Nalalapit na ang semi's. Lalong napapalapit, mas palagi kaming nasa gym dahil sa panonood. Ngayon, napaaga ang dating namin sa court. Pero kahit maaga, usually ay nandito na ang players. Maybe today is not the usual day.
"Where are they?" Tanong ko. Tahimik kasi ang gym. Wala rin masyadong students. Nakapatay pa ang ilaw sa dulo.
"Baka naman hindi dito?" Tanong ni Nina.
"Dito raw. Sabi ni Jonathan kanina dito sila magprapractice." Sabi ko.
Well, dumiretso kami sa bleachers. Pagkaupo ko ay nilabas ko ang phone ko.
To: Zacarius
Just go now. Para rin yan makapagpacheck up ka na.
Ayaw niya kasing magpacheck up. Hindi rin siya makumbinsi ng mommy niya na magpacheck up. Ayaw raw niya.
"Itetext ko si Harvey." Sabi ni Sophia sabay layo ng konti. I wonder what's going on between the two of them.
Naupo si Nina sa tabihan ko. Nilabas niya ang kanyang notebook. Nagsimula siyang magsulat ng mga sagot niya sa homework namin.
"Pakopya!" Natatawa kong sabi. Inilahad niya yung notes niya.
"Hanapin mo na lang diyan yung answers. Wala pa kong nagagawa eh. Sa Chemistry ba may nagawa ka na? Pakopya din nung exercises." Tumango ako. Oo nagawa ko na iyon. Tinuruan ako ni Zac.
Aantukin na sana ako nung may marinig akong dribble. Sabay sabay ang pag talbog ng bola. Animo'y lumilikha sila ng isang tugtugin. Napalingon ako at kita ko ang basketball players na nagshoot ng bola. Huling huli si Harvey na lumabas. Pingulong niya ang kanyang bola papunta sa kanyang batok sabay shoot nito. Kumindat siya kay Sophia at tumawa naman siya.
Naaninag ko si Jonathan na pacool na naglalakad patungo sa amin.
"Anong pakulo to?" Natatawa kong tanong.
"Ayan, kanina pa nila yan plinano. Watch."
Lumapit si Harvey kay Sophia. Dala niya ngayon ang isang bouquet ng rosas.
"Sophia, alam ko, masyadong mabilis. But even though before, I am already watching you from afar. Now, I want to know you better. I want you to know me more. Sophia, gusto kita. Noon pa man. Sophia, pwede ba kitang...ligawan? Will you allow me to court you?"
Napakagat ako ng labi sa pinakikinggan. Ang sweet! Nakakainis, nakakakilig. Napalingon ako kay Nina na abot tenga ang ngiti.
"Liligawan mo ko?" Pagbasag ni Sophia sa katahimikan. Tumango si Harvey. May halong kaba ang kanyang mga mata.
"Wag ka papaligaw!" Sigaw ko sabay tawa. Ngumisi si Jonathan.
"Oo nga! Basta basketball player, playboy!" Sigaw rin ni Nina na mas ikinatawa namin. Takot na takot ang mga mata ni Harvey. Nagtawanan ang team.
"Sophia.. h-hind-"
"Magpapaligaw ako." Nakangiting sambit ni Sophia kaya nagtilian kami. Finally magkakalove life na ang isa samin!
"T-talaga?"
"Oo."
"Yes!" Natawa ako nung niyakap ni Harvey si Sophia.
"Hoy manliligaw ka pa lang! Hindi boyfriend!" Sigaw ko.
Natapos ang practice game nila ng puro tawanan lang. Masaya ako kasi mukhang masaya si Sophia. Kanina pa namin siya kinakantsawan.
Lumabas ako sa classroom nung matapos ko ang quiz. Nagulat ako nung makita ko si Zac sa labas ng room ko. Kahit na nakasaklay ang gwapo pa rin siya. Ngayon, balik ang mga girls sa kanya. Lagi naman eh, palibhasa gwapo.
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Game
General Fiction#LostGirlsSeries First Installment Status: Completed Trish Samantha Adornado has a pure innocent heart, but that was before she got her heart broken. She is determined to have her revenge. She made her heart as cold as ice and as hard as gold. But...