"Grabe talaga, Maam! Alam niyo po ba, pangarap ko ring magkaroon ng hotel? Gusto ko yung nakikihalubilo. Parang ang saya saya."
Pinagmasdan ko si Elrie habang mangha siyang lumingon sa entrance ng hotel. I smiled at her for her innocence. Nararamdaman kong malayo ang mararating niya. Her eyes are filled with burning passion.
"It's good to know na may mga pangarap ka. Diyan nagsisimula ang lahat." nakangiti kong sabi sa kanya. Nilingon niya ko at bahagyang nginitian pero lumungkot rin ang ngiti niya.
"Pero hindi rin po ako mangangarap ng sobrang taas. Alam ko naman po kasi na malabo po akong makapag tayo ng isang hotel. Makapagtrabaho lang po ako sa ganitong hotel, masaya na po ako."
Matapos ang usapan namin tungkol sa pangarap niya, inaya ko nang umalis ang driver na nakaassign samin. He bowed and helped me to sit.
"May gusto ka bang pasyalan, Elrie?" tanong ko sa kanya. She just smiled at me and beemed.
"Gusto niyo po bang itour ko kayo rito? Marami pong magagandang lugar rito!" natawa ako sa pagiging maligalig niya. It's so nice to have someone na ganito kakulit.
Para hindi naman siya mapahiya, I just said yes kahit naman nakapunta na ko sa iba't ibang lugar rito sa Ilocos. Sa byahe, dinaldal lang niya ko ng dinaldal tungkol sa iba't ibang bagay. Kung nandito lang si Sophia, tiyak magkakasundo sila nito.
Una naming napuntahan ay ang St. Paul Cathedral. Bumaba kami ng kotse at agad akong hinatak roon ni Elrie. The smile in her face shows how happy she is.
"Alam niyo po ba, pangarap ko ring ikasal rito!"
Napapatitig ako sa puting simbahan na ito. Alam mong luma na siya dahil sa istraktura niya. Sa kanan nito ay parang isa pang istraktura kung saan nasa pinakataas nito ang kampana. The grasses surrounding the church is really green and lively.
Pumasok kami sa loob ng simbahan. May kung anong alaala ang bumalik sa isipan ko but I chose to shove it away. Ayoko namang maging badtrip ang araw na ito.
"Maam, sabi nila kapag raw first time mo po sa simbahan, mag wish ka daw po." napangiti ako sa kainosentehan ni Elrie. I don't want to ruin how she believe in those but not for me anymore. Matagal na kong nagising sa katotohanan. If you want something to happen, you don't have to wish for it anymore dahil by hook or by crook, you know you'll get it.
Sunod naming tinungo ay ang Baluarte. Ewan ko ba pero para rin nga talaga akong bumabalik sa pagkabata. Sa zoo naman talaga kami napunta ngayon.
Tuwang tuwa kami parehas sa mga nakikita namin. Maya maya, napansin kong nagiba yung mood niya. From jolly to indifferent na lang. She's also fidgeting with her phone.
Niyaya ko muna siya sa isang stall ng pagkain. I bought some hotdog and drinks habang siya naman, parang malungkot na.
"Hey, may nangyari ba?" I asked her. Para naman siyang natauhan at ngumiti sa akin.
"Wala po." She lied. I shook my head.
"So... sino ba yung nagtext? Mukhang may nangyareng di maganda ah?" I probed.
"Yung boyfriend ko po kasi, last week pa hindi nagrereply. Nagaalala na po ako." She sounded so worried. Hindi niya namalayan na nilalaro na niya ang kamay niya sa sobrang pagaalala niya.
I tapped her shoulders and smiled.
"Wag mo na muna siya intindihin. I'm sure he's fine. Baka naman busy lang." I soothed her. Maya maya pa ay ngumiti na rin siya sa akin.
After our adventure in Baluarte, nasa daan naman kami papunta sa mga windmills. The sky is shining so bright at walang kaulap ulap. I sighed.
Tinignan ko si Elrie sa tabihan ko. I kind of really remember myself sa kanya. The dreaming and all. I really hope life won't be too harsh on her.
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Game
General Fiction#LostGirlsSeries First Installment Status: Completed Trish Samantha Adornado has a pure innocent heart, but that was before she got her heart broken. She is determined to have her revenge. She made her heart as cold as ice and as hard as gold. But...