..para kasing.. ang saya-saya niya dito sa picture. Ang layo-layo sa ugali niyang magaspang.”  Sinipat ko pang mabuti.

            “Tss. Sayang! Ang cute pa naman niya, pero salbahe!”

             Bumukas na yung maliit na gate sa gilid.

              “Sino pong kailangan niyo?” sabi ng mukhang may edad ng babae. Sa suot pa lang niya, alam kong katulong siya. Maaliwalas at mabait yung mukha niya.

               “D..dito po ba nakatira si.. Jhan Miguel Rivero?”

               “Ah… Oo. E teka, pumasok ka muna. Naku, ang init init dyan sa labas. Mabuti naman at bibisitahin mo siya. Ang tagal tagal ng walang pumupuntang ibang tao dito sa bahay.”

             Naku, ibibigay ko lang naman tong ID niya. Baka awayin ako nung lalakeng yun pag nakita pa ko dito. P..pero siya yung nagdala sakin sa clinic. Sigurado ako. Sa kanya yung ID.

           Namangha ako at nagtumbling ng vertical, horizontal at paclockwise ng binuksan ang pinto ng mga pangarap. Echoz! Syemay! Ang ganda ng loob. Mas malaki pa ata to sa plaza! Classic style yung decorations at karamihan ng gamit is made of antique wood. Parang ancestral house na nirenovate at nilagyan ng modern style white and blue color.

(O di ba pag nagugulat lang ako nakakapagdescribe ng bongga. Mag interior designer na lang kaya ako? Choz!)

             “Umupo ka muna. Ah ano bang pangalan mo?”

             “Emsy po.”

              “Ah. Ako naman si Linda. Manang na lang. Katulong ako nila JM mula nung bata pa siya. O sige tatawagin ko lang si JM. Maiwan muna kita.” At nakangiting umakyat si Manang Linda.

             Sobrang namamangha pa rin ako sa bahay. Lumingon ako sa paligid. May mga vase na alam mong sa itsura pa lang eh mas mahal pa sa buhay mo. Juice mio! May mga painting din na mukhang mamahalin din. May nakalagay sa tabi kung saan nabili eh. Pero may isang glass cabinet dun na nagpahinto sakin ng tingin.

 “A..ano yun?”  sobrang kuryosidad eh tumayo ako.

Lumapit ako sa glass cabinet na nasa gawing dulo ng sala.

           “Laruan?” punong-puno ng laruan yung cabinet na yun. At hindi mga laruan. Isang klaseng laruan lang. Robot at mga figures ng isang kilalang action hero.

IRON MAN

                    “Hey! Stay out of it!”  sigaw ng boses.

..

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon