Kabanata 7

659 16 11
                                    

Mamaya na ang birthday party ni Harvey. Lahat ay excited dahil syempre, may magaganap na kaunting inuman doon.

Bumili ako ng sports pad as gift. Wala kasi akong maisip kaya eto na lang since varsity siya.

Narito si Sophia at Nina sa bahay. Dito na kami manggagaling papunta doon sa bahay.

"Iyan talaga ireregalo mo ha?" Natatawa kong kantsaw. Bumili siya ng isang basketball at sinulatan ng pentel pen iyon. Malang YES ang nakasulat doon. Sabi niya, ngayon niya raw sasagutin si Harvey.

"Ang corny!" Sabay tawanan namin ni Nina. Umismid siya sa amin.

"Inggit lang kayo." Aniya na ikinatawa namin.

Nagsuot ako ng simpleng puting high-waist shorts at denim sleeveless na pang itaas. I curled the tips of my hair and wore some vans.

Sabay sabay kaming bumaba ng kwarto ko. Lahat kami iisa ang reaksyon nung makita namin si Zac sa sala. Naka white v-neck shirt at faded maong pants.

"Oh, sasama ka?" Gulat kong tanong. Humagikgik sila Nina at hinatak si Sophia.

"Sa kotse niyo na kami!" At saka kami iniwanang dalawa ni Zac.

Dahil sa sinabi niya noon kay Jonathan, I figured it out. I figured out why I always feel a loud tap on my chest. I figured out why I'm hurt nung may mga nabitawan siyang salita. Simply because I like him. I came to like him. I hope I don't need to worry because I will not nurture these feelings.

"You are going?" Tanong ko. Kinagat niya ang pang ibabang labi at tumango.

"Yes." Tumango ako at nagsimulang maglakad palabas. He stood up and walked by my side.

"If you'll...ask my why, I'll go because this is what you want. I'll go because I want to prove myself that I can. Basta...nasa tabi kita." Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Ngumiti ako sa kanya. Oo, hindi naman kita pababayaan.

Sumakay kami sa kotse namin. Nasa passenger's seat si Jonathan na malaki ang ngisi nung makita si Zac.

Habang nasa kotse kami ay hagikgikan ang ginawa namin nila Nina. Naalala kasi namin kung ano anong kakornihan ang pinag gagagawa ni Harvey mapansin lang siya ni Sophia.

"I still remember the day when I asked Harvey bakit compulsory ang manood ng semi's! Yun pala ay para makapanood ka!" Natatawa kong kwento. Nina laughed out loud.

"Totoo?" Nanlaking mata ni Sophia. Tumawa ako lalo. Pati si Jonathan ay tawa na rin ng tawa. Ganun din si Zac.

"That bastard." Naiiling niyang kumento.

"He should have invited Sophia instead!" Sabi ni Nina. I nodded.

"I told him that! Ang sabi niya'y manigurado raw na hindi manonood si Sophia."

Humupa ang tawanan at tumahimik na ulit. Tahimik na tahimik si Zac sa tabi ko. I wonder what he is thinking right now.

"Kamusta ka na Zac, yung paa mo, okay na?" Sophia broke the silence.

"I'm fine. Hindi pa ko bumabalik sa doktor eh."

Dumating kami doon sa lugar. May kalakihan ang bahay nila. Ang sabi sa amin ay sa rooftop daw magaganap ang celebration.

Nakababa na lahat. Si Zac na lang ang nasa kotse. Kita ko ang alangan sa mga mata niyang bumaba. I know he is afraid. I lend my hand in front of him and I smiled. Huminga siya ng malalim at tumango. Pakiramdam ko ay nakuryente ako nung ipinatong niya ang kanyang kamay sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"You can do it."

Pagkapasok namin ay marami rami nang nandito. Siguro ay mahigit 30 kami rito. 13 ang basketball team. Nandirito rin ang student council at ang iba pa niyang kaibigan. Pagkaakyat namin ay nanlaki ang mata ng mga naroon. Of course, they won't expect Zac to be here.

The Playgirl's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon