Kabanata 29

280 9 0
                                    

Madilim.

Hindi ko alam kung bakit madilim. Can someone turn on the lights?

Sinubukan kong maglakad. Tingin ko ay nasa isang mahabang hallway ako. Malamig ang sahig sa aking paa at may pakiramdam akong basa ito. Patuloy lang ako sa paglalakad pero parang walang hanggan yung nilalakaran ko. Nasan ba ako? Bakit basa?

"May tao ba diyan?"

Wala. Walang sumasagot.

Biglang nalipat ako ng lugar. Hindi ko alam papaano pero nasa isang kalsada ako. Madilim...madilim ang kalsada. Nakatingin ako sa paa kong nababalot ng pula. Pula? Dugo?

Every step I made makes me leave foot prints of blood. Every step I made makes me sink into this thin sheet of ice.

Snow? Bakit may snow?

"Somebody help us!"

Nadistract ako sa narinig kong sigaw. Agad akong napaangat ng tingin at nakita ang isang kotse na nagliliyab. Suddenly, it lit everything up. Saka lang nagsink in sa akin na nasa harapan ako ng isang car accident. Dali dali akong lumapit doon.

"Help! Someone call 911 please!"

Umikot ako para makita kung nasaan ang mga tao. I wanted to shout and tell them I am here to help but my voice won't cooperate. Pag dating ko sa harap, nanlaki ang mata ko.

M-mommy ito ni Zac. Mommy ito ni Zac!

"Tit-"

My body froze. My lungs stopped breathing.

There... at the passenger's seat, I saw Zac swimming in his own blood.
-

"Trish? Trish, wake up. You're just dreaming." I felt someone shaking me kaya't dinilat ko an mga mata ko. I was breathing so hard and I was sweating. Pakiramdam ko tumakbo ako ng napakalayo.

Panaginip...

Panaginip lang.

"Baby, are you okay?" Someone's hand forcefully made my face look at his direction. Doon lang nagsink in sa akin. It was Ezekiel worriedly looking at me.

Gusto kong magsalita, ngunit impit na iyak ang lumabas sa bibig ko. Hinatak ako ni Ezekiel para yakapin. Hindi ko na napigilan. I cried hard. Walang humpay ang aking pag iyak kaya pakiramdam ko ay hihikain ako. Ang sakit sa dibdib.

Damn! Panaginip lang pero...pero parang totoo si Zac.

"Shh..it's just a dream. No one's gonna hurt you. I'm here. Okay? I'm here.."

Patuloy na hinahagod ni Ezekiel ang likuran ko. Hindi ko namalayan kailan pero unti unting kumalma ang puso ko at iyak ko.

Trish, kumalma ka. Panaginip lang iyon. Panaginip lang iyon.

Pero kahit panaginip lang, bakit sobrang sakit?

"S-sorry." I mumbled to Ezekiel. He just smiled at me and kissed the top of my forehead.

"It's okay. Do you want some water? I will get you some." Wala sa sarili akong tumango kay Ezekiel. Buti na lang nandito siya. Buti na lang..

Nung mahimasmasan na ko ay nagawa ko nang tignan ang orasan sa gilid ng kama. Agad nanlaki ang mata ko nung makitang alas otso na ng gabi!

We over slept!

Kakabangon ko sa kama nung pumasok muli si Ezekiel. Dali akong lumapit sa kanya para abutin yung tubig.

"Are you feeling fine?" Tanong niya. Imbis na sagutin iyon ay inubos ko na lang muna ang tubig. Matapos non ay saka ako sumagot.

"Yes, sorry for that. Si manong nga pala? Gabi na masyado. Baka kung saan saan na niya tayo hinanap." Tinungo ko ang daan palabas. This house isn't as big as a mansion kaya may kaliitan ito. But nonetheless, malaking bahay pa rin. May tatlong kwarto, maayos na sala, dining, kusina, music room, library at garden.

The Playgirl's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon