Coffee- a beverage consisting of an infusion of ground coffee beans.
“I don’t know but I feel comfortable with you here. Nakakahiya mang aminin but sasabihin ko na. Ems, I think this is the time para sabihin ko to. Gusto kitang maging kaibigan. Lage ka kasing masaya at alam kong mabuti kang kaibigan at masaya kasama. Pero di ko alam pano ko gagawin yun dahil nahihiya ako sa’yo. Baka hindi mo ko magustuhan maging kaibigan kasi masyado akong tahimik at masungit.” Nag-iba na yung tingin ni President sakin. Medyo nahihiya siya pero sinsero yung mga mata niya.
“Hay sa wakas nasabi ko rin. Hindi ako magsisisi ngayong nasabi ko na bago tayo gumraduate.”
Naubos ko na yung milk tea na tinimpla niya. Napakasarap. Ang bango din ng aroma niya na parang lalong nagpapataba ng puso ko.
“President.. Ahmm.. Hindi ko alam yung sasabihin ko ngayon. Pero kung noon mo pa sinabi na gusto mo kong maging kaibigan, matagal na rin akong pumayag. Noon, akala ko wala akong magiging kaibigan na lalake kasi ayaw nila sakin. Nakakahiya akong kasama kasi baka isipin nila magiging katulad ko sila. Pero hindi ko akalaing ikaw, President, gusto mo kong maging kaibigan. Pumapayag ako. Noon pa.” at nginitian ko siya.
Tumingin siya sakin ng seryoso at lalo tuloy akong kinabahan. Ano ba tong naiisip ko? Maglalapit na ba kami ng mukha? Uwaaahhh!!!
Lumapit na sakin yung kamay niya at…
[lumipad na naman yung isip ko… itali ko na kaya? Palipad lipad?]
Hinawakan niya yung pisngi ko at..
“Hindi ko na mapigilan yung sarili ko, ems.” At inilapit niya yung mga labi niya.
O_____________O
[ end ]
“Ems?! Oy! Ems!” napadilat ako at…
“Kinukuha ko yung tasa sa harap mo. Iaayos ko na. Ba’t ka napapikit?” nyaaahhhh!!!!
“Ah.. Ehh. Wala. Kasi president..” tumawa siya at…
“Please.. You can call me just by my name Terence. Magkaibigan na tayo di ba? So you don’t have to be that formal to me.”
“Ah.. Okay. Terence.” ^_^
Nakita kong ngumiti siya na ngayon ko lang nakita. Totoong masayang ngiti. Dahil may tumawag na sa kanya sa pangalan niya at hindi sa titulo niya. Hindi sa ibang katauhan kundi siya. Si Terence. Hindi si Mr. President.
“Presid---Terence, ahmm ano nang gagawin natin ngayon? Wala pa ring naghahanap sa’tin.”
“You’re right. Hay, kapag wala talaga, we have no other choice but to spend the night here.” Napalaki yung mata ko sa sinabi niya. Buti na lang nakatalikod ako sa kanya. Spend the night???! Oh cmon! Uwaaahhh help!
“Ahmm.. Terence, anong oras na?” may relo kasi siya at pakiramdam ko eh ang tagal tagal na namin dito. Ineexpect kong sagot niya eh 10 years. Echos!
“ 5 minutes before 5:30pm. Malapit nang mag gabi.” Huwaaattt!!! Ganun na katagal? At magsa-sunset na talaga? E teka, this is the moment. Asan ang sunset? Ang dilim dito eh. Para malaman ko kung siya nga ba.
“Anong hinahanap mo, Ems?” pansin sakin ni Terence. Palinga-linga kasi ako eh.
“San ko ba pwedeng makita yung.. yung sunset? Kahit yung liwanag lang dun?”
“Ah. Pareho pala tayong gusto ng sunset. Ang ganda kasi nuh? Pero hindi natin yun makikita dito. Nasa dulo kasi yung mga classrooms dito kaya hindi to naabot nun.”
Nanghihina na ko. Eto na naman. Naglakad ako papunta sa tabi ni Terence. Nagulat kami pareho dahil may sumigaw sa labas.
“Emsy!!!!!!!!!!!”
Ha???? Boses yun ni Angelo. Tama nga. Si Angelo. Di ako makalakad kaya nakatayo pa rin ako at pinipilit lumakad. Si Terence, lumapit sa may pinto at sumigaw din.
“Kung sino ka man, please, open the door.” Sigaw ni Terence sa harap ng nakasarang pinto. Sa pagbukas ng pinto at pagpasok ng liwanag eh nawalan na ako ng malay.
“Ems!” sabay na sigaw ni Terence at ni Angelo.
BINABASA MO ANG
19 Days To Find You (Completed)
Romance"May mga bagay na hindi natin inaasahan. Na sa isang iglap pwedeng magbago yung takbo ng buhay natin. Malungkot man o masaya yung pagbabagong yun, tiyak may aral na matutunan ka. Totoo man o hindi, may mensaheng ipinapadama. Sana lang, hindi pa huli...