(Emsy’s POV)
I didn’t sleep that much. All I did was wiping my tears. He hugged me. That warm embrace. That heat that keeps me from pushing on. Sobrang namiss ko yun. But it’s my last day. My emotions were about to burst. Hindi ko alam yung gagawin ko. Hinawi ko yung kurtina. Ang ganda ganda ng sikat ng araw.
Angelo is just here inside the house. Makikita ko siya. Natatakot ako. Sa nararamdaman ko. But as time passes, this feeling keeps getting stronger. And I know that it will fade away because it’s my last day. Kahit gustong gusto ko siyang yakapin at makasama, I’ll just ignore this. Matatapos na rin naman na to..
“Hi. Good Morning, Ems.” Napalingon ako sa nagsalita.
Si Zarren. Kahit ilang beses talagang tignan, sobrang magkamukha sila ni Warren. Ang pagkakaiba lang nila yung alam ko kaya alam kong si Zarren siya. Yung kilos niya.
“Hi, Zarren. Good morning too.” Sabi ko sa kanya saka umupo sa lamesa para maghanda na ng almusal.
“Ah.. t..teka, pano mo nalamang ako si…”
“Hindi ems ang tawag sakin ni Warren at isa pa, magkaiba kayo kumilos.” Ngumiti ako sa kanya at kumain na kahit wala naman talaga akong gana.
Sino ba namang gaganahan sa huli mong araw?
Kaya ako kumain para malaman nilang ayos lang ako bago ako umalis. Oo. Aalis ako. Hahanap ako ng lugar kung san ako di makikita nilang lahat. Ayokong may makakita sakin bago ako maglaho.
(Angelo’s POV)
I didn’t sleep that much. Riddle ba yung sinabi ni Warren? I check the clock and it’s 7am. I immediately run towards the door but I stop myself. Ngayon ko na ba agad sasabihin kay emsy? And how? My heart beats wild.
(Emsy’s POV)
It’s almost 12 pm. Siguro naman hindi nila ako hinahanap. Sinabi ko kay Zarren na gabi na ko babalik. Nakita niya namang nagdala ako ng lunch. Kanina pa ko ngalalakad dito sa gubat na to. Naalala kong sinabi ni Warren nung pinapasyal niya ko na yung gubat na to ay di pa masyadong naeexplore ng mga tauhan nila kaya liblib pa at delikado kung lalayo. At eto ako, bahala na kung may leon mang tumalon. Kakakantahan ko na lang siya ng Roar.
I got the eye of the tiger, a fighter
Dancing through the-------
E teka nga, maglakad na nga. Masakit man sa braso yung mga dawag na to, mas masakit pa rin yung nararamdaman ko. Mawawala na ko. Iiiwan ko ang lahat. Iiwan pati yung taong natutunan kong mahalin..
(Angelo’s POV)
Sobrang kinakabahan ako. I need to tell Ems my feelings. Pero bakit ang tagal niyang pumunta sa beach. I knocked Zarren’s and Warren’s door.
“Ah. Ou ngapala. Sabi niya din gabi na siya uuwi. He left with the lunch he prepared. Baket?”
What? No! It feels that there’s an explosion in front of me. Imposible. Hindi na babalik si Ems. Tumayo at nagulat din si Warren.
“What? Bakit di mo agad sinabi, Zarren?! ”pagalit na sabi ni Warren sa kambal niya.
“Bakit? Is there something I don’t know? Ano bang meron?” sabi ni Zarren kay Warren.
Wala na kong sinayang na oras. I run out the door. Every second counts. Ayokong mawala si Emsy. Sasabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
19 Days To Find You (Completed)
Romance"May mga bagay na hindi natin inaasahan. Na sa isang iglap pwedeng magbago yung takbo ng buhay natin. Malungkot man o masaya yung pagbabagong yun, tiyak may aral na matutunan ka. Totoo man o hindi, may mensaheng ipinapadama. Sana lang, hindi pa huli...