Kinakabahan ako. Naglalakad ako at nasa may plaza pa lang ako. Bakit kasi walang dumaang sasakyan? Malapit nang mag sunset. Hindi ko namamalayan ang oras pag kasama ko ang mga kaibigan ko. Hindi pwedeng himatayin ako dito o sa kung saan. Dapat sa lugar na walang tao.
Lumingon ako sa paligid. May mga nagtitinda sa may kabilang dulo ng plaza. May mga namamasyal na pamilya. May mga estudyante din na naggagala. Schoolfest naman kaya ayos lang kung pumasok o hindi. Naalala ko yung park sa dulo ng plaza.
Tama! Dun na lang ako. Pero kailangan kong magmadali.
Mabilis akong tumakbo sa daan papuntang park. Lumingon ako sa likod para tignan kung may nakakakita sakin.
“Kailangan ko na lang magtago sa likod ng puno.” Nakarinig ako ng yabag. Lumingon ako at may nakita akong tumatakbo palapit sakin.
“Hoy!!!” sigaw nung boses.
Tamang-tama, madilim dito sa likod ng puno. Nagtago ako at sumilip para tignan kung sino yung humahabol.
Malapit ko ng makita yung papalapit ngunit lumabo yung mata ko kaya’t hindi ko makita yung mukha niya. Ang alam ko lang, isa siyang lalake. Nanghina na ako.
S..si Angelo kaya siya?..
Tumigil ka nga Ems! Hindi ko dapat asahang siya yun.
Huminto yung yabag at nakita kong nakatayo na ang lalake sa harap ko. Lalong dumilim yung paligid ko at..
“Huli ka!”
Di ko alam kung anong nangyari pagkatapos dahil tuluyan na kong nawalan ng malay.
Ilang minuto ang lumipas at..
Inaasahan kong nasa park pa rin ako pero nakahiga ako sa puting kama. Nasa clinic ako.
“Mabuti naman at gising ka na. Napagod ka lang ng husto kaya ka hinimatay.” Sabi nung Nurse.
“Nurse, sinong nagdala sakin dito?” sino nga kaya yung nakakita sakin. Salamat sa kanya.
“Ah. Pasensya na pero ayaw niyang ipaalam sayo.”
Ay? Secretive? Sino naman kaya yun? Tinignan ko yung oras.
7pm
“Salamat po. Aalis na ko.” Paalam ko sa nurse.
Mabilis naman akong nakahanap ng sasakyan di tulad kanina. Pagkababa ko sa harap ng bahay namin, napansin kong nakabukas yung pinto ng apartment ni Angelo.
Nakatingin pa rin ako habang binubuksan yung gate namin.
Nagulat ako dahil lumabas siya.
Nagkatinginan kami ng matagal. Tila nais kong lumapit sa kanya pero pinigilan ko yung sarili ko. At ang mga mata niya. Katulad pa rin nung una kaming magkita. Hindi ko mapigil yung tibok ng puso ko. Pero kailangan kong iwasan to. Nag-iwas ako ng tingin at dali-daling pumasok. Dumiretso ako sa kwarto ko at..
“Hindi ko alam na napakahirap gawin nito. Gustong gusto ko siyang lapitan. Sa bawat oras na hindi ko siya nakikita, parang nawawalan ako ng ganang maging masaya. Sa kanya ko lang naramdaman to. Pero…Apat araw na lang naman na ang natitira simula bukas. Mawawala na rin ako. Mawawala na rin ang nararamdaman ko pagkatapos ng lahat.”
Walang buhay na nagpalit ako ng damit. Nagulat ako dahil may bumagsak na isang bagay.
School I.D.
San nanggaling to? K…ka …Kanino to?
Jhan Miguel Rivero
BINABASA MO ANG
19 Days To Find You (Completed)
Romantik"May mga bagay na hindi natin inaasahan. Na sa isang iglap pwedeng magbago yung takbo ng buhay natin. Malungkot man o masaya yung pagbabagong yun, tiyak may aral na matutunan ka. Totoo man o hindi, may mensaheng ipinapadama. Sana lang, hindi pa huli...