Kabanata 1

1K 24 4
                                    

I closed my notes as soon as I saw my friends coming. Si Nina at si Sophia. I smiled at them and laughed. Medyo gusot gusot pa ang uniform ni Sophia. Naka burda pa sa kanyang necktie ang 3rd year HS tanda kung anong level na kami.

"Oh! What's with that face?" I asked them. Busangot kasi ang mukha nila. Hinawi ni Nina ang kanyang mahabang buhok papuntang likuran. Her diamond expensive watch shinned as the sun reflected its rays on her wrist.

"Hindi naman kami nainform na mandatory pala ang pagattend sa basketball games ng 4th year!" Pagrarant ni Sophia.

"Mandatory? Kelan pa?" Tanong ko pabalik. Nag absent kasi ako kanina kaya kung ano man ang sinabi sa kanila kanina ay hindi ko alam.

"Hindi, semi finals na kasi. Sa Notre gaganapin yung laban. Kailangan ng mga cheerers." Saad ni Nina. Napangiti ako ng malapad.

"Notre? Madaming gwapo doon!" Maligalig kong sabi. Natawa naman si Nina.

"Ikaw! Puro ka na lang gwapo."

Hindi naman ako sobrang sama kaya pumasok ako sa susunod na subject ko. Medyo inaantok pa nga ako pero pinilit kong labanan yung antok ko. Nung sa wakas ay mag uwian na, nakita kong kausap ni Nina si Cross. Yung kuya niya na higher year. Basketball star player to eh. Ang gwapo gwapo!

"May practice sila?" Napalingon ako kay Sophia na biglang nagsalita sa tabi ko. Naka jersey kasi si Cross tapos nakasabit sa balikat ang sports bag niya. Pumunta sa direksyon namin ang titig ni Cross. Bigla namang tumalikod si Sophia.

"Tara na. Kailangan kong umuwi ng maaga." Tumango at sumunod ako kay Sophia. I need to go home early too. Mamaya na ang dating ng pinsan kong si Jonathan from Hawaii.

Nasa kotse na kami ng mommy and daddy ko. Kami kasi ang susundo kay Jonathan from airport. Habang nasa kotse ay wala akong ginawa kundi magtext.

From: Harvey

Sige na kasi. Ipapakilala mo lang naman ako.

To: Harvey

Susubukan ko. Wait, ikaw ba nagsabi sa mga teachers na mandatory ang pag attend sa semi finals?

Tanong ko sa kanya nung may napagtanto ako. Harvey's one of the star players ng school namin. Bukod sa star player, siya rin ang president ng Supreme Student Government kaya kaya niyang gumawa ng ganitong memorandum kung siya nga ang may pakana nito. Nagpapatulong siya sakin na itulay ko siya kay Sophia. Ewan ko ba dito bakit nagpapatulong pa sakin. Why don't he just go directly to Sophia right?

From: Harvey

Yes ako nga. I want her to watch my game.

"Trish, keep your phone. Malapit na tayo." sabi sa akin ni mommy. Hindi ko na nareplayan si Harvey kaya tinago ko na ang phone ko pero gusto kong matawa sa ginawa niya. Buong highschool body ang inantala niya para lang manood si Sophia ng game niya. Sana ay ininvite niya na lang hindi ba.

Pagkarating namin sa airport ay naroon na nga si Jonathan. Napatili ako nung nakita ko siya.

"Jonathan! I'm happy dito ka na!" maligalig kong sabi. He hugged me back and laughed.

"Good evening tita, tito." bati niya sa aking mga magulang.

"Buti naman at dito ka na. Atleast we have someone na mapagiiwanan kay Trish." natatawang sabi ni daddy. Napanguso ako sa kanila.

"Mom, Dad, I told you you can leave me alone. May mga maids naman. And nung nabubuhay pa si lola parang mag isa na rin naman ako kasi coma naman siya."

Sila mommy and daddy ang nakabase talaga sa London. Ako lang ang nandito kasama si lola. Pero simula nung mamatay si lola, umuwi sila dito. And now, mauubos na ang days sa visa nila and they need to go back. Hindi rin naman talaga sila pwedeng magtagal because their patients needs them. Surgeon ang daddy ko at Anesthesiologist ang mommy ko. Same as Jonathan's parents. Buti na lang mag aaral na dito si Jonathan.

The Playgirl's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon