Second Day - Davis, peace ^_^vvv

813 18 1
                                    

                                  “Oh, very good. Nandito na pala kayo.” Bati ng masungit na librarian. Hindi Ma’am, Hindi kami to. Multo namin to. Kaloka. Hahaha!

                                    “Ikaw, Emsy Navarro, will wipe EACH book and shelves. At ikaw naman, Mr. Davis, the very good son of Mr.Tejano will arrange the books into its proper order.”

                                   Huwaaat!!! EACH book??? As in isa-isa??? Uwaaah ang dami nun pagkatapos siya arrange lang? That’s so unfair!!!!! Teka, Mr.Tejano? Ah kaya pala pamilyar yung aplido niya. Anak pala siya nung mabait na businessman na taga dito samin. Seriously? Anak siya nun?

                                   At ngumiti sakin yung asungot. Actually, it was a grin. Ngiting aso. Ahhh!!! Just 1 day ems. I can do this. And after this, back to my mission na.

                               “Mag start na kayo, or I’ll call our principal. I’m gonna leave you here at babalik ako mamayang 3pm. Dapat ayos na lahat. Okay, bye.” Huwaatt??? Kami lang maiiwan? (Ai ano ba ang bingi ko naman ata sa kwentong to.)

                                     Mabilis siyang pumunta sa unang row ng books sa first shelf na nakita niya. Kinuha ko yung pang wipe sa may tabi ng shelf. Sinimulan ko na lang din linisin yung mga books na naaarrange niya na kaya magkalapit lang kami. Ang alikabok ng ibang books. Napansin kong naubo siya nung aksidenteng napagpagan ko yung mukha niya. Iniisip ko kasi yung sinabi ni Angelo kaya lumilipad yung isip ko. (Sosyal di ba, may pakpak nakakalipad??? XD) pero atleast nakaka 5 shelves na kami.

                                    “Ah.. I’m sorry.” Sabi ko sa kanyang nakayuko. Nakakahiya pa rin naman kasi ako yung may dahilan kaya siya inubo. Wala akong nadinig na reaksyon. Kaya tinignan ko siya. Ehhhhhhhhhh!!! Inuubo siya. Mukhang nahihirapan siyang huminga!

“*cough cough* Ems.. Di ako makahinga. *cough cough*. Ahh.”

                                  “Davis!” anong gagawin ko? Napaupo na siya. Natataranta na ko. Hirap na hirap siyang huminga. It’s my fault.

                                     Lingon ako ng lingon nang makita ko si Manong Guard. “Davis sandali hihingi ako ng tulong kay Manong.” Tumakbo talaga ako kay Manong. Pang Lydia de Vega ang peg ko. Hingal na hingal akong nagsalita.

                                  “Manong.. tulungan niyo ko.. kah kah.. Si Davis.. yung kasama ko po.. kah kah.. Inaatake yata ng hika.”  Buti na lang mabilis na sumama sakin si Manong. Naabutan naming pinipilit tumayo ni Davis.

                                “Manong guard, *cough cough* bukas po ba yung clinic??? *cough*”

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon