Seventeenth Day--- Bad Guys Shout

488 13 0
                                    

                 Sigurado ako, huminto na kami. Hinintay ko yung pagsarado ng pinto ng kotse. Dahan-dahan akong sumilip at nakitang wala na siya. Pero, Oh my! Nalock kaya ako sa loob?!

               Nilingon ko yung buong lugar. Parang malaking bakanteng lugar to ah. Parang bodega.

                Sinubukan kong buksan ang pinto.

              “Ha? N..nakabukas pala?”  nakalabas na ko ng kotse.

             “A..a.nong lugar ba to?”  lumingon ako sa paligid.

              Naglakad-lakad pa ko at ang daming mga kahon at kung ano-anong lumang mga gamit yung nandun. May narinig akong mga yabag. Dali-dali akong nagtago sa likod ng kabinet yata to.

            Isang lalakeng naka itim at naka itim na shades din ang huminto at may tinawagan.

           “Nandito na siya, Boss. Nandun yung sasakyan niya… Opo… Wag po kayo mag-alala, hindi niya alam na madami tayo… Sige po.”

           Ha? Aa..nong ibig niyang sabihin? Madami sila?

          Patago kong sinundan yung lalakeng naka-shades. Nagpalipat-lipat ako sa mga gamit. Grabe! Kinakabahan ako sa ginagawa ko! Pag nahuli nila ako, patay! Pero isa lang ang alam ko. Delikado yung sitwasyon ni JM.

        Umalis na yung lalake at lumabas ako sa may cabinet. Malakas talaga yung kutob kong malapit lang si JM. Naglakad pa ko ng maingat at nakita ko na siya.

          “JM!” tinawag ko siya.

        Nagulat siya nung nakita niya kong papalapit sa kanya.

        “Anong ginagawa mo dito?! Pa..panong?” humarap siya.

       “Ipapaliwanag ko sayo mamaya lahat. JM, kailangan na nating umalis dito.”

      “So tama nga, sumakay ka sa kotse ko at ikaw yung narinig ko dun! Ano ba talagang gusto mo?!”  medyo mataas na yung boses niya at nagulat ako sa reaksyon niya.

       Natatakot ako sa kanya ngayon dahil nakikita kong naiinis na siya. Narinig ko yung mga yabag palapit samin.

         “Dumating ka nga. T..eka, sino yang kasama mo?”  nakaturo sakin yung lalakeng dumating.

         Napalingon ako sa nagsalita. Isang lalakeng muhang maangas na naka black jacket ang tumambad.

          “Mukhang di ka tumupad sa usapan natin. Nagsama ka.” Lumingon ako kay JM.

          “Hindi ko siya kasama.Papauwiin ko siya at ituloy natin tung laban nating dalawa.” Nakita kong masama ang tingin sakin ni JM.

        “Sandali, JM. May mga kasama siya. Marami sila.”

          “Haha! Oo, tama siya. At dahil dalawa na rin lang kayo, double dead kayo dito!”

          Mamamatay? Sandali! Uwaahhh!!!

          Lumabas yung dalawa pang naka-itim na jacket na lalake at pinaligiran kami.

        “Tss! Kasalanan mo to. Pumunta ka pa rito eh!” singhal sakin ni JM.

19 Days To Find You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon