3rd Wing: Kidnap? No. Hero

1.3K 27 0
                                    

“Be with me. Please.”

Tse! Este weh? Eh?

Love story? O baka nananaginip na naman ako at male-late ako sa school pagkagising ko. Syemays naman oh. Di nga? Tulog pa ko? Heller? Ako aayain ng mala-prinsipeng nilalang sa mala-action scene na pangyayari? Hindi talaga to totoo. Imposible. At naisip kong sampalin yung sarili ko.

Aaahhhh!!!!! Sigaw ko.

Oo, nabitaw ako sa hawakan at muntik na malaglag kung di lang ako sinalo nitong lalakeng nakamotor na nagmamay-ari ng mala-anghel na mukha – in short, perfect!

At eto nga, para talaga tong action wahahaha! Nabuhat niya ko habang umaandar yung motor niya at nailipat sa likod niya. Well, sige panaginip naman ito di ba? Posible. Fantasy. Pero bakit parang hindi. Parang totoo? Ang gaan ng pakiramdam ko. At iniliko niya yung motor. At ako, eto wala pa rin sa sarili. Anyayare ba? May eclipse? Earthquake? Tsss patay end-of-the-world na to.

Hindi ko alam san kami papunta pero nasa main highway na kami nang mabalik ako sa sarili ko dahil nagsalita siya ulit.

“Hey, are you ok? I’m Angelo.”

Nataranta ako. Teka ano daw? Angelo? Wow naman. Bagay na bagay sa kanya. Eh. Teka ano ba ginagawa ko? Kinindnap ba ko? Naguguluhan ako!!! Wala ko masabi.

“Hey, I’m sorry. Hindi kita kinidnap. Haha!  So don’t worry. I just want to be with you, Emsy. So please speak. Magsalita ka naman.”

Ano daw? Ano ulet? Sorry naman nakakabingi kaya. Sino ba namang di mabibingi sa lakas ng kaba sa dibdib ko. Emsy daw? At kinidnap? Kaya niya ko I mind-read? At alam niya name ko? Kilala nya ako??? Sino ba siya? Nakakapagduda.

“Sino ka ba? B.. bakit mo ko sinama?   S..san mo ko dadalhin..? Saka..   Saka ….  B.. b..bakit ako?” Nanginginig kong tanong sa kanya.

“Gusto mong malaman? Wait, let’s stop at the first resto na makikita natin. I’ll explain everything.”

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon