Seventeenth Day--- Bad Guys also Cries

496 11 0
                                    

                 Kaaalis lang ni Manang nung sinabi niyang bibili siya ng makakain at kukuha ng gamit sa bahay. Iniisip ko pa rin si JM at si Angelo. Hindi ako makapaniwalang siya ang bestfriend ni Angelo. At… napakaliit ng mundo.

            Kanina pa ko nasa loob ng kwarto kaya naisipan kong hawiin ang kurtina ng bintana sa gilid ni JM. Kitang kita ko ang unti-unting pamumula ng dahan-dahang pagsabog ng araw. Hapon na nga. Malapit na bang mag sunset? Oo. At mawawalan na naman ako ng malay ilang sandali lang. Malapit na malapit na. Maglalaho na ko sa mundo. Parang hindi ako nag-exist.

          “Ems!” napalingon ako sa tumawag sakin. Boses ni JM.

          “Please don’t close the window.” At lumapit ako sa kanya.

            “O..okay ka na ba, JM? A..anong nararamdaman mo ngayon?” nauutal kong tanong sa kanya.

             “Ayos lang ako. It’s your fault. Kung hindi ka sumama, di ka sana napahamak.”

             “O..okay lang ako. Okay lang yun. Sumama ako p..para alam ni Manang Lucia mo kung nasan ka at malamang ayos ka lang.”

            Tumingin siya sa bintana at sa langit.

            “JM, alam ko.. hindi ka naman ganito dati.”

              Tumingin siya sakin na parang nagtatanong ng ‘anong ibig mong sabihin?’

            “I mean, hindi ikaw yung JM na mahilig makipag-away. Yung JM na masayahin at nagpapahalaga sa mga nagmamahal sa kanya. Yung JM na----”

               Nagulat ako dahil lumapit yung mukha niya sakin at ang mga mata niyang punumpuno ng pait. Pait ng nakaraan.

             “Wala kang alam sa nangyari sa buhay ko.” Namula ako at napaatras ng konti. Natatakot ako sa mga titig niyang tila pumupunit sa pagkatao ko. Pero alam ko, kailangan kong sabihin to. Wala na kong oras.

         “Alam ko, JM. Alam ko lahat.” Nanginginig kong sabi sa kanya. Huminga ako ng malalim pati na rin ng confidence para sa mga susunod kong sasabihin.

           Matiim pa rin syang nakatingin sakin. It was like the two of us in a spotlight inside an empty space.

           “Alam ko ang lahat. Maybe I don’t know the little details but I’m sure I get the point. Sinabi sakin ni Manang Lucia. Simula pagkabata mo at lahat hanggang ngayon.” Nahihiya akong tumingin sa kanya. Nagkaron ng dead air saming dalawa.

           Tumingin ulit ako sa kanya. Nakahiga na siya ngayon at tahimik na nakatingin sa labas. Halatang malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung san ako hahalughog ng sasabihin. Ang awkward ng sitwasyon!

         “Nasira yung pamilya ko. Umaasa akong magakaayos pa sila Mama at Papa pero hindi yun nangyari. Tapos iniwan na lang nila ako habang kasama nila yung bago nilang pamilya. I don’t know what to do with my life after that. And Manang didn’t leave me. At nakilala ko si Angelo. He was my only friend. Pareho kaming maraming pinagdaanan sa buhay. It was like finding a shelter and a shoulder to cry.”

         Nakikita kong pinipigil niyang mapaluha but his voice sounds like starting to tremble.

         “Then He (GOD) takes him away from me. Nawala siya. My family and my bestfriend, they’re all gone. There’s no reason to be a good person! I’m angry. Galit ako sa KANYA (GOD)!”

        Tumutulo na yung mga luha niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

           “JM. Hindi mo kailangang sumuko sa buhay. Alam ko, sobrang pait at galit ang nararamdaman mo ngayon. Dahil ‘yan sa mga kabiguang naranasanan mo. Pero JM, hindi ka naman nag-iisa. Nandyan pa yung mga taong nagmamahal sayo. Yung mga taong hindi ka iniwan kahit kailan. Katulad ni Manang Lucia at ng ate Ehlee mo.”

             “At.. sigurado akong hindi iyan ang gusto ni Angelo na mangyari sayo. Naniniwala akong ginagabayan ka niya hanggang ngayon at ayaw niya ng nangyayari sayo.”

            Tumingin siya sa mga mata ko. Na conscious ako pero alam ko, kailangan niya ng mga sasabihin ko. Nag-ipon ako ng lakas habang nararamdaman ko ang panghihina. Matinding kulay ng orange ang sumisilay sa buong kwarto mula sa bintana.

         “JM, lahat ng mga bagay na naranasan mo, gawin mong lakas yun para maging matatag ka, hindi para masira ang buhay mo. May mga nagmamahal sa’yong maaring masaktan mo at hindi mo mapansing pati sila nawala na sayo. This is not a perfect world. Not a perfect life. Life is almost always unfair but, Life Loves the person who dares to live it.”

 ..

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon