“I’m your guardian angel.” Sabi nyang seryoso.
.
.
.
.
.
.
Muntik na kong magslide papunta sa gitna ng Earth.
“T..teka naman. Ano po??? Guardian Angel? Alam ko na! Anong spoof to? Nasa Wow Mali ba ko? Yari Ka??? Asan yung mga camera? Hahahaha! Nakakatawa talaga ako! Hahahaha! ” Para lang akong baliw na nagtatawa sa loob ng restaurant.
Guardian Angel daw naman kasi. Sabagay. Everything here is just a dream. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sakin ng nakangiti lang. Saka nagsalita.
“Totoo yun. Haha! I’ll show you something but first, kumain muna tayo.” Nakangiti pa rin siya.
Dumating na yung waiter at sinerve lahat ng inorder niya. Ang gaganda ng mga dessert. Kumain na kami at paminsan minsan tumitingin ako sa kanya. Nakangiti siya palagi akong nahuhuling nakatingin sa kanya. Psychic nga ata to. Ay guardian angel nga pala sabi niya. Ehh?
Natapos na din kami. Salamat naman. Busog na busog na ko eh. At napakasarap ng pagkain. Parang nasa heaven. May guardian angel pa. hahaha! Ifi-feel ko na lang tong panaginip na to. Haha!
“Will you close your eyes for a minute, Emsy? Saglit lang.” sabi niya na nakangiti pa rin. Bakit ba hindi yata siya nauubusan ng ngiti? Baka endorser siya ng sikat na toothpaste. Ganda ng smile niya eh. ^_^
“Ah.. ehh.. okay.” Ako naman pumikit. At bago magsara yung mata ko nakita kong palapit yung kamay niya sa mukha ko. Juice ko po (Mango) Bakit??? Oh well manahimik na lang tayo.
Madilim.
Lumiwanag.
Daan. T..teka ako yun ah? Yung nasa likod ng tricycle? Nakikita ko yung sarili ko. Lumulutang ako!!! Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Si Angelo.
“Tignan mo.” Tinuro niya yung sinasakyan ko.
Huminto yung mga sasakyan dahil sa traffic. Dire-diretso yung truck ng hollow blocks na kasunod namin. Nakita kong natataranta yung driver. Lumakas yung kabog ng dibdib ko sa bawat nakikita ko.
Saktong huminto yung truck ngunit nalaglag ako bago pa yun humito kaya nasagasaan ako. Sa ilalim ng truck. Ang daming nagsigawan. Bumaba yung ibang mga tao. Si Mei at Lee, nagmamadaling bumaba at umiyak sila ng umiyak. Di ko napansing tumutulo na rin yung luha ko ng mga oras na yun.
“Ako.. Patay na ko???” tulala at di ko mapigilang umiyak.
BINABASA MO ANG
19 Days To Find You (Completed)
Romance"May mga bagay na hindi natin inaasahan. Na sa isang iglap pwedeng magbago yung takbo ng buhay natin. Malungkot man o masaya yung pagbabagong yun, tiyak may aral na matutunan ka. Totoo man o hindi, may mensaheng ipinapadama. Sana lang, hindi pa huli...