Seventeenth Day--- Bad Guys Tease

503 13 1
                                    

(Sunday)

                 “17, 18… and 19!!!”  yes! Natapos ko na rin yung paggagawa ng 19 leaves decoration!

                 Isinabit ko sa kwarto ko yung labing-siyam na hugis dahong papel sa kisame ng kwarto ko.

                “17th day na pala. Dalawang araw na lang.”  nagpunta ko sa harap ng salamin at nag-ayos.

             “Hi ems. Malapit na. Pero hindi mo pa rin nahahanap ang para sayo. Sino ba talaga siya? Nasaan ba siyang lupalop ng mundo? O, meron ba talagang para sakin? Sabi naman nila meron daw kaya nga ako may misyon eh. Imposibleng misyon.”

             Patuloy ko pa ring kinausap yung sarili ko sa harap ng salamin.

               “Pero kung hindi ko man siya makita, sobrang masaya ako sa pagkakataong binigay sakin. Madami akong nakilala at nalaman kong may mga taong pwedeng makipagkaibigan sakin. At na nagparamdam sakin ng hindi ko maipaliwanag na saya. Pero ayun, lumayo ako sa kanya. Natatakot kasi akong mahulog. Mahulog sa isang lugar na alam kong walang sasalo sakin.”

Sa labas ng malakanyang este sa bahay nila JM..

            “Alam ko, dapat maging masaya ako sa mga huling araw na to pero nandito na naman ako sa bahay ng masungit na yun. Hayss pero mabuti na rin yung nakagawa ako ng mabuti na maging mabait siya ulit bago ako mawala. Para naman kahit papano, may nabago ako. May nagawa ako.”

             Napabuntung-hininga na naman ako nang bumukas yung gate.

              “Ems! Pumasok ka, dalian mo.” Bungad ni Manang.

           Agad-agad? Bakit naman kaya?

           “Ay palabas na si JM! Dali, pumasok ka na sa kotse niya!”  tarantang tulak ni Manang sakin sa kotseng nasa tapat ng gate.

         “Teka, Manang,, bakit po? A..ano po------”

        “Dali, Ems. Samahan mo siya sa pupuntahan niya. Sigurado akong makikipag-away na naman siya.”  Ha? T..teka? makikipag-away?

         Pumasok ako sa backseat at yumuko.

       Juice mio! Hindi ko akalaing gagawin ko to!

         Maya-maya naramdaman kong umandar na tong sasakyan.

      “Aray!” sus! Nauntog pa ko! Ang bilis naman niya kasing magpa andar! Tinakpan ko yung bibig ko.

        Ano ba, Ems?! Wag kang maingay!

          Waahh!!! Sa totoo lang ang init-init dito! At ang sakit na ng batok ko kakayuko.

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon