Masakit ang ulo ko kinabukasan. Bumangon ako paupo sa kama. Isinandal ko ang ulo ko sa headboard.
Fudge, sa sobrang kaantukan ko kagabi ay di na ko nakaligo at nakapag palit ng damit. My phone beeped. Hindi ko muna tinignan iyon. I grabbed for the drawer beside my table. Kinapa ko doon ang gamot na palagi kong iniinom kapag sumasakit ang ulo ko. I drink one tablet saka ko kinuha ang phone ko.
Hinawakan ko ang pattern na hinihingi ng phone ko para maunlock ko iyon. Nakita ko roon ang iilang text. Mayroong galing kay Sophia, mayroong galing kay Nina at mayroong galing sa sekretarya ko. Yung sa sekretarya ko muna ang binasa ko. I opened it.
Hinilot ko ang sentido ko. Hindi raw siya makakapasok dahil nilalagnat siya. Nagtipa ako ng irereply saka ako tumayo. It's 7 in the morning. I still have an hour to prepare and an hour to drive.
I wore white sleevesless strapped style blouse and slacks. Naglagay ako ng kakaunting powder sa mukha ko at red lipstick.
Nagdrive ako papasok. Pagkababa ko ay iniwan ko ang susi ko sa tauhan kong naroon.
"Coffee on my table." bilin ko bago ako pumasok. Tumpok ang papel na nasa mesa ko. Of course, I'm just home from my vacation. May kumatok sa pintuan ko.
"Please." I said. Pumasok ang isa sa mga waiter siguro. Dala niya ang kape ko at ipinatong iyon sa mesa ko.
"Thank you. You may now leave. Tatawag na lang ako pag may kailangan ako." utas ko.
Binasa ko isa isa ang mga papeles. Inuna ko ang mga papers from the companies I shared stocks with. May mga meeting doon na kailangan kong attendan. I approved some, I disapproved most of it. Sinunod ko ang mga papeles galing sa iba't ibang branch ng hotels. I saw minimal problems which can be solved by my branches' general manager. Yung mga malalaking problema, itinake down ko na sa sarili kong memo.
Sinunod ko ang mga resorts. Malapit na ang summer. Kadalasan, kapag summer na, doon ako nagstastay sa main branch ng resorts ko which can be found malapit sa Ilocos Norte.
Nakita ko rin ang mga concerns ng managers lalo pa't nagsisipagtayuan na rin daw ang mga kalabang resorts. I don't care 'bout them. Mine is a 5 star hotel and resort. I'm sure they won't last.
Napatingin ako sa orasan at nakita kong past 1 na. Hindi ko namalayan ang oras. Past 1 na pala.
Inayos ko muna ang mga papers. I still have proposals to check before I'm done for today. Tomorrow's Thursday so I'll have my meeting with the general managers for Luzon's branch. We have 18 branches of hotels and 6 resorts in total. 11 of the hotels and 3 of it were located in Luzon while the rest can be found in Visayas. Wala pa kong branch sa Mindanao and that is my target for this year.
Lumabas ako at pinagtinginan agad ako ng mga empleyado ko. I'm not harsh. Pero pinapanatili ko ang dingding ko.
"Sheila, sa Penthouse ako kakain. May mga guests ba doon?" tanong ko sa isa sa mga front desk ladies ko.
"Good morning CEO! Nasa Penthouse po si Ma'am Sophia."
"Kumain na ba siya?" tanong ko.
"Hindi pa po. Hihintayin niya daw po kayo."
"Okay. Paki dalhan kami doon ng pagkain."
Sumakay ako sa elevator at pumaitaas na. Pag bukas ng elevator ay natanaw ko kaagad ang mapuputing ulap sa kalangitan. I love staying here. Yun nga lang tuwing wala lamang guests. I saw Sophia on one of the table there, writing something. Lumapit ako doon at naupo.
"Why did you wait for me? Sana kinatok mo ko."
Naging routine na kasi namin ang sabay kumain. Well, it's becuase we're bestfriends.
"I know busy ka. Tinambak ka ng gawain. Bakit hindi ka nagrereply?" tanong niya. Inimis niya ang mga gamit niya at binigay sa akin ang buong atensyon.
"Hindi ko na namalayan eh." I uttered.
Dumating na rin ang pagkain namin. Sumimsim muna si Sophia bago nagsalita.
"Bakit ka umuwi agad kahapon? Nalingat lang ako, wala ka na."
"I just didn't like what Nina said. Anyway, lilipas din 'to. Don't ask for further more questions, Soph. I don't want to be stressed."
"Okay. Nabasa mo na ba yung folder na nilagay ko sa table mo? Urgent daw iyon."
Hiniwa ko ang isang piraso ng karne at isinubo iyon bago sumagot. The meat is not well done.
"Anong category yon?"
"Proposal sya."
"Hindi ko pa nakikita. Later, I'll check on it." tumango siya na tila ba hindi kumbinsido sa sagot ko. I wonder what's that proposal is all about.
After that short lunch ay balik trabaho ako. I scanned my email before checking on the proposals. I saw the email of La Casa Vallejo Ilocos Norte. They were asking already if I'm going to be there this summer. Malamang naman.
Nagtipa ako roon na starting Febuary ay duon na ko. Doon ko igugugol ang buong summer ko. Napaisip ako. I have 3 months left. By the end of March, patay na ko. Eh di ba aalis daw siya? I just don't know how I'll deal with him.
Sinilip ko na ang proposals. I saw proposals from different companies trying to invest on mine. Agad kong nilagay iyon sa rejected papers. I do partnerships but I don't do stockholdings when it comes to my company.
Nakita ko ang isang folder na may note sa ibabaw. I think this is what Sophia is talking about. May pirma nya ang note doon.
Sa heading pa lang ay nakitaan ko na iyon na galing pala ito sa Salazar Incorporation. Napangisi ako sa papel na hawak ko. Why does he proposing something he almost rejected the last time I went in his office?
Naalala ko po ang sinabi niya. He wants to know his allies first. He wants me. I'm not dense. I surely know what he meant by that. Is he proposing this to me para makuha niya ko?
Nakita ko ang 5 months free trial doon. Ayon sa contract, he wants to let me see first how the new system will go and if he likes my way, vice versa, we will both sign a 3-year contract. Maybe hindi na ko lugi doon.
Kaya kinabukasan, tinuloy ko ang meeting ko with the general managers. It went smoothly. Nagpatawag na rin ako ng meeting for the boards. I need to discuss to them my decision. Although I am the one who has the final say, I still need to inform them.
"I...got the Salazar Incorporation." pauna ko kaagad na bati sa kanila. Nagsinghapan sila na tila di makapaniwala sa sinabi ko. I smirked.
"Now, Mr. Revalles, I want you to have a meeting with their CFO. I will schedule it soon. Pupunta akong Ilocos Norte on February so I want these clear before I go."
Hindi doon natapos ang usapan. The others discussed their concerns na pinakinggan ko naman. Natigil ang speaker nung may kumatok sa pintuan. My secretary went beside me and handed over an envelope. It smells good actually. Napakunot ako ng noo nung mapagtanto kong pamilyar ang amoy ng papel. It looks like some perfume is sprayed to its envelope.
I quickly opened the envelope, tearing the glued part. I opened its fold. I smirked when I read the content.
Should we have the contract signing later? 6 PM. -ES.
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Game
Fiction générale#LostGirlsSeries First Installment Status: Completed Trish Samantha Adornado has a pure innocent heart, but that was before she got her heart broken. She is determined to have her revenge. She made her heart as cold as ice and as hard as gold. But...