Kabanata 10

443 12 2
                                    

"Go loves! Kaya niyo yan!" I cheered at the top of my lungs. Kinindatan niya ko kaya mas lalong nagtilian ang mga babae. I laughed.

I spent my new year with his mom and dad. I'm so happy dahil tanggap ang relasyon namin ng parents nya. Jonathan was happy for me too. Sila mommy at daddy na lang ang wala pang alam. Well, it's fine. Wala naman sila mommy dito and I'm sure na papayag naman iyon.

Zac is so sweet. Palagi ko siyang kinekwentuhan tungkol sa parents ko. I told him how I love them and how I want to be like them. Nalaman ko namang business pala ang linya ng lolo niya. Meron silang Pharmaceutical Company.

Tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang third quarter. Last quarter na at dikit na dikit ang laban. Wala pa ring silang coach for this game. Bunga pa rin ng paghihirap ni Zac ang trainings nila. I can't wish for anything more.

Pinunasan ko ang pawis niya. Kumuha siya ng isang bote ng energy drink. Sa isang inuman ay ubos niya yon.

"How's your feet?" I asked. He smiled at me.

"Okay naman. Lakas magcheer ng loves ko ah?" ngumiti siya ng abot tenga sa akin. Shet edi ako na kinikilig ano po?

"Pasikat ka eh! Sige na, finish your game!" I quickly gave him a peck on his lips. Natigilan siya sa ginawa ko at puro hiyawan ng tao sa paligid ang narinig.

"Wala pang official champion title pero parang nakachampion na rin whooo!" sigaw ni Harvey na ikinapula ng mukha ko.

"Babe ako ba wala?" pagbaling niya kay Sophia. Pinamulahan ng mukha si Sophia at humalik rin. Natigil si Harvey at dumagundong lalo ang hiyawan. Mga gunggong talaga sila!

Nagulat ako nung halikan ako ni Zac. He gave me wet kisses that send shivers on my back.

"Gift ko mamaya pag nagchampion ah? You'll meet my lolo."

And he went back to the court. Phew! That was freaking hot! Saka lang nagsink in sa akin na mamemeet ko na nga ang lolo nya nung nasa sasakyan na kami patungo sa isang restaurant sa Intramuros. Wala ang lola niya, that's for sure. Ang kwento niya'y nacoma daw ang lola niya matapos ang isang operasyon.

Pagka baba namin ay isang makalumang design ng isang restaurant ang sumalubong sa amin.

Zac assisted me at alam kong dama niya ang lamig ng kamay ko.

"Chill, loves. He will like you." Pag aassure nya sakin.

"You think so?" I asked again. He nodded and kissed me on my temple.

Pagkaakyat ay naroon nga ang mommy at daddy nya. Nakita ko rin ang lolo niya dahil siya lang naman ang matanda roon.

"Lolo...good evening po." bati ni Zac. I went behind him.

"Good evening po." I greeted.

"Iho! How's my apo!" halakhak ng lolo niyang talaga nga namang nakakatakot. His eyes darted on me. Natigilan siya saglit saka bumaling kay Zac.

"Who's this lady, Azy?" he asked, never interrupting his rude stare.

"Lo, this is my girlfriend. Trisha Adornado. Trish, lolo ko." Nakangiting pakilala ni Zac. His lolo's forehead creased.

"Are you..related with Dr. Alberto Adornado?" tanong ng lolo niya. Kumunot ang noo ko.

"He is...my father, Sir." nasilayan ko sa kanyang mga mata ang galit. Napasinghap ako nung kamuntikan na niya kong sugurin!

"Lo!" sigaw ni Zac.

"Hiwalayan mo ang babaeng yan!" sigaw ng lolo niya na ikinagulat ko.

"What are you saying lo-"

"Follow me! Let's go home." madilim na tawag sa kanya.

Natulala ako sa pagwawalk out niya. Zac drove me home. He keeps on saying sorry ngunit para akong walang marinig.

The next day, natauhan ako. I kept on calling Zac but he is not responding to my calls. Pumasok ako ng lutang. Jonathan was asking a lot of things and I can't even answer one.

Pumunta ako sa klase ni Zac just to know kung nasan siya. Pagpunta ko doon ay nalaman kong absent sya. What the hell is the problem? Kilala niya ba pamilya ko? May atraso ba kami sa kanila?

Huminahon ako. I let two days to pass. Nung hindi na ko makapagpigil ay pinuntahan ko na siya sa bahay nila. Pagdating ko doon ay wala akong naabutan. Fuck this! What is happening?

"Baka naman umalis lang."

"Jonathan! Hindi aalis iyon ng hindi nagpapaalam!" I started crying. I'm so damn frustrated!

Monday na at exams namin. Papunta na sana ako sa classroom ko nung salubungin ako nila Harvey. They have worrying eyes kaya kumunot ang noo ko.

"Trish! Si Zac!" agad akong kinabahan nung marinig ko ang pangalan niya. Namuo ang luha sa mata ko.

"A-anong nangyare?" takot kong tanong.

"Si Zac...He's in States."

The Playgirl's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon