Sixteenth Day--- He's the finish

520 13 0
                                    

                 Napakaganda ng garden na ito. Para akong nasa engkantadong lugar na puno ng mga iba’t-ibang kulay ng bulaklak. Nagtatayugan din ang masisiglang puno. Mapapansing tuwang tuwang lumipad ang mga paru-paro sa mga halaman. Paminsan-minsan ring umiihip yung hangin na nagpapakalma sa bawat madadampian. Kasabay rin ang mga ibong nag-aawitan sa malayo na tila nagpapahiwatig ng damdamin sa isa’t-isa.

 (in short, isa akong nagniningning na nilalang sa mundo ng engkantasya. Choz! Sorry! Nasira naman yung pagdedescribe ko dun haha!)

            “Simula pa nung pagkabata ni JM, ako na yung kinuhang yaya ng Mama’t Papa niya. Naalala ko pa nung 8th birthday niya nung dumating ako. Napakamasunurin niya at hindi siya katulad ng ibang batang makulit. Lage pa niyang binibigyan ng sulat ang mga magulang niya kahit simpleng okasyon lang. Ang tawag niya ng sakin dati eh, Nanay.”

        Kitang-kita ko yung kislap sa mga mata ni Manang. Binuklat niya yung isang photo album sa harap ko.

        “Tignan mo yung mga litrato niya nung maliit pa siya. Lage siyang nakayakap sa Mama at Papa niya.”

        Unang-una, hindi ko alam kung saan galing ang photo album. Wag niyo kong tanungin dahil hindi ko rin alam! Haha! Ganyan yata talaga pag drama at story-telling ang peg, may lumalabas na lang biglang album na hindi naman hawak kanina!      XD

             Ang cute cute ni JM nung bata pa siya. Makikita yung mga litrato na lage siyang nakangiti dahil nakayakap siya pareho kila Mama niya.

          “Hanggang sa nagbinata na siya. Sa unang taon ng high school pa nagsimula ang lahat.”  Tumingin ako kay Manang na halatang lumungkot yung mukha.

           “Nahuli ng Mama niya na may babae ang Papa niya. Matagal na pala sila nung kabit kaya sobra-sobrang galit yung naranasan ng Mama niya. Lage na silang nag-aaway simula nun. At ang nakakabigla pa, naghiganti yung Mama niya at nakikipagkita naman ito sa lalakeng kababata. Madalas na binubugbog ng ama niya ang kanyang ina ng nalaman yun. Sa lahat ng nangyari, hindi umiyak man lang si JM sa harap ng mga magulang niya.”

               “Hindi po umiyak?” b..bakit? naiiyak na yata ako sa kwento ni Manang.

               “Oo. Hindi siya umiyak sa harap ng mga magulang niya. Nagpanggap siyang ayos lang siya at umaasang magkakaayos pa sila Mama’t Papa niya. Pero tuwing gabi, naririnig ko siyang sinusuntok yung pader sa attic, ang takbuhan niyang lugar tuwing mag-aaway sila Mama niya. Pagkatapos nun ay ang mahihinang hikbi na nakadudurog ng puso.”

                 “Ako yung laging nag-aayos ng sugat niya sa kamay at pinaglalabasan niya ng lungkot. Hanggang sa tuluyan ng maghiwalay yung mga magulang niya, at heto dito siya tumira kasama ng Ate Ehlee niya, anak sa labas ng Papa niya para suportahan siya sa lahat. Mabait si Ehlee, at hindi niya rin gusto ang nangyari sa mga magulang nila. Mabait si JM kaya maayos silang nakatira dito ni Ehlee. At nagtatrabaho si Ehlee sa Paris ngayon kaya kaming dalawa na lang ni JM ang nandito.”

       “Pero… b..bakit po siya naging ganun kasalbahe kahit kanino?”

           “Hindi pa tapos ang kwento, Ems.”  Ay sorry naman po pala.

              “Nagkaroon siya ng bestfriend sa school. Naging malapit sila at dun ko ulit nakita yung mga ngiti ni JM. Hanggang sa magcollege, magkasama sila. Dumating yung araw na naaksidente yung bestfriend niya at namatay at duon ko din ulit nakita yung lungkot sa mga mata niya. Inalo ko siya pero nagulat ako dahil nag-iba yung mga mata niya pagkatapos nun. Nalaman ko na lang na nakikipag-away siya kahit kanino. Hindi niya na ko kinakausap tungkol sa mga problema niya pero sigurado ako, mabuti pa rin siyang bata.”

             Nakita ko yung tumulong luha ni Manang pagkatapos niyang magkwento. Hinawakan niya yung kamay ko at..

              “Ems, naniniwala akong kaya mo siyang pabalikin sa dati. Na pigilan siya sa ginagawa niya. Ipakita mo sa kanyang kahit ganun ang mundo, may mga taong nandito pa rin para sa kanya. Na magiging malakas siya sa sarili niya. Na darating yung panahong maayos ang lahat at sasaya siya.”

             “A..ako po?”

..

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon