“Ah.. Hehe. Tingin ko kelangan mo to.” Sabay abot ng panyo.
Di ko makita masyado yung mukha niya kasi medyo malabo pa yung mata ko dala ng pag-iyak. Inabot ko yung panyo na hawak niya at pinunas sa mga mata ko. Umupo siya sa tabi ko kaya nakita ko na siya.
Simple lang naman siya mag-ayos. Pero yung kasimplehan niyang yun yung nagbibigay ng appeal sa kanya. This guy justifies the saying “Simplicity is beauty.”
“Okay ka na ba kesa kanina?” tanong niya sakin habang humihinga ako ng malalim.
“Ayos lang ako. Maraming salamat sa panyo. Pasensya ka na. Nakakahiya nakita mo pa kong umiiyak.”
“Ah. Wala yon. Ayos lang naman umiyak basta pagkatapos eh okay ka na ulit. Hindi pa naman bagay sayo umiyak, ang cute mo pa naman.” Ha????? Ano namang trip nitong lalakeng to? Ako cute? Oh cmon, mapagsabi ka ng totoo. WAHAHA!
“Ako nga pala si Macky.” Sabay abot ng kamay niya.
“Ako naman si Emsy. Ems for short. Salamat uli ah?”
“Wala yun. Buti okay ka na. Gusto mo bang mamasyal? Para makita ko naman yung maganda mong mga ngiti.” Nakakain na ba to ng kalabasa? Ang labo yata ng mata.
“Ah. Ahehe. Okay lang.” Parang ang bilis naman yata ng pagkakakilala namin. Pero hindi ako pwedeng magpalampas ng mga pagkakataon. Sa sitwasyon ko ngayon, everything is a chance.
“Yes! San mo gustong pumunta tayo, Ems?”
“Kahit saan. ” parang kumunot yung noo niya. naguluhan ako kasi parang bumubulong siya.
“Saan?! Di ko madinig?! Ano b------” may mga nakikita ba siya na hindi ko nakikita?
“Ah..Macky? Okay ka lang ba? Wala pa kong sinasabi ano yung di mo marinig?” parang namula yung mukha niya pero baka imagination ko lang.
“Ah. Haha! A..ang ibig ko sabihin di ko madinig yung.. yung ano.. yung paligid! Oo, tama, kasi.. kasi ang lakas ng tibok ng puso ko. Hehe.” Ekkkkkk di ko alam kung makokornihan ba ko o ano, kung maka banat to. Pero nakakataba ng puso yung banat na yun kahit papano. Aarte pa ba ko? Haha!
“Ah. Siguro, macky sa park na lang tayo kung wala kang maisip.”
“Oo nga. O sige sige dun na lang tayo.” Sabi niyang parang kunot noo na nakatingin habang palabas na kami ng airport.
Pumara na siya ng taxi at una akong pinasakay. Sumakay na rin siya at umandar na ang sasakyan. Kinuha niya yung number ko at nakarating na rin kami sa plaza.
Napagpasyahan naming umupo sa may bench kaharap ng fountain. Medyo umiinit na rin yung araw. Wala namang masyadong tao sa park since magtatanghali na.
“Macky, bakit mo nga pala ako sinama?” tinignan ko siya. Medyo matagal bago siya sumagot.
“Ah.. k..kasi kasi ano. Yung love at first sight, naramdaman ko sa’yo.” At ngumiti siya sakin. Huwaatt??? Maganda ba talaga ako o malandi lang talaga? Oh well pwede namang both. Choz!
“Ganon? Hindi nga? Napaka mapagbiro mo pala no?”
May napansin ako habang nag-uusap kami. May naririnig akong tawa. Pero parang mas tamang sabihing tawanan. Parang marami eh. Oh baka imagination ko na naman. Stress lang ba ganun? Sa pag-uusap naming yun madalas ko rin siyang nakikitang balisa pero pag titingin ako eh ngumingiti lang siya. Di ko alam pero parang wala sa loob niya yung ginagawa niya. May problema siguro to. Maya-maya..
“Ah ems, okay lang ba kung aalis muna ko? Kita na lang ulit tayo, di ko ata kaya pag di kita makikita uli.” Nyekkk???
“Ah. Oo naman ayos lang. Ganun? Kaya mu yan, o.a. nito.” Di daw niya kaya pero aalis na? haha!
“Sige.” Ang tipid ng sagot niya di ba? at nagmamadali siyang umalis. Uuwi na din siguro ako. Tanghali na. 12:11 sa oras ng phone ko. Siya na nga kaya? Ewan ko.
After mga 30 minutes siguro eh nasa bahay na ko at kumakain.
“Anak, nagpunta nga pala dito si Angelo kanina hinahanap ka. Akala ko naman kasi alam niya. Eh di ba kayo magkasama? Pupuntahan ka daw niya eh.” Pumunta siya? Wala naman siya ah. Nasan kaya yun?
“Hindi eh, mame.” Napatingin ako sa phone ko.
1 msg received.
>Open—
[Hello baby, macky to. Pwede ba kitang tawaging loves? I miss you na agad. –0948xxxxxxx]
Ha?? Loves? Sus nagpaalam pa eh tinawag niya na nga akong loves.
>Reply
[Bakit loves?]
New msg.
>Open
[Kasi mahal kita. Mahal na kita agad. Hindi ko maeexplain dahil sabi nila hindi naeexplain ang love. Mahal mo ba ko?]
Nu bang nakain nito? (Ano pa e di ang new lucky me pancit pares spicy chicken inasal--------) ~tumpak na tumpak yung pag pasok ng commercial na to sa tv namin. Pero gusto kong malaman kung SIYA na ba to. Oo makikipagkita ako sa kanya mamaya.
Reply.
[Macky, magkita tayo mamayang hapon. Bago lumubog yung araw. I’ll answer that. Okay?]
Malalaman ko na mamaya.
..
BINABASA MO ANG
19 Days To Find You (Completed)
Romance"May mga bagay na hindi natin inaasahan. Na sa isang iglap pwedeng magbago yung takbo ng buhay natin. Malungkot man o masaya yung pagbabagong yun, tiyak may aral na matutunan ka. Totoo man o hindi, may mensaheng ipinapadama. Sana lang, hindi pa huli...