Ibinulsa ko ang cellphone ko sa shorts ko pagkatapos makakuha ng isang litrato. Napapangiti ako dahil sa ganda ng kalangitan.
Ang La Casa Vallejo'ng ito ay nakaharap sa northern part ng mundo. Dahil dito, malamig pa rin ang hangin dahil sa hanging Amihan. Pebrero pa lang kaya talagang malamig dahil patunaw pa lang ang yelo sa China at Korea.
Naisipan kong lumangoy muna nung nabusog na ko sa tanawin. With my rash guard on and a bikini, binitbit ko ang snorkel ko at lumakad na papunta sa hilera ng mga jet ski sa resort na ito.
Di kalayuan ay natanaw rin ako ng isa sa mga nagbabantay ng jet ski.
"Magandang hapon maam!" Kaway sakin. I smiled at them.
"Magandang hapon po Mang Romir. Kasama niyo po pala si Pom at Jo." Puna ko. Gumuhit sa mata ni Mang Romir ang marka ng pagtanda niya dahil sa pagngiti niya.
"Opo maam. Maraming nasisid kanina sa karatig isla. Nagawa na ng asawa ko kaya nailalako na nila."
Si Mang Ramir ay nagtratrabaho sa resort na ito. In charge sya sa mga jet ski. Pinapayagan kong maglako dito ang mga apo niya ng ginagawa nilang kwintas galing sa shells. Natutuwa ako sa mga bata kaya okay lang. Natutuwa din ang mga turista kaya walang problema.
"Pagamit po ako ng isang jet ski. Gusto ko pong sumisid sa isla."
"Kayo lang po mag isa?" Tumango ako at nangiti. Inayos nya ang gagamitin ko kaya naghintay muna ako.
Kapag gusto ko ay nagiisland hopping talaga ako. Kadalasan, pinapabakante ko ang isla kapag nandito ako. Hindi ko lang ginawa ngayon dahil marami pang araw. Pangatlong araw ko pa lamang at masyadong sayang kapag ngayon ko ipinasara gayong maraming turista.
"Heto na maam! Magiingat po kayo!"
"Thank you po."
Sumakay ako sa jet ski at pinaandar iyon. Dinama kong maigi ang hampas ng hangin.
Bukod sa kinatatayuan ng hotel at resort ko, bumili ako ng isla malapit dito. Hindi siya ganoon kalaki ngunit pinatayuan ko ng mga bahay kubo at isang rest house. May services kasi ang resort ko tulad ng kasal or debuts. Tuwing wala naman ay may recreational activity din na one day trip. Magiisland hopping sila, surfing tapos kakain sila dito.
Nung makahanap ako ng magandang parte ay tumigil ako. Pinatay ko ang makina. Hindi na ko nagdalawang isip pa at sumisid na.
Binusog ko ang araw ko sa pagsnosnorkel. Kumain na rin ako sa isla ng hapunan kaya nung maggabi ay hindi na ko nagjet ski. I just rode with the tourist sa yatch.
Pagod akong bumalik sa hotel. Kahit pagod man, pilit ako ngumingiti dahil guests ang mga nakakasalubong ko.
Nilapitan ako ng isa sa mga crew ko.
"Good evening maam! May kailangan po ba kayo?" Utas niya. I smiled at her. Feeling ko bago siya. Medyo bata pa ang itsura nito eh.
"Wala naman. Magpapahinga na ko sa kwarto ko. Paki sabi sa cleaner assigned sa suite ko na I don't need cleaning tomorrow."
"Yes po! Good night maam!" Napangiti ako sa kajollyhan niya. It's been a while since the last time I saw a crew being jolly in front of me. Yes I want to build a wall but not here in Ilocos. This is a special place for me. The people's just so close to my heart.
"Elrie!" Nagulat ako bigla nung may tumawag sa babaeng kausap ko. Napakamot ng ulo ang lalaki at nakatungo naman ang babae. They are my employees because they are wearing the same uniform.
"Sorry po maam! Sorry po!" Hinatak niya yung babae papunta sa tabi niya. Sinamaan niya ng tingin yung babae tapos humarap sakin.
"Kapatid ko po siya. Kinuha niya itong uniform ni Maggie kaya po siya nakaganyan." Kumunot ang noo ko sa paliwanag nung lalaki. Nabasa kong Paul ang pangalan niya na nasa name plate nya.
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Game
General Fiction#LostGirlsSeries First Installment Status: Completed Trish Samantha Adornado has a pure innocent heart, but that was before she got her heart broken. She is determined to have her revenge. She made her heart as cold as ice and as hard as gold. But...