Seventh Day--- The Vision

569 17 0
                                    

                                            (THURSDAY)

                         “Mame!”  pababa ako ng hagdan at nakita ko si Mame sa kusina kaya tinawag ko.

                          Hindi lumingon si Mame. Hindi siguro ako narinig. Gugulatin ko na lang. Hahaha!

                          Dahan-dahan akong pumunta sa likod ng fridge. Hihi! Tinignan ko si Mame. Nakatalikod siya at naghihiwa ng mga gulay. Ba’t ang bagal yata ni Mame maghiwa ngayon? Pag naghihiwa siya eh kala mo kasali sa Master Chef pero iba ngayon.

                         Pinagmasdan kong mabuti yung mukha ni Mame nung nagside view siya. Umiiyak si Mame! Lalabas na ko sa likod ng fridge nang…

                TOK

                TOK

                TOK

                 !!!!!!

                        Mabilis na nagpunas si Mame ng luha. Nag-aalala ako. Ano bang nangyari? Sinundan ko si Mame papunta sa pinto pero hindi niya pa rin ako napansin kahit halos patakbo ko siyang sinundan.

                      “Hello po.”  Si Lee at Mei!

                      Kinawayan ko sila at nakangiti ako ng todo. Ba’t kaya sila nandito? Pero bakit ganun? Di rin nila ako pinansin? Isa pa, mukhang mga pinalayas ata tong mga to sa lungkot ng mukha.

                    “Lee! Mei!”  tawag ko sa kanila habang pinapasok sila ni Mame sa sala. Lumapit ako kay Mame at hahawakan siya sa braso para sabihing nandito naman ako noh. Pero..

                   Tumagos yung kamay ko!!!

                   Kinabahan ako ng sobra sa nangyayari. Lumingon ako kay Lee dahil nagsalita siya,

                    “Tita. Pupunta po kami kay Ems. Magdadala po kami ng bulaklak sa puntod niya. Gusto niyo po bang sumama?”

                   Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanginginig ako at isa-isang bumagsak yung luha ko.

                      “Hindi! Sandali! A..anong nangyayari?”  napahawak ako sa braso ko at paupong pumikit at humagulgol.

                       Patay ba na talaga ako?

                       “Hindi!!!”  umiiyak na nasabi ko ng mapadilat ako at umupo sa kama ko.

                       Napansin kong nasa kama ko ako. Nananaginip lang pala ako. Napansin kong may luhang bumagsak.

                        Niyakap ko yung sarili ko at…

                      “Natatakot ako. Natatakot akong dumating sa oras na iyon. Ayokong mawala. Ayoko.” Pinigil kong maiyak.

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon