Naging regular kong kausap si Zac sa text. Hindi nga lang sa school dahil busy kami. We're friends. Lagi naming napaguusapan ang random things. Parehas pala kaming mahilig magdrawing. Nakakatuwa.
"Bukas ba sasama ka sa practice game namin?" Nilingon ko si Jonathan. Nandito kami sa sala. Gumagawa ako ng assignment.
"Hindi muna. Sa semi na lang ako manonood." Nakangiti kong sagot. Nagkibit balikat lamang siya at bumalik na sa sinasagutan niya.
Niyaya ako ni Zac sa bahay nila bukas. He is going to show me his collection of drawings. Natuwa naman ako. Syempre pinaunlakan ko na. Alam kong malungkot siya ngayon dahil syempre kakabreak lang nila ng girlfriend niya. It's good to have guy friends actually.
Kinabukasan, agad akong gumising ng maaga. May klase ngayon at ayokong malate. Ngayon kasi ang music class namin. At ang topic speech class. May kanya kanya kaming instrument. Ang akin ay piano.
Pagkapasok ko pa lang sa room ay nakaready na sila. Ako rin naman. Pero kabado ako dahil I don't sing.
"Nina, sigurado ka ba sa mga tinuro mo sakin?" Narinig kong tawag ni Sophia.
"Oo, gitara lang naman yan. Three chords lang. A, Am7 at D lang naman. Up up down down up up lang naman." Mahinahong pag eexplain ni Nina.
"Anong kakantahin mo?" Tanong sakin ni Nina.
"Your love ni Alamid. Alam mo?" Tanong ko. Umiling naman siya.
"Kayo ba ni Sophia? Ano napili niyo?" Tanong ko.
"Bubbly kay Sophia tapos sakin Thinking out loud." Tumango ako.
Dumating na ang teacher namin. Hudyat na magsisimula na ang pagkanta. Ako ang nauna. Nasa A ang apelyido ko eh. Sinimulan ko ang pag kanta. Kabado ngunit pinilit kong damdamin.
"You're the one that never lets me sleep...To my mind down to my soul you touch my lips..." natanaw ko sa labas ang mga nanonood. Kita ko roon sila Harvey at iilang basketball members na nanonood. Maybe hinatak ni Harvey. Mukhang seryoso sya kay Sophia ah?
"You're the one that I can't wait to see....With you here by my side I'm in ecstasy..." napako ang tingin ko sa isang lalaki sa may dulo. He's far from his team mates. Napangiti ako sa di malamang dahilan. Nandito si Zac.
"I am all alone without you...My days are dark without the glimpse of you...Now that you came into my life I feel complete...The flowers bloom the morning shines and I can see...." pumikit ako upang damdamin lalo ang kanta. I want to have a grade of uno here.
"Your love is like the sun that lights up my whole world...I feel the warmth inside...Your love is like the river that flows down through my veins...I feel the chill inside.." pagdilat ko ng mata ko ay wala na si Zac doon sa pwesto niya. Natapos ko ang kanta at tinawag ang susunod.
Nung si Sophia na ang kakanta ay naghiyawan sila Harvey. Natawa pa nga ako dahil pinagalitan sila ng teacher ko.
"Quiet!"
Nagsimula siyang tumugtog.
"It starts in my toes..."
Naisip ko kanina si Zac. Naalala ko yung itsura niya nung kumakanta ako. He is smiling but sadness is evident in his eyes. Naisipan kong tumipa ng mensahe.
To: Zacarius
Break niyo?
Wala pang isang minuto ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya.
From: Zacarius
Oo. Magaling ka palang kumanta e. Uwian na namin. Hintayin na lang kita sa parking lot tapos sabay na tayo pumunta sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Game
General Fiction#LostGirlsSeries First Installment Status: Completed Trish Samantha Adornado has a pure innocent heart, but that was before she got her heart broken. She is determined to have her revenge. She made her heart as cold as ice and as hard as gold. But...