Third Day LOVE YOU^ LOVE ME?

701 17 0
                                    

                              Nakaupo na ko nang magdilat ako ng mata. Nakita ko siya, nakatingin sa kin. Napatitig pa ko ng konti bago magising sa katotohanan.

                              “N..nasan tayo, Angelo?” ginala ko yung mga mata ko. (o di ba ang sosyal may paa naman ngayon yung mata ko, nagawa pang maggala!)

                              “In my room. Ems, are you okay?” naaalala ko yung nangyari kanina. Hindi ko makakalimutan yun. Yung mga masasakit na salita na sinabi ni Macky at nung mga kasama niya. Mga salitang totoo.

                               “I’m sorry ems. Kung mas maaga lang sana akong lumabas, sana naiiwas kita sa--------”

                               “No, Angelo. You don’t have to say sorry. Sa tingin ko tama naman sila. Ako talaga yung umasa agad. Nagpakatanga ako, na dapat napansin ko yun una pa lang na niloloko nila ako. At napatunayan nga nila yung sinasabi nila na wala namang magkakagusto sa katulad ko.”  Di ko na naman mapigilang maiyak.

                              “Hindi yan totoo ems. You shouldn’t believe in just one experience. Dahil malawak ang buhay. You deserve the love you’ve been searching for. It’s just that there are people that may fail you. But please, don’t lose hope. I’m here. We’re here. Mahal ka namin. Tanggap ka namin kung sino ka. At sigurado akong nandyan pa yung iba. Padating pa lang.”

                                 “Salamat. You’re always there for me. Siguro kung di kita guardian baka unang araw pa lang e isinuko ko na yung misyong to. Salamat.”  Sobrang gumagaan yung loob ko kapag kasama o kausap ko si Angelo.

                               “I really have to say this, ems. I want you to know who really I am.”  Anong sinasabi niya? Naguguluhan ako. Napaka misteryoso niya. Tumingin lang ako sa kanya at nag aantay ng sasabihin.

                               “The truth is.. I’m just your guardian. Not entirely an angel but maybe soon. I’m also a dead soul. Pareho tayong namatay in an accident. I was given a choice if I were to live and continue my life or vanish forever. I chose the second one pero eto, binigay sakin tong pakakataong maging guardian mo para mapag-isipan ko daw ng mabuti yung desisyon ko.”

                            Napatulala lang ako. Ang dami ko ngang hindi alam. Soul siya, kapareho ko. Same fate but different lives.

                             “Bakit mo pa kailangang pag-isipan, Angelo? Ayaw mo bang mabuhay pa? Ikaw ang nagsabing I should not lose hope and I deserve to live. So as you.”

                            “No, Ems! You don’t understand. I’ll make my decision in time.”  Bakit pa pag-iisipan niya?

                          “But how can I even understand if hindi ko alam ang tungkol sayo?”

                          “Hindi ko alam bakit ako yung binigyan ng utos na to samantalang nakapagdecide na ko. My life is all about misery. My parents died in front of me at my seventh birthday, the first downfall of my life. After that, I’m just a lifeless corpse. And the second one is when my first love killed my heart. Pinagpalit niya ko, hindi niya na ko mahal. Is there any reason para bumalik pa?”

                      Hindi ko alam kung pano ko magrereact sa mga sinabi niya. Kitang kita ko yung mahigpit niyang pagpipigil ng luha habang nagkukwento. Pero nakaisip ako at..

                          “Yes. Angelo, para sakin, yes.”

                         Nag-angat siya ng tingin sakin at..

                           “You deserve to live again, Angelo. You’re the nicest person na nakilala ko. Napakabuti mong tao. You are wonderfully made by your parents. Hindi ko man alam yung nangyari sa mga magulang mo but I’m sure sobrang proud sila sa’yo kasi they have a very good and loving son. And every parent never wants their son or daughter to live a worst life. At sigurado din ako na gusto ka nilang mabuhay. They love you so much that they want you to be strong to face this cruel world.”

                           Di ko maintindihan yung sanhi ng pag luha ko, at sa biglaang pangyayari, niyakap niya ko. Nararamdaman ko yung lungkot at pangungulila niya sa mga magulang niya na mahal na mahal niya. Yung pagdantay ng braso niya at mahinang hikbi na naririnig ko ay parang tumatagos sa dibdib ko.

                          “Sobra.. sobrang namimiss ko sila, ems. Mahal na mahal ko sila.” Nanginginig niyang sabi habang yakap pa rin ako.

                          “Alam ko, Angelo. At alam na alam nila ngayon yun dahil sigurado akong hindi sila tumigil sa pagbabantay sayo.”

..

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon