Sixth Day--- BOOM!

628 17 1
                                    

                                            (WEDNESDAY)

                         WOW! May ibon sa bintana ng kwarto ko? At kumakanta pa siya. Sa sobrang tuwa ko eh masiglang bumangon ako. Ay! Lumipad na! Hayss. Pero okay lang. Masaya yung gising ko ngayon. Isa pa school fest na!          ^_^

                        Dumungaw muna ko sa bintana. Ang ganda ng umaga. Napatingin ako sa apartment ni Angelo. Bigla kong naalala yung kagabi. Tss. No! Erase Erase! Si President, este Terence babawi daw siya. AH Teka! Pano siya babawi eh schoolfest ngayon at siguradong busy siya.

                        Nakangiti akong tumayo sa harap ng pinto ni Angelo. Nauna ako sa kanya ngayon. Haha! Mag iisang minute pa lang ata ako eh lumabas na siya.

                         “Ah… Ems! Go.. Good Morning!”  and he’s standing in front of me, with his sky blue checkered long sleeves and shiny pitch black jeans. I’m stunned. Choz! Dota ang peg? Nasta-stun?

[Syemays na naman! Lumipad na naman yung isip ko!

‘Di ka na ba mapipigilan?????]

Bigla siyang lumuhod sa harap ko at..

            “Ems. I think about this all night at sigurado na ko.”  Kinuha niya yung isang box na nababalutan ng ginto. Binuksan niya at.

[...]

          “I.. I do!”    sigaw kong kinikilig ng pa-clockwise!

                                   (pa clockwise??? Panu yun?)

                        Natauhan ako bigla at..

                          “ah. I do! I mean.. Oo! I do..have a good morning. Good morning too. Wish you do too. Hehehehehe!”   mukha kong eng eng habang sabay na kaming lumakad. Ano ba naman kasing pinagsasasabi ko? Tsaka I wish you do too? Nu yun?

                          Malapit na kaming pumasok sa school pero mula kanina hindi pa kami nag-uusap. Ilang beses kaming nagkatinginan pero mabilis na umiiba ako ng tingin. Kahit tahimik lang na ganito, di ko maintindihan yung tibok ng puso ko. Tatawid na sana kami nang..

                        “Wait!”  sigaw ng isang babae. Pamilyar siya. Ah. Siya yung isa sa mga kasama ni Zhairah.

                        “Ikaw si Angelo di ba? I’m Nessy. Kasama ni Zhaira. She wants to see you now at her house. If you please, I need to go now.”  At umalis na yung babae. She wants to see you at her house? Chosera yun ah! Chos!  I look at him. Yumuko siya at..

                        “Ems.. Is it -------”

                       “Okay lang, Angelo. I’ll be fine.”  Nginitian ko siya.

                        “I promise, I’ll be back before sunset.”  Nginitian ko ulit siya as I walk inside.

                          Pag talikod ko, nalungkot ako. Hindi ko alam kung umalis na siya o nandun pa. Pinipigilan ko lumingon. I should be happy kung nagkakaayos na sila. For Angelo to have the reason again to survive. Pero hindi lang dahil sa first love na yun, kundi para sa Mama’t Papa niya.

                          Nakita ko si Lee at Mei na hinihintay ako sa may hallway. Ngumiti ako at lumapit na sa kanila.

                          “Ems!!! Buti dumating ka na! Excited na ko sa mga event!!!”  tuwang tuwang sabi ni Mei. Tinignan ko si Lee. Tss.. Tulog pa ata nang nakatayo. Haha!

                          Nagulat kaming tatlo nang…

                         “Hello Ems! Hello din sa inyo!”

                           Kaming tatlo------->>>>     O___O

                         Malay ba naming inimbita dito ang Disney Character na si Mickey Mouse! Ang bongga naman ng fest! May mga mascot talaga. Teka, alam niya pangalan ko. Di kaya..

                          Unti-unting tinanggal ng nilalang na ito ang kanyang head mascot. Tama nga ako. Si Meekie.

                       “Ems! Sama ako sa inyo! Pwede ba? Pleaseeeeeeee…” naglulumuhod at halos masubsob na pagmamakaawa ni Meekie.

                       “Oo naman Meekie. Ang bongga ng costume mo ha? Totoo palang nagpaggawa ka. Pero sigurado ka bang sasama ka samin ng ganyan yung suot mo?”

                  “Ha??? Bakit? Okay naman ah? Ang cute cute nga eh.”   ;3

                 “Oo. Oo. Oo Cute! E kaso lang Meekie, akala ko nag extend yung Ilog Pasig dito sa school dahil sa tindi ng pawis mo. Tignan mo namumula ka din. Ang init init nyang costume mo eh.”   Nag-isip siya at…

                      “Sige na nga. Magpapalit na ko. Hintayin nyo lang ako ah!”  at nagpalit na nga siya ng damit.

Hours went by.. (Chos! English talaga?)

                       Ang daming booth na nakapaligid. Ang dami ding mga students at teachers na nagkalat. Ang saya saya ng schoolfest ngayon.        ^u^ 

                      “Tignan mo, Ems! Bowl of Destiny booth! Maki bunot din tayo!”  hatak ni Lee sakin. Bowl of Destiny??? Ano ba tong pupuntahan namin? Bowl talaga? So kelangang muwiwi o pumupu para makita yung Destiny? Ganon ba yun?  Ekkk!!!

 ..

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon