Halakhakan ng mga tao ang naririnig ko. Magaling talaga ang team namin. Kahit wala si Zac ay nagawa pa rin nilang manalo sa semi's na iyon. Ngayon ay finals na.
"Congrats Harvey! Kaunting pacute mo na lang ay sasagutin ka na ni Sophia!" Natatawa kong sabi. Siniko ako ni Sophia kaya natawa ako.
"Nanliligaw ka?" Nagulat kami nung sumulpot si Cross habang akbay ang isang babae. If I am not mistaken, eto yung girlfriend niya.
"Hi!" Bati samin nung babae. Nandito pa kami sa gym. Kakaalis lang ng iba. Nagpicture picture pa sila.
"Oo Cross! Pumayag." Nakangiting sambit ni Harvey sabay akbay kay Sophia. Cross smirked bago sila umalis ng girlfriend niya.
"Ah, Trish, si Zac?" Tanong sa akin ni Harvey. Ngumiti ako sabay iling. Naalala ko nung inaya ko siya.
"Zac, ayaw mong manood?"
"I can't... It's like going into my house and I can't even enter inside."
Sobrang lungkot niya non. Hindi ko alam kung papaano ko pagagaanin ang loob niya.
"Hindi talaga siya pumunta ano? The team misses him already. Pero ikaw lang ang kinakausap niya." Ngumiti ako ng tipid. Alam ko may iniisip na sila sa amin ni Zac pero wala iyon. We're friends.
"Oo nga. May something na ba sa inyo?" Tanong ng isa sa mga kateam nila. Agaran akong umiling.
"Nako hindi ah. We're good friends. Hayaan niyo na lang muna siya." Suhestiyon kong tumango tango naman siya.
"Nga pala Trish, paki sabi na lang kay Zac na invited siya sa birthday ko. Pati kayo, Nina, pumunta kayo ha?" Ngumiti ako at tumango.
"Oo, makakarating."
Naging tahimik ng panandalian ang klase dahil tapos na ang semi's.
Magkakaroon ng laban against the other school. Game 1, then game 2. Kung sino ang unang makadalawang panalo ay siyang Champion. Sa susunod na linggo na agad ang 1st game. Then sa susunod ang sa December. Then doon malalaman kung magkakaroon ng game sa January.
Nagpasama sa amin si Sophia sa mall. Natapos ang first game ng finals at panalo kami. Masaya, kasi isang panalo na lang championship na.
"Ano bang gagawin mo?" Tanong ko. Nandito kasi kami sa baking section. Nakita ko ang mga heart shapers na metal para sa biscuits. Hmmm... gawan ko kaya si Zac?
"Gagawa ako ng brownies para kay Harvey. Parang congratulations na rin kasi siya ang mvp nung first game." Napangiti ako. I think, good influence si Harvey kay Sophia.
"Sa bahay ka na magbake." Nakangiti kong sambit. Maligaya siyang kumuha ng mga ingredients.
"Bakit?" Tanong niya.
"I wanna learn."
Lumayo ako ng kaunti at kinuha ang phone ko. Dinial ko ang numero ng mommy ni Zac. Naka apat na ring lang iyon ay sinagot na niya.
"Hi tita!" Maligaya kong bati.
"Oh iha! Napatawag ka?"
"Tita, si Zac po ba...kumakain ng cookies?" Tanong ko.
"Oo naman. Kumakain naman siya nun."
"Ah sige po tita. Sige po, bye!"
Agad akong kumuha din ng mga ingredients. Ginaya ko lang kung ano ang mga kinuha ni Sophia. Tumingin sa akin si Nina ng parang di makapaniwala.
"Bakit?" Natatawa kong tanong.
"Wala naman..."
Nasa sasakyan na kami nila Nina. Sa bahay kami didiretso ngayon. Mamayang hapon na pupunta dito si Zac. First time niya. Nakaready na rin ang mga art works ko. Medyo nahihiya nga ako eh.
"Nasabi mo na ba kay Zac yung birthday party ni Harvey?" Tanong ni Nina sakin. Nilingon ko siya.
"Oo pero....ayaw niya. Pero pipilitin ko. Kaibigan pa rin naman niya si Harvey eh." Pagaassure ko.
Nagpaturo ako kay Sophia kung papaano gumawa ng cookies. Puro panunuya sila sa akin. Why? Is it bad to make something for someone?
"Pupunta dito si Zac mamaya. Hmm, ipapakita ko yung sketches ko." Sambit ko nung maipasok na namin sa oven ang mixture. Nagsisimula na ring magligpit ang mga katulong.
"Nako, iba na yan Trish!" Kantsaw ni Sophia. Umismid ako.
"Ano bang ginawa mo kay Zac para ikaw lang ang pansinin ng ganito?"
"Magkaibigan lang kami okay? I'm just helping him out. Mahirap yung kalagayan niya ngayon."
Atat na atat umalis si Sophia. Si Nina naman, susunduin ni Cross mamaya. Si Jonathan hindi ko alam kung nasaang lupalop ng mundo yon ngayon.
"Okay lang bang nandito ako? Baka mailang si Zac?" Nagaalangang tanong ni Nina.
"Hindi, ako ang bahala sa'yo. Papakilala ko na rin kayong dalawa ng official." Nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakakita ng mensahe galing kay Zac.
From Zacarius
Nandito na ko sa labas ng bahay niyo.
"Wait lang." Sabi ko kay Nina.
Tumakbo ako sa labas at naaninag ko si Zac na nakasandal sa kotse nila. Kumaway ako sa kanya at nilapitan siya.
"Tara sa loob!" Maligaya kong wika. Tumango naman siya.
Pagkapasok sa loob ay iginala niya ang paningin niya sa buong bahay.
"Ah Zac, si Nina nga pala. Kaibigan ko. Nina, si Zac." Kumaway sa kanya si Nina. Tinanguan naman siya niZac. Ngumuso ako. Ang sungit naman nito ngayon.
"Halika Zac! Nasa kwarto ko yung mga sketches ko. Nakaframes kasi." Tumango siya sakin at umakyat kami. Medyo hirap sya dahil sa saklay niya but he managed to go up our stairs.
Pagkapasok namin sa kwarto ko ay naupo ako sa kamay. Itinuro ko ang mga art works ko.
"Mahilig ka magdrawing ng tao?" Ngumiti ako tumango. Iyon ang hilig ko. Pangalawa ang scenery.
"I love drawing eyes. Kasi sa painting o sketch, yun yung unang nakakahatak. Kaya eto, puro tao iyan. Ay teka lang ha?" Tumango siya habang pinagmamasdang mabuti ang mga gawa ko. Uminit ang pisngi ko dahil doon.
Pagbaba ko ay nakita kong tulog si Nina. Nakatulog sa mesa habang nagaaral. Umakyat akong muli para kumuha ng kumot at itinaklob iyon sa kanya. I got the cookies and went upstairs again. Nakita ko si Zac. Tracing the lines of my drawings using his finger. Kumalabog ang dibdib ko sa di malamang dahilan. Nagbalik lang ako sa diwa ko nung nagtama ang paningin namin.
"Ah! Kain ka muna! I baked this. Gusto ko rin sanang uwian mo si tita." Nakangiti kong sambit. I offered him the cookies. Kumuha siya ng isa. Nagindian sit ako sa floor at ganun rin ang ginawa niya pero nakastreched ang paa niya.
"How was it?" Masaya kong tanong. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at tumango.
"Masarap. Nagbabake ka pala?" Umiling ako.
"Not really. First time ko ito. Si Sophia kasi nagbake ng brownies para kay Harvey. Kaya eto, naisipan kong gumawa ng cookies para may maipakain ako sayo dito." Tumango siya. Tinitigan niya ko. Sumibol nanaman ang tambol sa dibdib ko. Kinagat niya ang labi niya. Napaiwas ako ng tingin.
"A-ano, tapos ka na ba dito?" Sabay tayo ko at kuha ng mga sketches ko. Hindi ko siya tinitignan pero ramdam ko ang titig niya.
"Yeah."
Sinikop ko ang mga papel at isa isang tinago sa cabinet ko. Kahit tapos ko nang maayos ay nagkunwari akong nagaayos pa rin. Shit, bakit biglang ganito? Pinagpapawisan ako!
"Do you usually...let guys inside your room?" Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko.
"Saan?"
"Inside your room. Pinapasok mo nga ako dito e."
"Wala naman akong lalaking kaibigan talaga. Ikaw pa lang. Si Harvey, oo magkaibigan kami pero never pa nakatungtong iyon dito sa bahay." Paliwanag ko.
"So, I am the first one to enter your house, woman?" Nakita ko ang ngisi sa labi niya. Napapikit ako ng mariin at tumango.

BINABASA MO ANG
The Playgirl's Game
Ficción General#LostGirlsSeries First Installment Status: Completed Trish Samantha Adornado has a pure innocent heart, but that was before she got her heart broken. She is determined to have her revenge. She made her heart as cold as ice and as hard as gold. But...